Friday, February 15, 2013

CFC MODULE 2 EXPANDED OUTLINE (tagalog)


ANG TULARAN NG ISANG KRISTIYANO - ANG MAGMAMAHAL SA DIYOS

ANG TUNAY NA KRISTIYANONG PAMUMUHAY


5. Ang tularan ng isang Kristiyano - Ang Magmamahal sa Diyos
6. Ang pagmamahal sa Kapwa
7. Ang Krisityanoong Angkan
8. Ang buhay sa Espiritu Santo

Panglimang Sesyon: ANG TULARAN NG ISANG KRISTIYANO

Layunin: Upang mailabas at maipakita kung anu-ano ang mga tularan ng mga kalahok sa programa at turuan silang gamitin ang mga ito upang kanilang maabot ang pinakamataas na tularan ang magmahal sa panginoong Diyos.

Pinahabang Balangkas ng Paglalahad

I. Introduksiyon

A.   Sa mga nakaraan na mga panalilita, tinalakay natin ang mga sumusunod:

1.   Ang panukala o plano ng Panginoong Diyos para sa sangkatauhan at bawat isa sa atin;
2.   Ang pagka-sentro ng Panginoong Hesukristo sa kasaysayan ng kaligtasan;
3.   Ang ating papel ng ginampanan sa kasaysayan ng kaligtasan; at
4.   Ang paanyaya ng Panginoon na tayo ay Magsisi at maniwala sa Mabuting Balita.

B.   Ngayon sa pangalawang yugto ng ating programa sa Pamumuhay kristiyano, talakayin natin ang mga sumusunod:

1.   Kung papaano tayo matagumpay na namumuhay bilang isang kristiyano sa makabagong kamunduhang ito; at
2.   Kung papaano natin gagamitin ang panukala o plano ng Panginoon upang tayo ay makaranas ng Kanyang lakas at kapayapaan.


A.   Marami sa atin ang nagpapahayg ng pagmamahal sa Panginoon sa iba't-ibang paraan. Katulad ng:
1.   Pagiging banal o relihiyoso
2.   Pagkakawang gawa
3.   Mga banal na gawaing gaya ng paglalakad ng paluhod sa Quiapo.
Ang lahat ng mga nasabi ay hindi masasamang isipan o gawain ngunit hindi rin ito sapat na paraan ng pagpapahayag ng pagmamahal sa Diyos.

B.   Ang pagmamahal sa Diyos bilang isang tularan
1.    Mga hangaring nagbibigay ng direksyon sa ating mga kilos at plano sa buhay.
2.   Ang mga hangarin ding ito ang nagiging tularan natin na nagimpluwensiya at nagbibigay ng direksiyon sa ating buhay.
3.   Maaaring ibuhos natin ang ating buhay sa paghahabol ng ating mga mabubuting hangarin ngunit kung ang tularan natin ay hindi ang magmamahal sa Diyos, ito ay hindi magiging sapat na tularan.

C.   Naisin ng Panginoon na maging tularan natin ang magmahal sa Kanya.
Yan ang dahilan kung bakit ito ay ginawa niya isang kautusan,
(Marcos 12:28-30)

II. Ano ang ibig sabihin ng mga ito?

A.   Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso.
Ano ang ibig sabihin ng "Ibigin ng buong puso?" Upang masagot ito, kinakailangan nating maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng Panginoong Hesukristo sa salitang "puso".
1.   Sa karamihan sa atin, ang puso ay may kinaalaman sa ating pakiramdam o imosyon.
2.   Sa bibliya, ang puso ay sentro ng ating katalinuhan at kapasiyahan.
Ang pinaka-sentro ng isang nilalang. Sama-sama dito ang kanyang katalinuhan, ang kanyang isipan, ang kanyang kalooban, at ang kanyang pakiramdam.
Kung pag-aralan natin ang dalawang pagkakaintindi sa salitang "puso" lalong tumpak na gamitin sa pagkakataong ito ang pagkakaintindi ng salitang puso sa bibliya pagkat ng ito ay ihayag ng Panginoon, hindi pagmamahal na ang batayan ay pakiramdam o imosyon ang kanyang ibig sabihin kundi pagmamahal na ang batayan ay isang pinag-isipang banal at tunay na pangako, isang kapasiyahang magmahal.
3.   Ang mahalin ang Diyos ng "buong puso" ay ang pagiging ganap na kanya at para sa kanya.
a.   Ito ay katulad ng ating panunumpa sa araw ng ating kasal.
b.   Ito ay isang banal na pangakong iuna siya sa lahat ng bagay. Isang disisyon o kapasiyahang ilagak siya sa una. Siya muna bago ang lahat. Maging tapat sa kanya. Ilagay ang Kanyang naisin sa ibabaw ng ating sariling mga naisin kahit ano pa man ang mangayari.

4.   Papaano natin mailalagay o malalagak ang Panginoon sa unahan ng ating buhay?
a.   Ito ay nangangailangan ng isang pinag-isipang disisyon na ilalagay siyang una sa lahat ng bagay.
Magdisisyon mahalin Siya ng higit sa lahat ng lawak ng ating buhay at gawin ang anumang naisin Niya para sa atin.
b.   Nangagailangan din ito ng isang disisyong sundin ang Panginoon (Juan 14:15)
c.   Nangangailangan din ng isang naising paunlarin ang isang ugnayang personal sa Panginoon.

Ÿ Isang ugnayang taimtim at buhay
Ÿ Ang pagmamahal sa Diyos ay ang pagkakaroon ng personal na kaalaman tungkol sa Pnginoon na bunga ng ating ugnayan sa kanya bilang mga anak Niya.
Ÿ Kinakailangan dito ang pagtustos at pag-gugol ng panahon para sa Kanya.
w Sa pamamagitan ng pagdarasal
w Sa pamamagitan ng Pagbabasa ng Bibliya.

B. Ang ibigin ang Panginoong Diyos nang Buong Pag-iisip.

1.   Sa mga ebanghelyo, ang ibig sabihin ng pagmamahal o Pag-ibig ay taus-pusong paninilbihan o "Committed Serve". Ito ay isang bagay na ginagawa natin hindi isang pakiramdam o naisin lamang.

a.   Tinuruan ng Panginoon ang kanyang mga Apostoles ng Hugasan ang paa ng isa't-isa.
b.   Sinabi rin niyang "Walang Pag-ibig na higit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan". (Juan 15:13)
Ang Ibigin ang Diyos nang buong pag-iisip ay ang paninilbihan sa Kanya sa pamamagitan ng paggamit ng ating isipan o ng paghahabilin ng ating isipan para sa kanyang mga layunin.

2.   Napakaraming bagay ang maaring maging bunga ng ating paggamit sa ating pag-iisip.
a.   Ito'y maaring maging instrumento ng paninira o ng panggigiba gaya ni Hitler.
b.   Ito naman ay magagamit din sa kabutihan, o sa ikabubuti, o sa ika-uunlad ng mundo at ng sangkatauhan.

3.   Papaano natin mamamahalin at masisilbihan ang Panginoong Diyos nang buong pag-iisip?
a.   Kinakailangang maging malinis at banal ang ating pag-iisip.
Ÿ Alisin ang lahat ng masasamang kaisipan (Mateo 5:28)                  Pakiki-apid sa isipan
Ÿ Alisin ang pag-iisip ng masama tungkol sa kapwa (Mateo                7:1)
Ÿ Mga paghihinala na nakasisira ng mga relasyon (Baka ganoon o baka ganito).
b.   Kinakailangang gamitin natin ang ating isipan ayon sa mga katotohanang tungkol sa Panginoong Diyos hindi ayon sa mga kamunduhan.
Ÿ Ang ating mga gawain at galaw ay kinakailangang nagpapatunay sa ating pagka-kristiyano at sa ating layunin para sa panghabambuhay na walang hanggan hindi para sa buhay natin dito lamang sa lupa.
Ÿ Ang ating mga disisyon at mga pinagpipilian ay kinakailangang sang-ayon sa mga salita ng Diyos na nasa Banal na Kasulatan.
Ÿ Alisin natin sa ating isipan ang pagkabalisa sapagkat alam natin na ang Panginoon ay patuloy na namamatnubay sa atin at alam niya ang ating mga kinakailangan.
c.   Punuin natin ang ating isipan ng mga bagay-bagay hinggil sa Panginoong Diyos.
Ÿ Kung papaano nating magagawang maging banak ang ating angkan hindi kung papaano sila payayamanin at mabibigyan ng mga bagay ng kamunduhan.
Ÿ Papaano natin mapasaya ang Diyos hindi kung papaano tayo makakagawa ng mga bagay na ikalulugod ng tao sa atin.
d.   Ipagtanggol at Pangalagaan ang ating mga isipan sa mga masasamang impluwensiya upang magamit ito ng ating Panginoon para sa kanyang mga layunin.
Ÿ Pag-ingatan at piliing mabuti ang mga programa sa radyo at telebisyon upang hindi malantad ang ating isipan sa mga bagay na salungat sa pamumuhay kristiyano.
Ÿ Punuin natin ang ating mga isipan ng mga tungkol sa Diyos.



Magbasa lagi ng Bibliya at mga ibang kasulatan tungkol sa kristiyanidad upang ang ating isipan ay mahubog sa pagiging isang kristiyano.
e.   Laging masiglang gamitin ang ating isipan para sa mga layunin ng Diyos.
Ÿ Sa ating gawain, hanapbuhay, sa pamilya, sa ating mga kaibigan.
Ÿ Manilbihan tayo sa mga samahang kristiyano.

C. Ang ibigin ang Panginoong Diyos ng Buong Lakas.
Ang ibigin ang Panginoong Diyos ng buong lakas ay nagangahulugang binibigay natin sa kanya ang lahat. Ang ating buhay, pagkatao, salapi, oras, ari-arian, kagalingan atbp.

Mga paraan ng pagpapakita sa panginoon na siya ay iniibig ng buong lakas:
1.   Sa ating oras.
a.   Ano ba ang saloobin o tingin natin sa oras? Papaano natin ginagamit ito?
Ÿ Hindi tayo ang may-ari ng oras tayo lamang ang tagapamahala  nito.
Ÿ Ninanais ng Panginoon na tayo ay maging bukas sa ating oras. Magbigay tayo ng oras para sa paninilbihan sa kanya. Sa kanyang simbahan, sa kanyang mga anak.
Ÿ Suriin natin kung papaano natin ginagamit ang oras. Pinalilipas ba natin ito sa mga walang kabuluhang bagay?
Ÿ Magprisinta tayo na maninilbihan sa ano mang paraan ng parokya.

2.   Sa salapi (Not to be taken up with depressed as if speaker thinks so).
a.   Tayo ay mga tagapamahala lamang ng ating salapi. Yaon ay hindi sa atin. Siya ang nagbigay niyon sa atin. Mayroon tayong tungkuling pamahalaan ito ng mahusay at gamitin ito sa kabutihan hindi sa kasamaan.
b.   Sa papaanong paraan magagawa ito?
Ÿ Tithing (Mal. 3:7-10)
Ÿ Panglilimos (2 Cor. 8:1-4)

III. Si Hesukristo: Ang ating Modelo kung papaano iibigin ang Panginoong Diyos..

A.   Ang kanyang buong buhay ay inilaan Niya upang maisagawa at matupad ang Kanyang Misyon dito sa lupa.
"Ang pagkain ko'y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sakin, at ganapin ang ipinagagawa niya" (Juan 4:34).
B.   Siya ay naging masunurin hanggang sa kamatayan.
"Ama, wika niya, "Kung maari'y ilayo mo sa akin ang sarong ito. Gayun ma'y huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo". (Lukas 22:42).

C.   Lagi niyang inu-usisa ang kalooban ng kanyang Ama.
"Madaling araw pa'y bumangon na si Hesus at nagtungo sa isang ilang na pook at nanalangin". (Marcos 1:35).

IV. Ang Hamon

Nayong nalalaman na natin ang lahat ng ito, nakahanda na ba tayong gawing pinakamataas na tularan ang Pag-ibig sa Panginoong Diyos. Nakahanda na ba tayong gawin ang lahat upang si Hesukristo ay maging modelo o tularan ng ating buhay?

Pang-umpisa ng Talakayan:

Ng mga nakaraang panahon, papaano ko naipakitang iniibig ko ng tunay ang Panginoong Diyos.



ANG TUNAY NA KRISTIYANONG PAMUMUHAY

5. Ang tularan ng isang Kristiyano - Ang Magmamahal sa Diyos
6. Ang pagmamahal sa Kapwa
7. Ang Krisityanoong Angkan
8. Ang buhay sa Espiritu Santo

Pang-anim na Sesyon: ANG PAGMAMAHAL SA KAPWA

Layunin: Upang maituwid ang mga maling akala ng mga kalahok sa programa tungkol sa pag-ibig o pagmamahal, iharap sa kanila kung ano ang pag-ibig at tuluyan silang mailagay ang pag-ibig kristiyano sa kanilang buhay.

Pinahabang Balangkas ng Paglalahad

I. Introduksiyon

A. Ang pag-ibig sa kapwa, kasama ang pag-ibig sa Diyos ay ang ubod ng pamumuhay ng kristiyano.
B. Ang pag-ibig sa kapwa ay kinakailangan nating ituring o tanggapin bilang isang kautusang galing sa Diyos.
C. “_____Ang nagsasabing “iniibig ko ang Diyos” at napopoot naman sa Kanyang kapatid ay sinungaling. Kung yaong kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya maibig paano niya ma-iibig ang Diyos na hindi nakikita? (1 Juan 4:20)
D. Ang umibig sa kapwa ay hindi madali. Kinakailangan natin ang kaalaman ng Diyos.

II. Subukan nating ihambing sa palagay ng Diyos at sa palagay ng tao o ng kamunduhan.

A. Ano ang masasabing hindi pag-ibig.
1.   Ang pag-ibig ay hindi masarap na pakiramdam lamang;
Ÿ Kadalasan ang pakiramdam, pagkahumaling, pag-giliw o pagkaakit ay napapagkamalang pag-ibig.
Ÿ Ang pakiramdam ay papalit-palit at hindi maaring gawing batayan ng pag-ibig.
2.   Ang palagiang pagsang-ayon lalo na sa mga hinihingi ay hindi pag-ibig.
Ÿ Marami sa ating ang nag-aakala na ang isang umiibig ay isang taong laging sumang-ayon sa lahat ng bagay o mapagbigay.
3.   Ang pag-ibig ay hindi mapagsanggalang.
Ÿ Marami ring mga taong takot umibig pagkat baka raw masaktan o matanggihan.
4.   Ang pag-ibig ay hindi makasarili.
Ÿ Ang pokus o gitna ng isang umiibig ay n asa ibang tao hindi sa kanyang sarili lamang.
5.   Ang pag-ibig ay hindi mapagpamahala.
Ÿ Ang isang tao ay tinatawag na mapagpamahala sa pag-ibig kapag ibinibigay niya ito bilang gantimpala at iniuurong naman o iniaalis bilang kaparusahan.

B. Ano ang tinutukoy ng Diyos sa salitang pag-ibig.
1.   Ang pag-ibig ay idinugtong o ikinakabit ng Panginoong Hesukristo sa kautusan ng Diyos. Sa (Juan 15:9-10) mababasa nating ang sumunod ____ “Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayon di naman, iniibig ko kayong manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig, tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako’y nananatili sa kanyang pag-ibig”. Sa karanasan ng mundo, nakita na antin na ang isang pag-ibig na hindi kasama ang Diyos ay humahantong sa pagkasala.
2.   Tiniyak ng Panginoong Hesukristo kung papaano tayo dapat umibig sa isa’t-isa.
“Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gayon ng pag-ibig ko sa inyo”. Hindi natin maaring ibahin, baguhin o plabnawin ito.
3.   Ang tinutukoy ni Hesus ay isang mapagmalasakit ng pag-ibig “____ ang nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan” (Juan 15:13). Ipinaalala muli si San Juan ang ganitong uri ng pag-ibig sa (1 Juan 3:16).
4.   Ang kamatayan sa krus ay isa lang sa kanyang mga halimbawa ng tunay na pag-ibig. Ipinakita rin niya na ang kristiyanong pag-ibig ay isang pag-ibig na mapagsilbi gaya ng paghuhugas niya sa mga paa ng apostoles (Juan 13:1-7).
5.   Si san Pablo sa mga taga Galacia:
“Sapagkay ang buong kautusan ay nauuwi sa iasng pangungusap, Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili”.
6.   Maari ba nating piliin kung sino ang ating ituturing na kapwa?
Tinatawag ito ng mga Judeo kay Hesus at bilang kasagutan, ibinigay sa kanila ni Hesus ang talinghaga tungkol sa Samaritano. (Basahin kung may panahon. Lukas 10:25-37)
Ano ang implikasyon o dalang kahulugan nito? Na ang lahat ng nangangailangan ng ating tulong ay ating kapwa. Kinakailangan silang silbihan o tulungan. Kailangan silang ibigin.

III. Papaano tayo iibig sa ating pang araw-araw na buhay?

A. Sa unang sulat ni San Pablo sa mga Corinto, binibigyan niya tao ng ideya o kaisipan kung papano ito magagawa. (Basahin ang 1 Cor. 13:4-7.) Siyasatin natin ang ibig sabihin ng pasaheng ito.
7.   Matiyaga (Patient) - Ito ang uri ng isang taong mahinahon at hindi madaling galitin, na mapagbigay sa pagkukulang o kakulangan ng iba.
8.   Magandang Loob (Kind) - Pati na ang ating pangungusap ay dapat magandang loob. Ito ay dapat nakakapagpasigla sa iba at nagbibigay buhay.
9.   Hindi Nananaghili (Not Envious0 - Ang pagkainggit ay nagbubunga sa pagnanasa sa pag-aari ng iba.
10.Hindi nagmamapuri o nagmamataas (Not boastful or proud) - Ito ay magagawa kung hindi mo ihahambing ang iyong ginagawa sa gingawa ng iba tulad ng iyong asawa.
11.Hindi magaspang ang pag-uugali (Not rude) - Kailangan matutuhan ang pagbibigay ng puri at galang sa ibang tao, sa nakakatanda at sa mga nakatataas.
12.Hindi Makasarili  (Not self-seeking) - Ang pag-ibig ay hindi nakapokus o nakasentro sa mga sariling karapatan.
13.Hindi Magagalitin (Not easily angared) - Ito’y anf ugali ng isang taong kayang dalhin ang sariling emotion at pakiramdam.
14.Hindi Mapagtanim sa kapwa ( Does not keep a record of wrongs) - Hindi ito mabilang at hindi rin mapagtanim ng mga sama ng loob at pagkagalit.
15.Hindi ikinatutuwa ang gawang masama (Does not delight in evil) - Ang pag-ibig ay humahanap at nagagalak sa kabutihan ng iba kahit ng kanayang kaaway.
16.Ikinagagalak ang katotohanan (Rejoices with the truth) - Ang pag-ibig ay ang pagsasabi ng katotohanan sa isat-isa.
17.Mabagbata o Mapagtanggol (Protects) - Itoy ang hindi pagsasalita sa paraang makakasira sa iba o makapagpapababa ng tingin ng iba. Ipinagtanggol ang reputasiyon o ang magandang katangian ng iba.
18.Mapagtiwala (Trusts) - Ang pag-ibig ay nagtitiwala sa kabutihan ng iba.
19.Puno ng Pag-asa (Hopes) - Maganda ang tingin sa kinabukasan at ang pananaw sa buhay. Masaya at mapayapa sa kahit anong situasiyon.
20.Nagtitiyaga (Persweres) - Ang taong ganito ay nakakapagtiis, balansiyado, hindi agad umaalma kahit ano pa ang makaharap o masugpu ang problema.



B. Ang pag-ibig ay nakahandang manilbihan. Suriin natin ang ating mga pananagutan o responsibilidad sa buhay at mangako tayong sundin at gampanan ang mga ito.
21.Bilang isang asawa - Bilang isang Ama.
22.Bilang isang asawa-Bilang isang Ina
23.Sa ating mga anak
24.Sa ating pinapasukan o gawain
25.Sa ating parokya o pamayanan (community)

IV. Katapusang paglalahad

Kung pagkatapos ng lahat, sa tingin ninyo ay mahirap o imposible ang umibg, tama kayo. Ito ay talagang hindi magagawa ng sarilinan. Kinakailangan dito ang tulong ng Panginoong Diyos. Tandaan lamang, Siyang nag-utos sa ating magmahal o umibig ay nagbigay din sa atin ng lakas o puwersang umibig. (Basahin ang Rom. 5:5).







ANG TUNAY NA KRISTIYANONG PAMUMUHAY


5. Ang tularan ng isang Kristiyano - Ang Pag-ibig sa Diyos
6. Ang pag-ibig sa Kapwa
7. Ang kristiyanong Angkan
8. Ang Buhay sa Espiritu Santo

Pang pitong Sesyon: ANG KRISTIYANONG ANGKAN

Layunin: Upang bigyan diin ang kahalagahan ng pamilya at magbigay ng mga ilang payo tungkol sa pagpapatibay nito.

Pinahabang Balangkas Ng Paglalahad

I. Ang Panukala ng Panginoong Diyos para sa Angkan

A. Ang pagiging ubod o ugat ng lipunan bilang pamilya (Gen. 1:27-28; Gen. 2:18-24)
1.   Ang pagiging ugat ng lipunan ng pamilya ay hindi isang aksidente lamang ng kasaysayan na mundo. Ito ay ganoon na nga noon pang nilikha ng Diyos ang mundo.
2.   Ginawa ng Panginoon, babae at lalaki ang tao at hinubog ang kanyang sikolohiya upang sila ay magpakarami sa pamamagitan ng pagpuno ng daigdid ng kanilang mga supling at pamahalaan ito.
3.   Ang panukala ng Diyos para sa lalaki at babae ay ang pagiging isa, hindi magkahiwalay na nagsasarili at gumagawa lang ng bata. Kundi isang nag-asawang nagpapalaki, nagpapalago ng isang angkan na magiging ugat ng lipunan.

B. Ang pamilya ay ang lugar kung saan magkaroon ang mga kabataan/anak ng pagkakataong maturuan ng mabuting aral at asal.
1.   Ang pamilya ay ang tagapagturo ng katalasan (wisdom) at kahalagahan (values sa buhay).
2.   Katalasan-ay hindi lamang ang pagiging marunong o ang kaalaman ng maraming bagay. Ito ay isang uri ng pamumuhay na batay sa mga kautusan at pamamaraan ng Diyos.
Pagtuturo- ay hindi ang pormal na ginagawa gaya ng eskwelahan ngunit ito'y ginagawa sa pamamagitan ng pang-araw-araw na gawaing nagbibigay ng mabubuting halimbawa. Ang Diyos ay kilala ng buong angkan (Deut. 6:6-7, 20-21).

Suriin natin ang ating mga sariling kahalagahan at tingnan natin kung saan natin inilagay o nakalagay si Kristo sa ating buhay. Kailangan natin itong gawin sapagkat ito rin ang mga kahalagahang matutunan ng ating mga anak.

C. Ang pamilya rin ang lugar kung saan maaring turuan at pagsanayin ang mga mamumuno o namumuno/mga lider. (1 Tim. 3:4-5)

Ang isang lalaking napatunayang magaling na pinuno ng  kanyang sambayanan ay maaring maging isang pinuno ng sambayanan. Ang isang magulang, lalong-lalo na ang isang Ama ay dapat maging pari ng kanyang angkan sa pamamagitan ng:

1.   Pagpapakilala ng Diyos sa kanyang pamilya.
a. Sa halimbawa - pamumuhay kristiyano
b. Skriptura - Ang pagtuturo nito
c. Sa paggamit ng simbolo (Deut. 6:8-9)

2.   Pagpakilala o paghaharap ng kanyang pamilya sa Panginoong Diyos.
a. Sa pamamagitan ng pagdarasal bilang isang pamilya/munting simbahan
b. Sa pamamagitan ng pagbendisyon ng mga anak


II. Sa mga araw/panahon na ito, nangyari ba ang mga panukala ng Diyos para sa pamilya? Kung hindi Bakit?

A. Nawala na amg pagka-sentro ng Panginoong Hesukristo sa pamilya.
     Papaano ito nakikita?
1.   Hindi na ngayon pinalalaki ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng disiplina at pagtuturo ng Panginoon (Eph. 6:4)
2.   Parami ng parami ang mga magulang na ngayon ay gumagamit na lamang ng mga paraang makamundo, tulad ng sikilohiya sa pagpapalaki ng kani-kanilang mga anak.

Halimbawa: Isa sa mga makamundong pagtuturo na maling-mali ay ang pagsasaad na sapagkat ang mga batang may dalawang taong gulang ay negatibo, kinakailangang turuan sila ng mga kabaligtaran upang gawin nila ang tama. Ito ay isang maling pagtuturo.
3.   Hindi sinusunod ng mga mag-asawa ang mga utos sa kani-kanila ng Diyos.

- tulad ng mga papel na kinakailangang gampanan
- mga pangakong hindi tapat; hindi maasahan ang isa't-isa; ang bawat isa ay hindi nakakatiyak
B. Ang malinis na Pamumuhay Ngayon.
1.   Madalas ang isang pamilya ay hindi na pinanggagalingan ng katiwasayan. Maraming pamilya ay hindi matiwasay o panatag.
2.   Madalas ang tao ay masyadong abala sa napakaraming bagay kayat nawawalan ng panahon makipag-ugnayan o makisama.
3.   Napakalaki ang oras na ngayon ay kinakailangang igugol sa paghanap-buhay ng isang Ama at kahit na rin ng dumating mga Ina.

- Ang isang nakakalungkot na katotohanan sa panahong ito ay pangangailangang mamasukan ng isang Ina ng tahanan.
- Kapag hindi nabibigyan ng wastong pangangalaga ang mga anak, sila ay hindi rin nagiging mabuting mga magulang na magkaroon ng mga anak na hindi rin wasto ang pagkatao. Sa ganitong paraan, parami ng parami ang mga taong hindi makapagpapalaki ng mga anak sa wastong pamamaraan.

K. Ang pamilya ay kasalukuyang sinasalakay ng mga puwersa ng kasama, Ano ang mga ito?
1. Ang mga nagpapalaganap ng Humanismo Sekular
a.   Pag-ibig sa sarili
b.   Lantarang Balakiran
c.   Pagpapaagas
d.   Pagsisiping ng hindi kasal
e.   Diborsiyo
2. Ang komonismo

III. Ano ang magagawa natin?

A. Kinakailangan nating magpasiya na sa ating mga pamilya gagawin natin ang lahat upang maging katotohanan ang panukala ng Panginoong Diyos. Ang ating disisyon ay mahalagang-mahalaga.

B. Kinakailangan nating magbuhos o mag-ukol ng panahaon upang palakasin ang ating pamilya.
1.   Suriin natin ang ating paggamit ng panahon o oras. Sikapin nating magkaroon tayo ng sapat na oras upang magkasama-sama ang ating mga sambahayan at buong pamilya.
Ang Ama ay nararapat magugol ng oras lalong-lalo na sa mga anak na lalaki. At ang Ina naman sa mga anak na babae.
2.   Magpasiya maging handang putulin ang panahon sa barkadahan upang ito ay maiukol sa pamilya.
3.   Gumawa ng mga pagkakataong magkasama-sama. Ang mga anak ay kinakailangan matutong makisama sa isa't-isa, sa mga kamag-anak at kapit-bahay.
C. Magdasal bilang isang pamilya. Gawing pang-araw-araw na gawain ang dasal.
1.   Ipagdasal ang mga maysakit
2.   Ipagdasal ang lahat ng mga pangangailangan ng pamilya at gayon din ang pangangailangan ng iba.
Ito ay isang mabuting pamamaraan ng pagtuturo sa ating mga anak na maging makatao at maging mapag-kapwa tao.

D. Kinakailangang gampanan ng mga ama ang kanilang tungkulin sa espiritual at materyal na mga pangangailangn ng buong pamilya.
Kinakailangang tumulong ang mga asawang babae sa bagay na ito.

E. Sikaping malaman o patutunan kung anu-ano pa ang mga kagustuhan ng Diyos para sa ating mga angkan.
1.   Laging mag-ukol ng panahon para sa mga iba't-ibang mga pagtuturo tungkol sa pamilya.
2.   Magbasa ng mga tungkol sa pamilya
3.   Hingin ito sa Panginoon tuwing magdarasal

F. Makisama at sumapi sa mga samahan ng mga kristiyanong pamilya. Tulad nito.

























ANG TUNAY NA KRISTIYANONG PAMUMUHAY

5. Ang Tularan ng Isang Kristiyano - Ang Pag-ibig sa Diyos
6. Ang Pag-ibig sa Kapwa
7. Ang Kristiyanong Angkan
8. Ang buhay sa Espiritu Santo

Pang Walong Sesyon: ANG BUHAY SA ESPIRITU SANTO

Layunin: Upang ang kalahok ay magkaroon ng pananampalatayang umaasa at nananabik na magkaroon ng bagong buhay na kapiling ang Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Pinahabang Balangkas Ng Paglalahad

I. Introduksyon

Ang krisitiyanidad ngayon o ang buhay kristiyano sa ngayon ay walang sigla, malaya, walang buhay, walang kalakas-lakas kung kaya't hindi nakaka pang-akit. Noong unang panahon, ang kilusang kristiyano ay buhay na buhay, puno ng sigla, malakas at nakakapang-akit. Ang lakas na noon ay nagpapasigla sa mga kristiyano ay siya ring lakas na nagpapasigla at nagbibigay ng panibong buhay sa napakaraming tao ngayon dito sa atin bayang at sa buong mundo. Ito ay ang lakas, ang sigla ng Espiritu Santo.

Ang pamumuhay kristiyanong ating tinatalakay ng kung ilan linggo na ay hindi nakakamtan sa pamamagitan ng nagnanasa o pagnanais lamang kundi sa pamamagitan ng isang bagong puso, bagong buhay na galing sa Panginoong Diyos. Ang Diyos ay nararanasan natin at nararamdaman sa pamamagitan lamang ng Espiritu Santo. Ipinararamdam niya sa atin ang isang buhay, masigla at personal na ugnayan sa Diyos. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang tao ay nagtatamasa ng:

1.   Pagkakaisa sa Diyos
2.   Isang bagong kalikasan (nature). Lakas na espiritual
3.   Lakas para sa paninilbihan. Sa kapwa at sa Diyos

Kagustuhan ng Diyos na ang lahat ng tao ay magkamit ng panibagong buhay. Ang buhay na ito sa Espiritu Santo ay nakalaan sa lahat. Sa lahat ng taong tumatanggap kay Hesus bilang Panginoon at tagapagsalitas.


II. Ang Pagtanggap sa Espiritu Santo

A. Ang naranasan ng mga disipulo ni Hesukristo
1.   Ipinangako ni Hesukristo ang Espiritu Santo (Gawa 1:8; Lucas 24:49).
2.   Ginawa ng mga disipulo ang iniutos at ipinagawa sa kanila. Sila ay tumitigil sa Jerusalem at naghintay na ibigay sa kanila ang Espiritu Santo. (Gawa 1:12-14).
3.   Ang araw ng Pentakostes (Isang araw ng kasiyahan ng mga Judeo) Gawa 2:1-8; 37-47)
a.   Ang pagdating ng Espiritu Santo ay naging isang malaking pangyayari sa Jerusalem. Isang kagila-gilalas na pangyayari; hangin; apoy; pagsasalita sa iba't-ibang wika.
b.   Ipinaliwanag ni Pedro na silay hindi mga lasing. Na ang mga pahayag sa lumang tipan ay nagaganap na.
c.   Si Pedro at ang ibang pang mga disipulo na pawang mga duwag na dati ay nagsabing hindi nila kilala si Hesukristo ay biglang naging matatapang at mga walang takot na nakapag-akit ng higit sa 3,000 tao sa pagsisisi at pananampalataya.
d.   Ang Espiritu ay lumikha ng isang napalakas na uri ng pag-ibig at pakikiisa sa mga naging kristiyano.

4.  Sa pagtanggap nila ng Espiritu Santo sila ay nagkaroon ng malaking pagbabago. Nakilala nila ng personal ang Panginoon o nagkaroon sila ng personal na ugnayan sa kanya at naramdaman niya ang kanyang pagiging nandyan sa kanilang piling. (Gawa 19:1-7; 8:14-17; 10:44-46)

B. Sa panahong ito ano ang nagiging kahulugan ng pagtanggap sa Espiritu Santo o sa pagbabautismo sa Espiritu Santo?

1. Mararanasan nating ng gayon din ang lakas at ang mga biyayang tinanggap nila sa Espiritu Santo noong unang panahon ng kristiyanidad. Ganoon ding ugnayang kay kristo; ganoon ding lakas ng pagbabago; ganoon ding mga biyayang espiritual; pagsasalita sa ibat-ibang wika; ganoon ding pagsamba; ganoon ding lakas-loob ng pagpapahayag ng mabuting balita.
a.   Ibahagi ang ibat-ibang uri ng biyaya at kung papaano ito nararanasan ng tagapagsalita, kasama na rin ang pagsasalita sa ibat-ibang wika.

2. Kinakailangan nating paniwalaan at tanggapin ang mga pangako ng Panginoon. Hingin natin sa kanyang ibigay sa ating ang kanyang Espiritu Santo at bayaan itong baguhin tayo. Kapag ginawa natin ito, pupunuin Niya tayo ng Kanyang Espiritu at ibibigay din sa atin ang biyaya ng pagsasalita sa ibat-ibang wika.
a.   Nakatitiyak tayo na ito ay tatanggapin natin sapagkat ito ay ipinangako Niya. (lukas 11:9-13) Kinakailangan lamang nating magkaroon ng pananampalataya.
b.   Ang pananampalataya ay ang umasa sa sinabi ng Panginoong Diyos.

3. Ang kahulugan ng pagkabautismo sa Espiritu Santo.
a.   Para doon sa mga nabinyagan na bilang isang kristiyano, ang sesyon ng pagdarasal o pagbabautismo sa Espiritu ay hindi ang kauna-unahan nilang pagtanggap ng mga biyaya ng Panginoon. Sila ay ipinagdarasal na lumaganap ang mga biyayang matagal ng ikinulong ng dahil sa mga kasalanang nagawa.
b.   Kinakailangan muling ibahagi dito ng tagapagsalita ang kanyang mga nararanasan o naranasang dahil sa pagkadasal o pagkabautismo niya sa Espiritu Santo. Lalong-lalo na sa pang-araw-araw na buhay niya. Mga sinagot na panalangin; kaligayahan sa pagbabasa ng Bibiliya; ang patnubay ng Panginoon; mga relasyon na naibalik sa dati atbp.

C. Mga hadlang sa pagtanggap ng mga biyaya ng Diyos.
Ÿ   Pakiramdam na hindi ng mga biyaya ng Diyos
Ÿ   Baka ka magmukhang gago o uto-uto
Ÿ   Baka kung ano ang sabihin ng iba.
Ÿ   Baka hindi mapigilan ang sarili-magwala
Ÿ   Pag-alinlangan
Ÿ   Kayabangan
Ÿ   Pag-iisip na hindi kailangan ang mga biyaya ng Diyos
Ÿ   Pamimili ng mga gustong biyaya lamang
Ÿ   Walang pagsisisi
Ÿ   Hindi paniniwalaang may kasalanan o nagkasala.

(Ipaliwanag ang talinghaga tungkol sa lalaking hindi gumamit ng tamang pananamit sa kapistahan)

III. Anu-ano ang ating mga gagawin sa isang linggo o kung kailan man idadaos ang pagbabautismo sa Espiritu Santo?

A.   Unang-una, tayo ay magsisipagdasal. Samba sa Diyos at ipagdarasal natin ang isat-isa.
B.   Ipabasa na sa mga kalahok ang kanilang magiging panata o pangako sa Panginoong Hesukristo. Dahan-dahan itong basahin.
C.   Makipagkita sa mga namumuni sa seminar na ito kung mayroon kayang mga tanong.
D.  Sabihin na sa kanila ang oras, lugar at iba pang mga mahalagang bagay.
E.   Mahalaga: Sapagkat ang mga kalahok ay gagawa ng isang bagay na kasiya-siya sa Panginoon. Bigyan sila ng babala na magagalit yong isang taga-ibaba kaya gagawa ito ng lahat ng kalokohang maiisip niya. Mag-ingat, magdasal, mangumpisal, makinabang. Tawagin ang Panginoong Hesukristo na siya ay mamagitan. Humungi ng tulong sa mahal na Birheng Maria.


Source: https://sites.google.com/site/cfclagunacentral1/system/app/pages/recentChanges

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...