ANG TULARAN NG ISANG KRISTIYANO -
ANG MAGMAMAHAL SA DIYOS
ANG
TUNAY NA KRISTIYANONG PAMUMUHAY
5.
Ang tularan ng isang Kristiyano - Ang Magmamahal sa Diyos
6.
Ang pagmamahal sa Kapwa
7.
Ang Krisityanoong Angkan
8.
Ang buhay sa Espiritu Santo
Panglimang Sesyon: ANG
TULARAN NG ISANG KRISTIYANO
Layunin: Upang
mailabas at maipakita kung anu-ano ang mga tularan ng mga kalahok sa programa
at turuan silang gamitin ang mga ito upang kanilang maabot ang pinakamataas na
tularan ang magmahal sa panginoong Diyos.
Pinahabang Balangkas ng Paglalahad
I. Introduksiyon
A. Sa mga nakaraan na mga panalilita,
tinalakay natin ang mga sumusunod:
1. Ang panukala o plano ng Panginoong
Diyos para sa sangkatauhan at bawat isa sa atin;
2. Ang pagka-sentro ng Panginoong Hesukristo
sa kasaysayan ng kaligtasan;
3. Ang ating papel ng ginampanan sa
kasaysayan ng kaligtasan; at
4. Ang paanyaya ng Panginoon na tayo ay
Magsisi at maniwala sa Mabuting Balita.
B. Ngayon sa pangalawang yugto ng ating
programa sa Pamumuhay kristiyano, talakayin natin ang mga sumusunod:
1. Kung papaano tayo matagumpay na
namumuhay bilang isang kristiyano sa makabagong kamunduhang ito; at
2. Kung papaano natin gagamitin ang
panukala o plano ng Panginoon upang tayo ay makaranas ng Kanyang lakas at
kapayapaan.
A. Marami sa atin ang nagpapahayg ng
pagmamahal sa Panginoon sa iba't-ibang paraan. Katulad ng:
1. Pagiging banal o relihiyoso
2. Pagkakawang gawa
3. Mga banal na gawaing gaya ng
paglalakad ng paluhod sa Quiapo.
Ang lahat ng mga nasabi ay hindi
masasamang isipan o gawain ngunit hindi rin ito sapat na paraan ng pagpapahayag
ng pagmamahal sa Diyos.
B. Ang pagmamahal sa Diyos bilang isang
tularan
1. Mga hangaring nagbibigay ng direksyon sa ating
mga kilos at plano sa buhay.
2. Ang mga hangarin ding ito ang
nagiging tularan natin na nagimpluwensiya at nagbibigay ng direksiyon sa ating
buhay.
3. Maaaring ibuhos natin ang ating
buhay sa paghahabol ng ating mga mabubuting hangarin ngunit kung ang tularan
natin ay hindi ang magmamahal sa Diyos, ito ay hindi magiging sapat na tularan.
C. Naisin ng Panginoon na maging
tularan natin ang magmahal sa Kanya.
Yan ang dahilan kung bakit ito ay
ginawa niya isang kautusan,
(Marcos 12:28-30)
II. Ano ang ibig
sabihin ng mga ito?
A. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos
ng buong puso.
Ano ang ibig sabihin ng "Ibigin
ng buong puso?" Upang masagot ito, kinakailangan nating maintindihan kung
ano ang ibig sabihin ng Panginoong Hesukristo sa salitang "puso".
1. Sa karamihan sa atin, ang puso ay
may kinaalaman sa ating pakiramdam o imosyon.
2. Sa bibliya, ang puso ay sentro ng ating
katalinuhan at kapasiyahan.
Ang pinaka-sentro ng isang nilalang.
Sama-sama dito ang kanyang katalinuhan, ang kanyang isipan, ang kanyang
kalooban, at ang kanyang pakiramdam.
Kung pag-aralan natin ang dalawang
pagkakaintindi sa salitang "puso" lalong tumpak na gamitin sa pagkakataong
ito ang pagkakaintindi ng salitang puso sa bibliya pagkat ng ito ay ihayag
ng Panginoon, hindi pagmamahal na ang batayan ay pakiramdam o imosyon ang
kanyang ibig sabihin kundi pagmamahal na ang batayan ay isang pinag-isipang
banal at tunay na pangako, isang kapasiyahang magmahal.
3. Ang mahalin ang Diyos ng "buong
puso" ay ang pagiging ganap na kanya at para sa kanya.
a. Ito ay katulad ng ating panunumpa sa
araw ng ating kasal.
b. Ito ay isang banal na pangakong iuna
siya sa lahat ng bagay. Isang disisyon o kapasiyahang ilagak siya sa una. Siya
muna bago ang lahat. Maging tapat sa kanya. Ilagay ang Kanyang naisin sa ibabaw
ng ating sariling mga naisin kahit ano pa man ang mangayari.
4. Papaano natin mailalagay o malalagak
ang Panginoon sa unahan ng ating buhay?
a. Ito ay nangangailangan ng isang
pinag-isipang disisyon na ilalagay siyang una sa lahat ng bagay.
Magdisisyon mahalin Siya ng higit sa
lahat ng lawak ng ating buhay at gawin ang anumang naisin Niya para sa atin.
b. Nangagailangan din ito ng isang
disisyong sundin ang Panginoon (Juan 14:15)
c. Nangangailangan din ng isang naising
paunlarin ang isang ugnayang personal sa Panginoon.
Isang ugnayang taimtim at buhay
Ang pagmamahal sa Diyos ay ang
pagkakaroon ng personal na kaalaman tungkol sa Pnginoon na bunga ng ating
ugnayan sa kanya bilang mga anak Niya.
Kinakailangan dito ang pagtustos at
pag-gugol ng panahon para sa Kanya.
w Sa pamamagitan ng pagdarasal
w Sa pamamagitan ng Pagbabasa ng
Bibliya.
B.
Ang ibigin ang Panginoong Diyos nang Buong Pag-iisip.
1. Sa mga ebanghelyo, ang ibig sabihin
ng pagmamahal o Pag-ibig ay taus-pusong paninilbihan o "Committed
Serve". Ito ay isang bagay na ginagawa natin hindi isang pakiramdam o
naisin lamang.
a. Tinuruan ng Panginoon ang kanyang
mga Apostoles ng Hugasan ang paa ng isa't-isa.
b. Sinabi rin niyang "Walang
Pag-ibig na higit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para
sa kanyang mga kaibigan". (Juan 15:13)
Ang Ibigin ang Diyos nang buong
pag-iisip ay ang paninilbihan sa Kanya sa pamamagitan ng paggamit ng ating
isipan o ng paghahabilin ng ating isipan para sa kanyang mga layunin.
2. Napakaraming bagay ang maaring
maging bunga ng ating paggamit sa ating pag-iisip.
a. Ito'y maaring maging instrumento ng
paninira o ng panggigiba gaya ni Hitler.
b. Ito naman ay magagamit din sa
kabutihan, o sa ikabubuti, o sa ika-uunlad ng mundo at ng sangkatauhan.
3. Papaano natin mamamahalin at
masisilbihan ang Panginoong Diyos nang buong pag-iisip?
a. Kinakailangang maging malinis at
banal ang ating pag-iisip.
Alisin ang lahat ng masasamang
kaisipan (Mateo 5:28)
Pakiki-apid sa isipan
Alisin ang pag-iisip ng masama
tungkol sa kapwa (Mateo
7:1)
Mga paghihinala na nakasisira ng mga
relasyon (Baka ganoon o baka ganito).
b. Kinakailangang gamitin natin ang
ating isipan ayon sa mga katotohanang tungkol sa Panginoong Diyos hindi ayon sa
mga kamunduhan.
Ang ating mga gawain at galaw ay
kinakailangang nagpapatunay sa ating pagka-kristiyano at sa ating layunin para
sa panghabambuhay na walang hanggan hindi para sa buhay natin dito lamang sa
lupa.
Ang ating mga disisyon at mga
pinagpipilian ay kinakailangang sang-ayon sa mga salita ng Diyos na nasa Banal
na Kasulatan.
Alisin natin sa ating isipan ang
pagkabalisa sapagkat alam natin na ang Panginoon ay patuloy na namamatnubay sa
atin at alam niya ang ating mga kinakailangan.
c. Punuin natin ang ating isipan ng mga
bagay-bagay hinggil sa Panginoong Diyos.
Kung papaano nating magagawang
maging banak ang ating angkan hindi kung papaano sila payayamanin at mabibigyan
ng mga bagay ng kamunduhan.
Papaano natin mapasaya ang Diyos
hindi kung papaano tayo makakagawa ng mga bagay na ikalulugod ng tao sa atin.
d. Ipagtanggol at Pangalagaan ang ating
mga isipan sa mga masasamang impluwensiya upang magamit ito ng ating Panginoon
para sa kanyang mga layunin.
Pag-ingatan at piliing mabuti ang
mga programa sa radyo at telebisyon upang hindi malantad ang ating isipan sa
mga bagay na salungat sa pamumuhay kristiyano.
Punuin natin ang ating mga isipan ng
mga tungkol sa Diyos.
Magbasa lagi ng Bibliya at mga ibang
kasulatan tungkol sa kristiyanidad upang ang ating isipan ay mahubog sa
pagiging isang kristiyano.
e. Laging masiglang gamitin ang ating
isipan para sa mga layunin ng Diyos.
Sa ating gawain, hanapbuhay, sa
pamilya, sa ating mga kaibigan.
Manilbihan tayo sa mga samahang
kristiyano.
C. Ang ibigin ang Panginoong Diyos
ng Buong Lakas.
Ang ibigin ang
Panginoong Diyos ng buong lakas ay nagangahulugang binibigay natin sa kanya ang
lahat. Ang ating buhay, pagkatao, salapi, oras, ari-arian, kagalingan atbp.
Mga paraan ng
pagpapakita sa panginoon na siya ay iniibig ng buong lakas:
1. Sa ating oras.
a. Ano ba ang saloobin o tingin natin
sa oras? Papaano natin ginagamit ito?
Hindi tayo ang may-ari ng oras tayo
lamang ang tagapamahala nito.
Ninanais ng Panginoon na tayo ay
maging bukas sa ating oras. Magbigay tayo ng oras para sa paninilbihan sa
kanya. Sa kanyang simbahan, sa kanyang mga anak.
Suriin natin kung papaano natin
ginagamit ang oras. Pinalilipas ba natin ito sa mga walang kabuluhang bagay?
Magprisinta tayo na maninilbihan sa
ano mang paraan ng parokya.
2. Sa salapi (Not to be taken up with
depressed as if speaker thinks so).
a. Tayo ay mga tagapamahala lamang ng
ating salapi. Yaon ay hindi sa atin. Siya ang nagbigay niyon sa atin. Mayroon
tayong tungkuling pamahalaan ito ng mahusay at gamitin ito sa kabutihan hindi
sa kasamaan.
b. Sa papaanong paraan magagawa ito?
Tithing (Mal. 3:7-10)
Panglilimos (2 Cor. 8:1-4)
III. Si Hesukristo: Ang ating Modelo
kung papaano iibigin ang Panginoong Diyos..
A. Ang kanyang buong buhay ay inilaan
Niya upang maisagawa at matupad ang Kanyang Misyon dito sa lupa.
"Ang pagkain ko'y ang tuparin
ang kalooban ng nagsugo sakin, at ganapin ang ipinagagawa niya" (Juan
4:34).
B. Siya ay naging masunurin hanggang sa
kamatayan.
"Ama, wika niya, "Kung
maari'y ilayo mo sa akin ang sarong ito. Gayun ma'y huwag ang kalooban ko ang
masunod, kundi ang kalooban mo". (Lukas 22:42).
C. Lagi niyang inu-usisa ang kalooban
ng kanyang Ama.
"Madaling araw pa'y bumangon na
si Hesus at nagtungo sa isang ilang na pook at nanalangin". (Marcos 1:35).
IV.
Ang Hamon
Nayong nalalaman na
natin ang lahat ng ito, nakahanda na ba tayong gawing pinakamataas na tularan
ang Pag-ibig sa Panginoong Diyos. Nakahanda na ba tayong gawin ang lahat upang
si Hesukristo ay maging modelo o tularan ng ating buhay?
Pang-umpisa
ng Talakayan:
Ng mga nakaraang
panahon, papaano ko naipakitang iniibig ko ng tunay ang Panginoong Diyos.
ANG TUNAY NA KRISTIYANONG PAMUMUHAY
5.
Ang tularan ng isang Kristiyano - Ang Magmamahal sa Diyos
6. Ang pagmamahal sa Kapwa
7.
Ang Krisityanoong Angkan
8.
Ang buhay sa Espiritu Santo
Pang-anim
na Sesyon: ANG PAGMAMAHAL SA KAPWA
Layunin:
Upang maituwid ang mga maling akala ng mga kalahok sa programa tungkol sa
pag-ibig o pagmamahal, iharap sa kanila kung ano ang pag-ibig at tuluyan silang
mailagay ang pag-ibig kristiyano sa kanilang buhay.
Pinahabang Balangkas ng Paglalahad
I. Introduksiyon
A.
Ang pag-ibig sa kapwa, kasama ang pag-ibig sa Diyos ay ang ubod ng pamumuhay ng
kristiyano.
B.
Ang pag-ibig sa kapwa ay kinakailangan nating ituring o tanggapin bilang isang
kautusang galing sa Diyos.
C.
“_____Ang nagsasabing “iniibig ko ang Diyos” at napopoot naman sa Kanyang
kapatid ay sinungaling. Kung yaong kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya
maibig paano niya ma-iibig ang Diyos na hindi nakikita? (1 Juan 4:20)
D.
Ang umibig sa kapwa ay hindi madali. Kinakailangan natin ang kaalaman ng Diyos.
II. Subukan nating ihambing sa
palagay ng Diyos at sa palagay ng tao o ng kamunduhan.
A. Ano ang
masasabing hindi pag-ibig.
1. Ang pag-ibig ay hindi masarap na
pakiramdam lamang;
Kadalasan ang pakiramdam,
pagkahumaling, pag-giliw o pagkaakit ay napapagkamalang pag-ibig.
Ang pakiramdam ay papalit-palit at
hindi maaring gawing batayan ng pag-ibig.
2. Ang palagiang pagsang-ayon lalo na
sa mga hinihingi ay hindi pag-ibig.
Marami sa ating ang nag-aakala na
ang isang umiibig ay isang taong laging sumang-ayon sa lahat ng bagay o mapagbigay.
3. Ang pag-ibig ay hindi
mapagsanggalang.
Marami ring mga taong takot umibig
pagkat baka raw masaktan o matanggihan.
4. Ang pag-ibig ay hindi makasarili.
Ang pokus o gitna ng isang umiibig
ay n asa ibang tao hindi sa kanyang sarili lamang.
5. Ang pag-ibig ay hindi mapagpamahala.
Ang isang tao ay tinatawag na
mapagpamahala sa pag-ibig kapag ibinibigay niya ito bilang gantimpala at
iniuurong naman o iniaalis bilang kaparusahan.
B.
Ano ang tinutukoy ng Diyos sa salitang pag-ibig.
1. Ang pag-ibig ay idinugtong o
ikinakabit ng Panginoong Hesukristo sa kautusan ng Diyos. Sa (Juan 15:9-10)
mababasa nating ang sumunod ____ “Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayon di
naman, iniibig ko kayong manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung tinutupad ninyo
ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig, tulad ko, tinutupad ko
ang mga utos ng aking Ama at ako’y nananatili sa kanyang pag-ibig”. Sa
karanasan ng mundo, nakita na antin na ang isang pag-ibig na hindi kasama ang
Diyos ay humahantong sa pagkasala.
2. Tiniyak ng Panginoong Hesukristo
kung papaano tayo dapat umibig sa isa’t-isa.
“Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo
gayon ng pag-ibig ko sa inyo”. Hindi natin maaring ibahin, baguhin o plabnawin
ito.
3. Ang tinutukoy ni Hesus ay isang
mapagmalasakit ng pag-ibig “____ ang nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang
mga kaibigan” (Juan 15:13). Ipinaalala muli si San Juan ang ganitong uri ng
pag-ibig sa (1 Juan 3:16).
4. Ang kamatayan sa krus ay isa lang sa
kanyang mga halimbawa ng tunay na pag-ibig. Ipinakita rin niya na ang kristiyanong
pag-ibig ay isang pag-ibig na mapagsilbi gaya ng paghuhugas niya sa mga paa ng
apostoles (Juan 13:1-7).
5. Si san Pablo sa mga taga Galacia:
“Sapagkay ang buong kautusan ay
nauuwi sa iasng pangungusap, Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili”.
6. Maari ba nating piliin kung sino ang
ating ituturing na kapwa?
Tinatawag ito ng mga Judeo kay Hesus
at bilang kasagutan, ibinigay sa kanila ni Hesus ang talinghaga tungkol sa
Samaritano. (Basahin kung may panahon. Lukas 10:25-37)
Ano ang implikasyon o dalang kahulugan
nito? Na ang lahat ng nangangailangan ng ating tulong ay ating kapwa.
Kinakailangan silang silbihan o tulungan. Kailangan silang ibigin.
III.
Papaano tayo iibig sa ating pang araw-araw na buhay?
A. Sa unang sulat ni San Pablo sa
mga Corinto, binibigyan niya tao ng ideya o kaisipan kung papano ito magagawa.
(Basahin ang 1 Cor. 13:4-7.) Siyasatin natin ang ibig sabihin ng pasaheng ito.
7. Matiyaga (Patient) - Ito ang uri ng
isang taong mahinahon at hindi madaling galitin, na mapagbigay sa pagkukulang o
kakulangan ng iba.
8. Magandang Loob (Kind) - Pati na ang
ating pangungusap ay dapat magandang loob. Ito ay dapat nakakapagpasigla sa iba
at nagbibigay buhay.
9. Hindi Nananaghili (Not Envious0 -
Ang pagkainggit ay nagbubunga sa pagnanasa sa pag-aari ng iba.
10.Hindi nagmamapuri o nagmamataas (Not
boastful or proud) - Ito ay magagawa kung hindi mo ihahambing ang iyong
ginagawa sa gingawa ng iba tulad ng iyong asawa.
11.Hindi magaspang ang pag-uugali (Not
rude) - Kailangan matutuhan ang pagbibigay ng puri at galang sa ibang tao, sa
nakakatanda at sa mga nakatataas.
12.Hindi Makasarili (Not self-seeking) - Ang pag-ibig ay hindi
nakapokus o nakasentro sa mga sariling karapatan.
13.Hindi Magagalitin (Not easily
angared) - Ito’y anf ugali ng isang taong kayang dalhin ang sariling emotion at
pakiramdam.
14.Hindi Mapagtanim sa kapwa ( Does not
keep a record of wrongs) - Hindi ito mabilang at hindi rin mapagtanim ng mga
sama ng loob at pagkagalit.
15.Hindi ikinatutuwa ang gawang masama
(Does not delight in evil) - Ang pag-ibig ay humahanap at nagagalak sa
kabutihan ng iba kahit ng kanayang kaaway.
16.Ikinagagalak ang katotohanan
(Rejoices with the truth) - Ang pag-ibig ay ang pagsasabi ng katotohanan sa
isat-isa.
17.Mabagbata o Mapagtanggol (Protects)
- Itoy ang hindi pagsasalita sa paraang makakasira sa iba o makapagpapababa ng
tingin ng iba. Ipinagtanggol ang reputasiyon o ang magandang katangian ng iba.
18.Mapagtiwala (Trusts) - Ang pag-ibig
ay nagtitiwala sa kabutihan ng iba.
19.Puno ng Pag-asa (Hopes) - Maganda
ang tingin sa kinabukasan at ang pananaw sa buhay. Masaya at mapayapa sa kahit
anong situasiyon.
20.Nagtitiyaga (Persweres) - Ang taong
ganito ay nakakapagtiis, balansiyado, hindi agad umaalma kahit ano pa ang
makaharap o masugpu ang problema.
B. Ang pag-ibig ay nakahandang
manilbihan. Suriin natin ang ating mga pananagutan o responsibilidad sa buhay
at mangako tayong sundin at gampanan ang mga ito.
21.Bilang isang asawa - Bilang isang
Ama.
22.Bilang isang asawa-Bilang isang Ina
23.Sa ating mga anak
24.Sa ating pinapasukan o gawain
25.Sa ating parokya o pamayanan
(community)
IV. Katapusang
paglalahad
Kung
pagkatapos ng lahat, sa tingin ninyo ay mahirap o imposible ang umibg, tama
kayo. Ito ay talagang hindi magagawa ng sarilinan. Kinakailangan dito ang
tulong ng Panginoong Diyos. Tandaan lamang, Siyang nag-utos sa ating magmahal o
umibig ay nagbigay din sa atin ng lakas o puwersang umibig. (Basahin ang Rom.
5:5).