5. Ang tularan ng isang Kristiyano -
Ang Pagmamahal sa Diyos
6. Ang pagmamahal sa Kapwa
7. Ang Kristyanong Angkan
8. Ang buhay sa Espiritu Santo
Layunin: Upang mailabas at maipakita
kung anu-ano ang mga tularan ng mga kalahok sa programa at turuan silang gamitin
ang mga ito upang kanilang maabot ang pinakamataas na tularan ang magmahal sa
panginoong Diyos.
Pinahabang Balangkas ng Paglalahad
I. Introduksiyon
A. Sa mga nakaraan na mga panalilita, tinalakay natin ang mga
sumusunod:
1. Ang panukala o plano ng Panginoong Diyos para sa sangkatauhan at
bawat isa sa atin;
2. Ang pagka-sentro ng Panginoong Hesukristo sa kasaysayan ng
kaligtasan;
3. Ang ating papel ng ginampanan sa kasaysayan ng kaligtasan; at
4. Ang paanyaya ng Panginoon na tayo ay Magsisi at maniwala sa
Mabuting Balita.
B. Ngayon sa pangalawang yugto ng ating programa sa Pamumuhay
kristiyano, talakayin natin ang mga sumusunod:
1. Kung papaano tayo matagumpay na namumuhay bilang isang
kristiyano sa makabagong kamunduhang ito; at
2. Kung papaano natin gagamitin ang panukala o plano ng Panginoon
upang tayo ay makaranas ng Kanyang lakas at kapayapaan.
A. Marami sa atin ang nagpapahayg ng pagmamahal sa Panginoon
sa iba't-ibang paraan. Katulad ng:
1. Pagiging banal o relihiyoso
2. Pagkakawang gawa
3. Mga banal na gawaing gaya ng paglalakad ng paluhod sa Quiapo.
Ang lahat ng mga nasabi ay hindi
masasamang isipan o gawain ngunit hindi rin ito sapat na paraan ng pagpapahayag
ng pagmamahal sa Diyos.
B. Ang pagmamahal sa Diyos bilang isang tularan
1. Mga hangaring nagbibigay ng direksyon sa ating mga kilos
at plano sa buhay.
2. Ang mga hangarin ding ito ang nagiging tularan natin na
nagimpluwensiya at nagbibigay ng direksiyon sa ating buhay.
3. Maaaring ibuhos natin ang ating buhay sa paghahabol ng ating mga
mabubuting hangarin ngunit kung ang tularan natin ay hindi ang magmamahal sa
Diyos, ito ay hindi magiging sapat na tularan.
C. Naisin ng Panginoon na maging tularan natin ang magmahal sa
Kanya.
Yan ang dahilan kung bakit ito ay
ginawa niya isang kautusan,
(Marcos 12:28-30)
II. Ano ang ibig sabihin ng mga ito?
A. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso.
Ano ang ibig sabihin ng "Ibigin
ng buong puso?" Upang masagot ito, kinakailangan nating maintindihan kung
ano ang ibig sabihin ng Panginoong Hesukristo sa salitang "puso".
1. Sa karamihan sa atin, ang puso ay may kinaalaman sa ating
pakiramdam o imosyon.
2. Sa bibliya, ang puso ay sentro ng ating katalinuhan at
kapasiyahan.
Ang pinaka-sentro ng isang nilalang.
Sama-sama dito ang kanyang katalinuhan, ang kanyang isipan, ang kanyang
kalooban, at ang kanyang pakiramdam.
Kung pag-aralan natin ang dalawang
pagkakaintindi sa salitang "puso" lalong tumpak na gamitin sa pagkakataong
ito ang pagkakaintindi ng salitang puso sa bibliya pagkat ng ito ay
ihayag ng Panginoon, hindi pagmamahal na ang batayan ay pakiramdam o imosyon
ang kanyang ibig sabihin kundi pagmamahal na ang batayan ay isang pinag-isipang
banal at tunay na pangako, isang kapasiyahang magmahal.
3. Ang mahalin ang Diyos ng "buong puso" ay ang pagiging
ganap na kanya at para sa kanya.
a. Ito ay katulad ng ating panunumpa sa araw ng ating kasal.
b. Ito ay isang banal na pangakong iuna siya sa lahat ng bagay.
Isang disisyon o kapasiyahang ilagak siya sa una. Siya muna bago ang lahat.
Maging tapat sa kanya. Ilagay ang Kanyang naisin sa ibabaw ng ating sariling
mga naisin kahit ano pa man ang mangayari.
4. Papaano natin mailalagay o malalagak ang Panginoon sa unahan ng
ating buhay?
a. Ito ay nangangailangan ng isang pinag-isipang disisyon na
ilalagay siyang una sa lahat ng bagay.
Magdisisyon mahalin Siya ng higit sa
lahat ng lawak ng ating buhay at gawin ang anumang naisin Niya para sa atin.
b. Nangagailangan din ito ng isang disisyong sundin ang Panginoon
(Juan 14:15)
c. Nangangailangan din ng isang naising paunlarin ang isang
ugnayang personal sa Panginoon.
Isang ugnayang
taimtim at buhay
Ang pagmamahal sa
Diyos ay ang pagkakaroon ng personal na kaalaman tungkol sa Pnginoon na bunga
ng ating ugnayan sa kanya bilang mga anak Niya.
Kinakailangan dito
ang pagtustos at pag-gugol ng panahon para sa Kanya.
w Sa pamamagitan ng
pagdarasal
w Sa pamamagitan ng
Pagbabasa ng Bibliya.
B. Ang ibigin ang Panginoong Diyos
nang Buong Pag-iisip.
1. Sa mga ebanghelyo, ang ibig sabihin ng pagmamahal o Pag-ibig ay
taus-pusong paninilbihan o "Committed Serve". Ito ay isang bagay na
ginagawa natin hindi isang pakiramdam o naisin lamang.
a. Tinuruan ng Panginoon ang kanyang mga Apostoles ng Hugasan ang
paa ng isa't-isa.
b. Sinabi rin niyang "Walang Pag-ibig na higit pa sa pag-ibig
ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan".
(Juan 15:13)
Ang Ibigin ang Diyos nang buong
pag-iisip ay ang paninilbihan sa Kanya sa pamamagitan ng paggamit ng ating
isipan o ng paghahabilin ng ating isipan para sa kanyang mga layunin.
2. Napakaraming bagay ang maaring maging bunga ng ating paggamit sa
ating pag-iisip.
a. Ito'y maaring maging instrumento ng paninira o ng panggigiba
gaya ni Hitler.
b. Ito naman ay magagamit din sa kabutihan, o sa ikabubuti, o sa
ika-uunlad ng mundo at ng sangkatauhan.
3. Papaano natin mamamahalin at masisilbihan ang Panginoong Diyos
nang buong pag-iisip?
a. Kinakailangang maging malinis at banal ang ating pag-iisip.
Alisin ang lahat ng
masasamang kaisipan (Mateo
5:28)
Pakiki-apid sa isipan
Alisin ang
pag-iisip ng masama tungkol sa kapwa
(Mateo
7:1)
Mga paghihinala na
nakasisira ng mga relasyon (Baka ganoon o baka ganito).
b. Kinakailangang gamitin natin ang ating isipan ayon sa mga
katotohanang tungkol sa Panginoong Diyos hindi ayon sa mga kamunduhan.
Ang ating mga
gawain at galaw ay kinakailangang nagpapatunay sa ating pagka-kristiyano at sa
ating layunin para sa panghabambuhay na walang hanggan hindi para sa buhay
natin dito lamang sa lupa.
Ang ating mga
disisyon at mga pinagpipilian ay kinakailangang sang-ayon sa mga salita ng
Diyos na nasa Banal na Kasulatan.
Alisin natin sa
ating isipan ang pagkabalisa sapagkat alam natin na ang Panginoon ay patuloy na
namamatnubay sa atin at alam niya ang ating mga kinakailangan.
c. Punuin natin ang ating isipan ng mga bagay-bagay hinggil sa
Panginoong Diyos.
Kung papaano nating
magagawang maging banak ang ating angkan hindi kung papaano sila payayamanin at
mabibigyan ng mga bagay ng kamunduhan.
Papaano natin
mapasaya ang Diyos hindi kung papaano tayo makakagawa ng mga bagay na
ikalulugod ng tao sa atin.
d. Ipagtanggol at Pangalagaan ang ating mga isipan sa mga
masasamang impluwensiya upang magamit ito ng ating Panginoon para sa kanyang
mga layunin.
Pag-ingatan at
piliing mabuti ang mga programa sa radyo at telebisyon upang hindi malantad ang
ating isipan sa mga bagay na salungat sa pamumuhay kristiyano.
Punuin natin ang
ating mga isipan ng mga tungkol sa Diyos.
Magbasa lagi ng Bibliya at mga ibang
kasulatan tungkol sa kristiyanidad upang ang ating isipan ay mahubog sa
pagiging isang kristiyano.
e. Laging masiglang gamitin ang ating isipan para sa mga layunin ng
Diyos.
Sa ating gawain,
hanapbuhay, sa pamilya, sa ating mga kaibigan.
Manilbihan tayo sa
mga samahang kristiyano.
C. Ang ibigin ang Panginoong Diyos ng
Buong Lakas.
Ang ibigin ang Panginoong Diyos ng
buong lakas ay nagangahulugang binibigay natin sa kanya ang lahat. Ang ating
buhay, pagkatao, salapi, oras, ari-arian, kagalingan atbp.
Mga paraan ng pagpapakita sa
panginoon na siya ay iniibig ng buong lakas:
1. Sa ating oras.
a. Ano ba ang saloobin o tingin natin sa oras? Papaano natin
ginagamit ito?
Hindi tayo ang
may-ari ng oras tayo lamang ang tagapamahala nito.
Ninanais ng
Panginoon na tayo ay maging bukas sa ating oras. Magbigay tayo ng oras para sa
paninilbihan sa kanya. Sa kanyang simbahan, sa kanyang mga anak.
Suriin natin kung
papaano natin ginagamit ang oras. Pinalilipas ba natin ito sa mga walang
kabuluhang bagay?
Magprisinta tayo na
maninilbihan sa ano mang paraan ng parokya.
2. Sa salapi (Not to be taken up with depressed as if speaker
thinks so).
a. Tayo ay mga tagapamahala lamang ng ating salapi. Yaon ay hindi
sa atin. Siya ang nagbigay niyon sa atin. Mayroon tayong tungkuling pamahalaan
ito ng mahusay at gamitin ito sa kabutihan hindi sa kasamaan.
b. Sa papaanong paraan magagawa ito?
Tithing (Mal.
3:7-10)
Panglilimos (2 Cor.
8:1-4)
III. Si Hesukristo:
Ang ating Modelo kung papaano iibigin ang Panginoong Diyos..
A. Ang kanyang buong buhay ay inilaan Niya upang maisagawa at
matupad ang Kanyang Misyon dito sa lupa.
"Ang pagkain ko'y ang tuparin
ang kalooban ng nagsugo sakin, at ganapin ang ipinagagawa niya" (Juan
4:34).
B. Siya ay naging masunurin hanggang sa kamatayan.
"Ama, wika niya, "Kung
maari'y ilayo mo sa akin ang sarong ito. Gayun ma'y huwag ang kalooban ko ang
masunod, kundi ang kalooban mo". (Lukas 22:42).
C. Lagi niyang inu-usisa ang kalooban ng kanyang Ama.
"Madaling araw pa'y bumangon na
si Hesus at nagtungo sa isang ilang na pook at nanalangin". (Marcos 1:35).
IV. Ang Hamon
Nayong nalalaman na natin ang lahat
ng ito, nakahanda na ba tayong gawing pinakamataas na tularan ang Pag-ibig sa
Panginoong Diyos. Nakahanda na ba tayong gawin ang lahat upang si Hesukristo ay
maging modelo o tularan ng ating buhay?
Pang-umpisa ng Talakayan:
Ng mga nakaraang panahon, papaano ko
naipakitang iniibig ko ng tunay ang Panginoong Diyos.
No comments:
Post a Comment