"
TALK NO. 12 "TRANSFORMATION IN CHRIST
A. PASIMULA
- Tayo ay dumating na sa ating pagtatapos ng CLP. Ngunit ito ay hindi katapusan,
kundi tayo ay nagsisimula pa lamang. Ating kinakaharap ngayon ang
"Bagong Buhay" sa Diyos at sa ating apwa.
- Ang Panginoon ay ibinaba sa atin ang isang pundasyon para sa Bagong
Buhay sa pamamagitan ng CLP na ito.
a.) Ang inyong pagsisisi, personal na
pagbabago, isang pagpapanibagong pananampalataya sa Diyos.
b.) Ang pagtanggap kay Hesus bilang
Panginoon at tagapagligtas.
c.)Pagkakaloob o kapahintulutan ng
lakas sa pamamagitan ng Bautismo sa Espiritu Santo. At ngayon, ang patuloy na
tulong na inyong matatanggap sa pamamagitan ng Couples For Christ.
- gayon ay kailangang pahintulutan ninyo ang Diyos na ipagpatuloy ang
proceso na inyong pagpapanibagong buhay kay Kristo. Ang banal na espiritu
ay kumukilos upang kayo ay lumago sa kaalaman, pag-ibig at higit sa lahat,
mapaglingkuran ang Diyos.
B. Ang kagustuhan o
plano ng Diyos
- Nais ng Diyos ang inyong pagbabagong anyo.
a.) Malalim na pakikipagugnayan
sa Diyos.
- Lumago o umunlad sa
kabanalan (1 Pedro 1:15-16) kailangang lumago
upang maging katulad ni
Kristo.
Lumago sa pagiging disipulo (Mateo
16:24) kailangan nating matutuhan ang kahulugan ng tunay na disipulo ni
Jesukristo. Sa ganitong paraan tayo ay magiging karapat-dapat kay Hesus. (Mateo
10:37-39).
b.) Malalim na pakikipagugnayan sa
kapwa Maging tunay na Brothers and Sisters sa bawat isa. At saka patuloy na
lumago sa pakikipagkaibigan at malasakit sa kapwa.
c.) Malalim na pagtatalaga ng sarili
sa paglilingkod sa Diyos sa kapwa, sa lipunan, simbahan at sa bayan. Ang gawain
ng evangelization, pagdadala ng mabuting balita na ating tinatanggap at ibahagi
sa iba.
- At habang tayo ay lumalago at nagbabagong anyo, ano ang para sa Diyos?
Nais ng Panginoon na itaas natin ang pamilya sa Banal na Espiritu na siyang
magpapabago sa mukha ng mundo.
a.)Para sa kaganapan ng
plano ng Diyos (Efeso 1:10)
b.) Para sa kaganapan ng
Dakilang pagtatalaga o pagkahirang.
Ang CFC ay inatasan upang
gawin ang pandaigdigan na misyon sa evangelization at pagpapanibago.
C. Papaano magkakaroon ng kaganapan
ang hangarin ng DIyos sa pamamagitan ng CFC? Papaano tayo tutugon sa tawag ng Diyos?
- Patuloy na lumago sa personal na kabanalan.
a.) Pang araw-araw na
panalangin at pagbabasa ng Biblia
b.) Pagiging matapat sa
CFC Covenant
c.) Pagdalo sa mga
programa ng paghubog sa CFC.
- Bumubuo ng malakas at matibay na kristianong pamilya at tahanan.
a.) Ang pamilya ang
pangunahing antas ng lipunan, simbahan at bansa.
b.)ang kalagayan nito ang
magiging batayan ng bansa na higit sa lahat.
c.) Maging liwanag ng
inyong kapwa.
d.) Dalhin o isanib sa CFC Family ang
inyong mga anak, tulad ng KFC, YFC, SFC.
- Makiisa sa gawaing evangelization.
a.) Ito ay pandaigdig na
misyon ng CFC
b.) Bawat CFC member ay dapat na
maging evangelist o tagapagpahayag. Dalhin ang iba o kapwa sa CFC upang
matagpuan si Jesu kristo
D. CONCLUSION:
- Isang malaking pribilehiyo kung nasaan tayo ngayon.
a. Ang pagkakaroon ng personal na
ugnayan kay Hesus at makasama sa iang masiglang kuminidad tulad ng CFC.
b. Ito'y nagaganap hindi sa pansariling
kahalagahan, kundi sa pamamagitan ng
awa at biyaya ng Diyos.
c. Dapat tayong tumugon na may kaluguran
at kababaang-loob.
- Dapat tayong magpatuloy:
a. Tingnan at asahan ang kinabukasan.
Ang Panginoon ay patuloy na namamalagi sa buhay natin.
b. Ibigay ang lahat para sa Diyos.
* Si Hesus ay isang malaking
kayamanan na ating nakamit, katumbas ito na lahat nating kakayahan at kalakasan
na mabuhay na buong-buo para sa kanya.
* Maging katulad ni San
Pablo (Filipos 3:7-8, 12-14)
c. Ipagbunyi natin si Hesus na ating
Panginoong Diyos.
DEDICATION CEREMONY:
- Ipaliwanang ang commitment ceremony
- Anyayahan ang lahat na
tumayo. Awitin ang "Here I Am Lord"
- Anyayahan ang bawat isa na basahin ang Covenant ng CFC. (Basahin ng
Malakas at sabay-sabay).
- Pray-over na lahat ng itatalagang Bros. & Sis. anyayahan ang
dating member na manalangin na kasabay ng leader. (Awitin ang Spirit of
the Living God).
- Welcome the New Brethren to CFC at anyayahan ang old member na
tanggapin at ipahiwatig ito sa pamamagitan ng palakpakan. Isunod ang pagbati
and the "Welcome to the Family" and other lively songs.
- Fellowship follows
COUPLES FOR CHRIST
KASUNDUAN SA COUPLES FOR CHRIST
1. Sa tulong at paggabay ni Kristo:
- Mananalangin ng labinlimang minuto man lamang
araw-araw
- Magbasa ng Bibliya labinglimang minuto man lang
araw-araw
- Palagiang makibahagi sa buhay pagsamba ng aking
simbahan
- Iwasan ang kasalanan at maling gawain
- Isaayos ang aking sariling pamumuhay
2. Ilalaan ko ang aking
pagtatag ng isang matibay na mag-anak para kay Kristo:
- Magtataguyod ng isang palagiang pakikipagusap sa aking kabiyak at
mga anak linggu-linggo
- Ipamuhay ang aking katungkulan bilang magulang
- Manalangin kasama ang mag-anak araw-araw ay ipagdiwang ang Lord's
Day.
- Maglaan ng masaganang panahon para sa tahanan at pamilya sa mga
gawain at pag-aliw.
3. Ilaan ko ang aking sarili sa paglilingkod sa Diyos
- Magdala ng mga mag-asawahan para kay Kristo
- Maglaan ng panahon upang maglingkod sa Couples For Christ kung saan
man akotinatawag maglingkod, at sundin ang mga panuntunan ng mga taong may
pananagutan sa aking palilingkod.
4. Makikipag-ugnayan ako ng may pagmamahal at katapatan sa
iba pang mga anak sa Couples For Christ.
- Daluhan ang aking lingguhang pagtitipon bilang maliit na grupo at makipagtulungan
upang magkaroon ng kaayusan ang pagtitipon
- Tapat na daluhan ang lahat ng pagtitipon
- Tumanggap ng iba pang mag-asawa na idinagdag ng Panginoon sa ating
bilang.
5. Ako'y mag-aral at
magpupunyagi na umunlad bilang kristiyano at sa ikauunawa at katuparan ng aking
bokasyon bilang may-asawa.
- Daluhan an mga kurso, retreats, pagsasanay at mga
pulong ng CFC
- Masigasig kong pag-aaralan ang lahat ng mga
babasahin na ibinigay sa akin.
Tulungan
nawa ako ng Panginoong Hesukristo na maipamuhay ang kasunduan ng Couples For
Christ sa araw-araw para sa kanyang karangalan at kaluwalhatian at sa ikabubuti
na aking mga kapatid.
___________________________ , ___________________________
Pangalan at Lagda
SOURCE: COUPLES FOR CHRIST
Subscribe to Biztalk and Jobs via Email
Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook
Follow me on Twitter
Blog Links:
Health and Wellness
The Leader
ACTRESS @ CELEBRITIES PHOTOS
Young and Adult Sexual Reprouctive Health
organic Farming