Nang patunayan ni Abraham ang kanyang kahandaang ialay ang minamahal niyang anak na si Isaac, nangako ang Diyos sa kanya:
Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sapagkat sinunod mo ang Aking utos (Gen. 22:18).
Ipinapakita ni apostol Pablo na ang pangakong ito ay ginawa kay Abraham at sa kanyang lahi, isahan, hindimga lahi, maramihan, at ang iisang lahi ay si Cristo (tingnan ang Gal. 3:16). Kay Cristo lahat ng mga bansa, o higit na tama, lahat ng grupong etniko sa lupa any pagpalain. Una nang inihayag ng pangakong ito ni Abraham ang pagdaragdag sa libu-libong grupong etnikong Hentil sa buong globo sa pagpapala ng pagiging kay Cristo. Ang mga grupong etnikong iyon ay magkakaiba dahil namumuhay sila sa iba-ibang heograpikal na lugar, magkakaiba ang lahi, umaayon sa iba-ibang kultura at nagsasalita ng iba-ibang wika. Nais ng Diyos na pagpalain silang lahat kay Cristo, kung kaya’t namatay si Jesus para sa kasalanan ng buong sanlibutan (tingnan ang 1 Jn. 2:2).
Bagama’t sinabi ni Jesus na makitid ang dang patungo sa buhay, at iilan lang ang nakakahanap nito (tingnan ang Mt. 7:14), iniwan tayo ni apostol Juan ng magandang dahilan upang maniwalang may mga kinatawan mula sa grupong etniko ng buong sanlibutan sa kaharian ng Diyos sa hinaharap:
No comments:
Post a Comment