Wednesday, April 29, 2015

CFC Infanta 2: CHRISTIAN LIFE PROGRAM Banugao Elementary Barangay, Infanta Quezon




TOPICS

Speakers
Date

Talks
N0.

ORIENTATION SESSION

Bro. Jun G. –Cluster H.
April 19
MODULE I:
MGA PANGUNAHING KATOTOHANAN NG KRISTIANIDAD

1
Ang pagmamahal ng Diyos
Bro. Alex Rutagines
April 19
2

Sino si Hesukristo

Bro. Nato Costumrado
April 26
3
Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Isang Kristiyano

Boy Leynes
May  3
4
Ang pagsisisi at Ang Pananampalataya

Bro. Boning Cuerdo
May 10
MODULE II:
ANG TUNAY NA KRISTIYANONG PAMUMUHA
5
Angtularan ng isang Kristiyano - Ang Magmamahal sa Diyos

Sis.  Vi Romantico
May 17
6
Angpagmamahal sa Kapwa
Bro. Adan Romantico
May 17
7
AngKrisityanoong Angkan
Sis. Elvie Avellaneda
May 24
8
Angbuhay sa Espiritu Santo
Sis. Rosie Remolona
May 31
MODULE III:
PAMUMUHAY NG KRISTIYANONGPUSPOS NG ESPIRITU SANTO

9
Ang Pagtanggap sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Bro. Benjie De Ocampo
June 7
10
Pag-unlad sa Buhay Espiritu Santo.

Bro. Japs Latore
June 14
11
The Life and Mission of CFC
Bro. Oding/Sis. Edna
June 21
12

“TRANSFORMATION IN CHRIST"


Bro. Randy Saludes
June 28

Tuesday, April 21, 2015

Pope Francis' Five Finger Prayer



































Using the fingers on your hand, start with the thumb and pray these intentions in this order:

1.) The thumb is closest finger to you. So start praying for those who are closest to you. They are the persons easiest to remember. To pray for our dear ones is a "Sweet Obligation."

2.) The next finger is the index. Pray for those who teach you, instruct you and heal you. They need the support and wisdom to show direction to others. Always keep them in your prayers. 

3.) The following finger is the tallest. It reminds us of our leaders, the governors and those who have authority. They need God's guidance. 

4.) The fourth finger is the ring finger. Even though it may surprise you, it is our weakest finger. It should remind us to pray for the weakest, the sick or those plagued by problems. They need your prayers. 

5.) And finally we have our smallest finger, the smallest of all. Your pinkie should remind you to pray for yourself. When you ate done praying for the other four groups, you will be able to see your own needs but in the proper perspective, and also you will be able to pray for your own needs in a better way.

Source: http://www.catholic.org/

Theme 2015


Monday, April 13, 2015

CLP At Brgy. Banugao, Elementary School Infanta ,Quezon


Source: Oding/Edna Torres
Tel: 09202889472
Alex/Vangie
Tel: 09292448558
Jun/Malou
09463559203
For more Info please Visit: http://cfcinfanta.blogspot.com/

Tuesday, April 7, 2015

Ang Bautismo sa Espiritu Santo (The Baptism in the Holy Spirit)

Habang binabasa ang aklat ng Mga Gawa, makikita sa bawa’t pahina ang gawain ng Espiritu Santo sa sinaunang iglesia. Kung aalisin mo ang gawain ng Espiritu Santo sa aklat ng Mga Gawa, halos wala nang matitira. Tunay na binigyang-kapangyarihan Niya ang unang alagad upang “ikutin ang mundo” (tingnan ang Gw. 17:6, KJV).
Ang mga lugar sa mundo ngayon kung saan lumalago ang iglesia ay mga lugar na sinusunod at binibigyang-kapangyarihan ng Espiritu Santo ang mga tagasunod ni Cristo. Hindi natin ito dapat pagtakhan. Makagagawa ang Espiritu Santo sa loob ng sampung segundo nang higit sa magagawa natin sa sampung libong taon sa ating sariling pagsisikap. Kaya napakahalagang maintindihan ng ministrong tagalikha-ng-alagad ang itinuturo ng Biblia tungkol sa gawain ng Espiritu Santo sa mga buhay at ministeryo ng mga mananampalataya.
Sa aklat ng Mga Gawa, madalas nating makita ang mga halimbawa ng mananampalatayang nababautismuhan ng Espiritu Santo at nabibigyang-kapangyarihan para sa ministeryo. Mahusay na pag-aralan natin ang paksa upang, kung maaari, maranasan natin at matuwa sa milagrosong tulong ng Espiritu Santo na naranasan nila. Bagama’t tinitiyak ng iba na ang ganitong gawain ng Espiritu Santo ay naiwan sa panahon ng mga orihinal na alagad, wala akong makitang katiyakan sa Biblia, sa kasaysayan o lohika para suportahan ang ganitong opinyon. Ito’y isang teoryang sumilang dahil sa di-paniniwala. Ang mga nananampalataya sa pangako ng Salita ng Diyos ay makararanas ng ipinangakong pagpapala. Tulad ng mga di-naniniwalang mga taga-Israel na nabigong pumasok sa Ipinangakong Lupain, ang mga hindi naniniwala sa pangako ng Diyos ngayon ay mabibigong pumasok sa lahat ng inihanda ng Diyos sa kanila. Saan kang kategorya? Ang sa akin, kasama ako sa mga nananampalataya.



Mga Lihim ng Ebanghelismo (Secrets of Evangelism)

Nang patunayan ni Abraham ang kanyang kahandaang ialay ang minamahal niyang anak na si Isaac, nangako ang Diyos sa kanya:
Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sapagkat sinunod mo ang Aking utos (Gen. 22:18).
Ipinapakita ni apostol Pablo na ang pangakong ito ay ginawa kay Abraham at sa kanyang lahi, isahan, hindimga lahi, maramihan, at ang iisang lahi ay si Cristo (tingnan ang Gal. 3:16). Kay Cristo lahat ng mga bansa, o higit na tama, lahat ng grupong etniko sa lupa any pagpalain. Una nang inihayag ng pangakong ito ni Abraham ang pagdaragdag sa libu-libong grupong etnikong Hentil sa buong globo sa pagpapala ng pagiging kay Cristo. Ang mga grupong etnikong iyon ay magkakaiba dahil namumuhay sila sa iba-ibang heograpikal na lugar, magkakaiba ang lahi, umaayon sa iba-ibang kultura at nagsasalita ng iba-ibang wika. Nais ng Diyos na pagpalain silang lahat kay Cristo, kung kaya’t namatay si Jesus para sa kasalanan ng buong sanlibutan (tingnan ang 1 Jn. 2:2).
Bagama’t sinabi ni Jesus na makitid ang dang patungo sa buhay, at iilan lang ang nakakahanap nito (tingnan ang Mt. 7:14), iniwan tayo ni apostol Juan ng magandang dahilan upang maniwalang may mga kinatawan mula sa grupong etniko ng buong sanlibutan sa kaharian ng Diyos sa hinaharap:




LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...