Thursday, June 30, 2016

CHRISTIAN LIFE PROGRAM MODULE III EXPANDED OUTLINE (tagalog version)


MODYUL III

ANG PAMUMUHAY NG ISANG KRISTIYANONG
 PUSPOS NG ESPIRITU SANTO


9. Ang Pagtanggap sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.
10. Pag-unlad sa Buhay Espiritu Santo.
11. Ang Tahanan ng Panginoon
12. Paghahandog


SESYON 9: ANG PAGTANGGAP SA KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU SANTO

Layunin: Upang akayin ang mga kalahok sa pagtanggap nila sa Bautismo sa Espiritu Santo sa mga iba't-ibang wika.

Pinahabang Balangkas ng Paglalahad

I. Ano ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa Espiritu Santo.
A.   Sa ating Lumang Tipan, sinasabi ni Propetang Ezekiel na noong kanyang kapanuhan. Ang mga tao raw sa mundo ay pawang nagtatampisaw sa putik nang pagkakasala at walang kabuhay-buhay sa Espiritu Santo. Ganoon rin ang nakikita natin sa ating kapaligiran. Narito ang sinasabi ng Panginoon Diyos sa kanila noon:

1. Basahin ang Ezekiel 36:26

a.   Pinangakuhan tayo ng Diyos ng "Panibagong Puso" at isang "Bagong Espiritu". Ito ang Espiritu Santo.
b.   Ang isang "pusong bato" ay gaya/tulad rin ng isang malamig at matigas na nasa loobin sa Diyos.

2. Basahin ang Ezekiel 36:27 - "Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos"

Narito ang pangako ng Panginoon na tayo ay kanyang tutulungan at bibigyan ng lakas upang makagawa tayo ng tama. Ang Espiritu Santo ang makapagbibigay sa atin ng lakas na iyan.
 
  B. Ang Espiritu Santo na ipinangako ng Panginoon Diyos sa pamamagitan ni Ezekiel ay ang siyang ibinigay ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang mga disipulo. Sa pamamagitan ng Espiritung ito, ang tao ay magkakamit ng:

1.   Bagong kalikasan (Nature) at Lakas ng Espiritu - Ang Espiritu Santo ang siyang nagbabago sa atin, hindi sa pagbabago ng ating katauhan/personalidad kundi tayo ay kanyang pinadadalisay (by purifying us) (Gal. 5:16-23).
2.   Lakas upang Manilbihan- (Gawa 1:8) - "Ngunit bibigyan ko kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria at hanggang sa dulo ng daigdig".

C. Naisin ng Panginoong Diyos na ang lahat ng tao ay magkaroon ng panibagong buhay sa Espiritu Santo.

-Ipinadala niya ang kanyang bugtong na anak na si Hesukristo sa mundong ito upang maibigay niya sa atin ang pinanggagalingan o pinagsimulan ng bagong buhay. Ito ay Espiritu Santo.

II. Pangunahing Pagpapaliwanag Bago Idaos ang Pagdarasal

  A. Naririto tayo upang angkinin ang Espiritu Santong ipinangako sa atin ng Panginoong Hesukristo.

-Lukas 11:11-13
-Hindi ito pangalawang pagbabautismo tulad ng unang pagbibinyag sa atin. Dito ipagdarasal natin na pakawalan ng Panginoon ang lakas ng Espiritu Santo na matagal na nating ikinulong sa ating kalooban.

1.   Ipaliwanag sa mga kalahok kung ano ang mga mangyayari sa sesyon ng pagdarasal.
a.   Ang seremonya ng pagpapatibay ng ating pananampalataya.
b.   Ang dasal ng Eksorsismo.
c.   Kung papaano sila ipagdarasal.
2.   Ipaliwanag na ang Panginoong Hesukristo ay ang siyang magbabautismo sa Espiritu Santo.
- Sila ay hahawakan/lalapagan ng kamay at ipagdarasal.
- Kinakailangan nilang hingin ang ipinangako ng Panginoon Hesukristo at kinakailangan nila itong asahan.
3.   Iba-iba ang mararanasan ng iba't-iba sa mga kalahok.
- Huwag ninyong hanaping mangyari sa inyo ang lahat ng mga mararanasan ng iba.
- Ibaling sa Espiritu Santo na kanyang ibibigay sa inyo.

  B. Tanngapin ang lahat ng mga biyayang ikakaloob niya sa inyo.

1.   Alam ninyo ang inyong mga kinakailangan. Hingin ninyo ito sa kanya gaya ng:
- Lakas ng loob na mamuhay bilang isang tunay na kristiyano at maharap ang mundo. Panibagong lakas upang masugpo ang kasamaan at tukso. Panibagong kaisipan upang siya ay makilala ng lubos.
-Matanggap ang lahat ng mga biyayang ipagkakaloob niya sa inyo.

2.   Mga mahalagang saloobin.
- Magpahingalay (Relax lang). Lalo tayo nakahingalay, lalong madali nating matangap ang mga biyayang kanyang ikakaloob sa atin. Mahirap lagyan ng laman ang kamay ng isang taong nakasara. Makabubuti kung nakabukas ang ating palad.
- Huwag Matakot. Ang Panginoon ay naririto. Huwag isa-isip na baka kayo magmukhang gago o baka isipin ng iba na kayo ay nahihibang pagkat kayo ay nagpupuri ng malakas sa Panginoon o nagtataas ng kamay o di kaya ay nagsasalita sa iba't-ibang wika. Tandaan ninyo. Hindi kayo pagtatawanan. Bagkus, ang lahat ay magsasaya at matutuwa ng para sa inyong lahat pagkat lahat kayo ay minamahal namin.

3.   Ang pagtanggap ng biyaya ng Pagsasalita sa iba't-ibang wika.
- Ang pasasalita sa iba't-ibang wika o ang "tongues" ay isang biyaya ng pagpupuri. Ito ay isa sa kanyang mga "regalo" o "Gift". Ang mahalaga ay ito - nais niyang ibigay ito sa inyo.
- Pagkatapos ninyong hilingin na kayo ay Bautismohan sa Espiritu Santo, hilingin ninyo ang biyaya ng pagsasalita sa iba't-ibang wika. Bigyan ninyo ang inyong sarili ng pagkakataong matanggap ito sa pamamagitan ng pagiging bukas ang kalooban.
- Bayaan ninyong akayin at udyukin kayo ng Espiritu
- Umpisahan ito sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagpuri sa Panginoon galing sa inyong puso.
- Umpisahang gumawa ng iba't-ibang tunog sa pamamagitan ng inyong dila at mga labi. Ang Espiritu Santo ang magbubuo nito. Alalahanin ninyong mas madaling galawin ang manibela ng kotse kapag ito'y umaandar. Mahirap kapag nakahinto.
- Huwag ninyong subuking intindihin ang mga tunog na lumalabas sa inyong bibig o di kaya'y pakiramdam ang mga nararanasan ninyo. Ma-pokus lang sa Panginoon. Ialay sa kanya bilang papuri ang mga tunog na lumalabas sa inyong bibig.
- Huwag matakot at isipin na mga gawa-gawa lang ninyo ito at hindi ng Espiritu.
4.   Pagtapos na kayo ay maipagdasal, huwag umalis. Sabay-sabay tayong magtatapos.
- Habang kayo'y naghihintay sa iba, ipagdasal ninyo ang ibang natapos na at ang mga dinadasalan pa. Ipagpatuloy ninyo ang inyong pagpuri sa Panginoon.
- Makabubuti sa lahat na mapuno ng pagdarasal ang ating buong paligid.

5.   Panghuling Pananalita
- Hilingin at ibiging matanggap ang mga biyaya ng Diyos.
- Tandaang naisin ng Diyos na ibigay sa inyo ang lahat ng Kanyang mga biyaya at dahil sa mahal niya kayo, nais rin niyang mamuhay sa inyo sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu Santo.
- Ang Diyos ang siyang nag-aalay sa nagbibigay ng mga biyaya. Ang kinakailangan nating gawin ay ang tanggapin ang mga ito at salubungin ang kanyang Espiritu ng buong sigla't pagmamahal.

III. Mga huling Paalala Pagkatapos ng Pagdarasal

  A. Iba’t-iba ang mararanasan ng iba’t-ibang tao.
1.   Ang pakiramdam ay hindi mahalaga. Ang hanapin ay kung papaano ngayon gumagalaw ang Diyos sa ating buhay. Gawin natin ang mga ito. Gaya ng pagdarasal ng higit na taimtim at ang malagiang pagbabasa ng Mabuting Balita.
2.   Kung hindi man kayo nakapagsalita sa iba’t-ibang wika ngayong gabi, huwag kayong mag-alala o mabahala. Hindi ibig sabihin nito na kayo ay hindi nabautismohan sa Espiritu Santo.
Sa inyong pagdarasal sa mga sumusunod na araw, bigyan ng kahalagahan at pagpuri at pasasalamat. Tagalan ninyo ito. Lakasan ninyo ang inyong tinig. Sikapin lang na huwag makaistorbo sa ibang tao. Kapag ito ay inyong gawin ng malagian, madaranasan ninyo o matutuklasan na lamang ninyo na kayo ay nakakapagdasal na sa iba’t-ibang wika.

B. Lagi ninyong alalahanin na kayo ay tutuksuin ni Satanas upang kayo ay mag-alinlangan.
1.   Nais ng demonyo na nakawin ang mga biyayang ibinigay sa inyo ng Diyos. Gagawin niya ang lahat upang kayo’y magduda at sa gayon, hindi ninyo magamit ang mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa inyo. Huwag ninyong pabayaang siya pabibigyan.
2.   Kapag kayo ay medyo nag-aalinlangan, huwag kayong mag-abala. Alalahanin ninyong ang tinanggap na mga biyaya ay ipinangako ng Diyos at hiniling ninyo. Ito ay nasa inyo na. Walang magagawa si satanas kung hindi ninyo siya pagbibigyan.
C. Huwag kayong umasa na ang lahat ng inyong mga problema ay malutas kaagad. Maraming malulutas agad ngunit hindi lahat.
- Maraming pag-iibang (pagbabagong) gagawin ang Espiritu Santo sa inyo at sa inyong buhay at ito ay makikita ninyo. Ngunit hindi lahat ay mababago. Ang mga ibang bagay sa ating buhay ay mangangailangan ng mas mahabang panahon. Ang mahalaga ay ito- kayo ngayon ay may panibagong lakas. Lakas na galing sa Espiritu Santo at ang lakas na ito ay maari inyong magamit upang maisa-ayos o malutas ang iba ninyong problema.

D. Araw-araw, magtabi ng panahon para sa pagdarasal. Huwag na huwag ninyo itong pabayaan. (gaya ng palilinis ng bahay). Laging dumalo sa ating mga pagtitipon. Papuri sa iba’t-ibang wika araw-araw. Tiyaking mas matagal ang pagpuri at pasasalamat kaysa sa paghingi.
1.   “Yamang naging tapat ka sa kaunting halaga pamamahalain kita sa malaking halaga” (Mat. 25:21).
2.   Ang mga magagandang pangyayari ngayong gabi ay umpisa pa lamang.

E. Huwag munang ibahagi sa kahit kanino lamang ang inyong mga naranasan ngayong gabi.
1.   Ang mga hindi nagdaan sa mga lingo-lingo nating pananalita ay hindi maka-unawa sa mga naranasan ninyo. Marami ang hindi handang tanggapin ito.
2.   Ang unang dapat gawin ninyo ay ang mahalin sila ng higit sa dati at manilbihan sa kanila.
3.   Maghinahon kayo sa mga malapit sa inyo. Lalong-lalo na sa mga sambahayan. Kilala nila kayo. Makabubuting makita muna nila ang inyong pagbabago hindi pagtuturo.





















Modyul 3

SESYON 10: PAG-UNLAD SA BUHAY ESPIRITU

Layunin: Ang maturuan sa mga pangunahing hakbang tungo sa pag-unlad at maging matatag na mga Kristiyano at mahikayat ang bawat isa na makasulong sa kanilang buhay sa Diyos.

Pinahabang Balangkas:

I. Ang bautismo sa Espiritu Santo ay simula lamang. Ngayon, ay kailangang umunlad tayo sa buhay Espiritu.

II. Upang umunlad, kailangang gamitin natin ang mga pangunahing pangangailangan ng pag-unlad na siyang inilaan ng Panginoon sa atin.

          * Ang diagram ng gulong

                                                P
                                                a
                                                n
                                                a
                                                l
                                                a
                                                n
                                                g
                                                i
                                                n
Paglilingkod                                                                    Fellowship
                                                P
                                                a
                                                g
                                                a
                                                a
                                                r
                                                a
                                                l

Ang buhay Kristiyano ay mailalarawan bilang isang gulong. Ito ay may tatlong bahagi.

Ang panlabas na rin, ang bahagi ng gulong na siyang sumasayad. Ito ang kumakatawan sa pangaraw-araw na buhay Kristiyano.
Ang “pusod” (hub) bahagi ng gulong na siyang pinagmulan ng lakas patungo sa rim. Dito ang “pusod” ang siya ang ating Panginoong si Hesukristo at ang lakas ay ang Espiritu Santo.

Ang mga rayos ang nagdala ng lakas at dereksiyon mulan sa “pusod” tungo sa rim. Sa karanasang Kristiyano, ang rayos ang nagdadala ng lakas ng Espiritu Santo. Mula sa Panginoon sa ating pangaraw-araw na karanasan.

Note sa Tagapagsalita

Ang layunin ng wheel diagram ay upang maipaunawa at maisagawa sa pagunlad nila bilang mga Kristiyano. Ito ay ang hindi nangangailangan ng paliwanag sa pagsasapiling ng Panginoon sa bawat indibiduwal. Ito ay nakatuon sa mga pangunahing pangangailangan tungo sa pagsasapiling ng Panginoon sa bawat indibiduwal. Ito ay nakatuon sa mga pangunahing pangangailangan tungo sa pag-unlad, at hindi sa pagsasapiling ng Panginoon sa mga grupo ng mga komited na Kristiyano sa katawan ni Kristo o sa mga sakramento.

Ang paksang ito ay tumutuon sa ilang mga praktikal na pangangailangan na kung saan ay uunlad sila bilang mga Kristiyano.

III. Panalangin

  A. Ang panalangin ay pangunahing pangangailangan para maitatag at mapanatili ang malalim at ugnayang personal natin sa ating Panginoon.
  B. Ang matagumpay na buhay panalangin ay umiikot sa tatlong mahalagang alintuntunin.
1.   Ang ating panalangin ay kailangang matapat.
-Magpasiya na maglalaan ng oras sa ating Panginoon araw-araw
- Magpasya ng mga praktikal na mga detalye
* Kailan
* Saan
* Paano
* Gaano katagal o kababa

- Maglaan ng kaayusan bago magsimula
2.   Kailangan ang banal na Espiritu ang siyang lumulukob
- Maging handa sa pagbabago ng kaayusan ayon sa ipinag uutos na
Banal na Espiritu
3.   Kailangang ito ay naka-santo sa pakikipagugnayan kay Kristo Jesus.



IV. Pag-aaral

  A. Ang pag-aaral ay kailangan ay kusa. Kailangan ang malawak na proseso sa pagunawa tungkol sa Diyos upang siya ay higit nating mapagsilbihan.
  B. Higit nating matututuhan at makikilala ang Diyos sa pamamagitan ng:
1.   Bibliya
Maglaan ng 15 minuto sa pagbabasa ng Biblia araw sikapin at magkaroon ng higit na pagkukusa sa pag-aaral ng mga bahagi ng ebanghelyo.
2.   Espirituwal na pagbabasa
Mga pantulong na espirituwal na babasahin aklat, maaari mga artikulo, etc.
3.   Mga aral at sermon
Ang lingguhang sermon sa misa, ang salita ng Diyos na inihahayag sa mga prayer meeting. Conferences mga programang pag-aaral ng panahaon ng Panginoon. Maging ugali na magtatala ng mga “notes”.

V. Paglilingkod

  A. Si Jesus, sa pamamagitan ng kanyang Banala ng Espiritu. Siya ay kumikilos sa atin. Hindi lamang para sa ating personal na paguunlad, kundi upang mas higit tayong maging epektibo sa a ting paglilingkod sa kanya at sa kanyang bayan.
  B. Kailangan natin ang isip-mapaglingkod upang ang ating buong buhay ay maipagkaloob natin sa mga gawain ng Diyos.
  C. Paraan kung paano makapaglingkod.
1.   Una, paglingkuran ang Diyos sa paraan kung paano tayo namumuhay. Araw-araw na panalangin at pag-aaral ng ebanghelyo. Hangarin ang katotohanan at kabanalan.
2.   Paglingkuran ang ating kapwa sa pamamagitan ng pagkilala sa mga oportunidad para sa paglilingkod sa pang araw-araw na buhay.
3.   Maglingkod sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pangunahing pananagutan o, ipinakaloob ng Diyos sa ating pangaraw-araw na buhay.
- Ama/Ina
- Bilang Asawa
- Bilang Manggagawa
4.   Higit sa katapatan sa pangaraw-araw na pananagutan, ng bibigay saksi tayo ng ating pananalig kay Kristo sa paraan ng ating pananalig kay Kristo sa paraan ng ating pamumuhay. Maging laging handa sa mga oportunidad na makapagbahagi ng ating pananampalataya sa ating pamilya, kaibigan kapit bahay, kasamahan sa paggawa at sa kabuuan ng kapaligiran.
5.   Ilaan ang ating mga sarili at ang ating mga kakayahan sa paglilingkod sa Panginoon, Santiago 2:14-17
- Suportahan sa pamamagitan ng panalangin at salapi ang mga gawaing Kristiyano sa mas ikalalawig ng ebanghelyo.
- Humanap ng mga oportunidad na magbibigay ng oras at lakas sa regular na paraan para sa paglilingkod sa Kristiyanong grupo.
Hal. Parish, TNP

VI. Pakikisalamuha (fellowship)

  A. Ang katagang ito ay halos tumutukoy sa mga Kristiyano na nagsasama-sama bilang iisa o bilang isang katawan.
* Nanalangin
* Naglilingkod
* Nag-aaral
* Naglalaan para sa sandali ng pakisasalamuha at pagsasama-sama

  B. Hindi tayo magiging ganap na Kristiyano kung tayo lamang sa ating sarili. Kailangan natin ang makisama sa iba upang maranasan ng lubusan ang buhay Kristiyano.

  C. Ilang paraan para maranasan ang Kristiyanong pakikisalamuha.
1.   Pagsamba sa liturhiya, conference, prayer meeting
2.   Sama-samang pagdalo sa mga aral
3.   Sama-samang paglilingkod
4.   Sama-samang panlipunang pagdiriwang

D. Banggitin ang paanyaya na sumapi sa Tahanan ng Panginoon, na tatalakayin sa sumusunod na sesyon.



















“PAMUMUHAY NG KRISTIYANONG PUSPOS NG ESPIRITU SANTO”

Modyul 3 - LIVING A SPIRIT FILLED CHRISTIAN LIFE

SESYON: COUPLES FOR CHRIST (LIFE & MISSION)

I. Introduction
Noong nakaraang linggo, ating tinalakay ang paglago sa Espiritu Santo. Ipinakita sa inyo ng Speaker ang isang gulong bilang halimbawa kung paano tayo kikilos upang umunlad sa buhay Kristiyano. Sa halimbawang ito ng gulong, alam natin na ang gulong ay may panlabas na tinatawag na Inner and Outer Rim na siyang kumakatawan sa panlabas at pangaraw-araw na buhay Kristiyano. Ang HUB ang siyang kumakatawan sa ating Panginoong Hesukristo at ang lakas ay ang Espiritu Santo.
Ang RAYOS ang nagdadala ng lakas at direction mula sa HUB tungo sa RIM. Sa karanasang Kristiyano, ang RAYOS ang nagdadala ng lakas ng Espiritu Santo. Ang gulong ay may rayos na siyang kumakatawan sa limang bahagi: ito ay ang Panalangin, Pagaaral, Sacramento, Paglilingkod at Pakikisalamuha.

II. Ano ang Couples For Christ?
Ang Couples For Christ ay isang ministeryo para sa pagpapanibagong buhay Kristiyanong pamilya. Isang kilusan na ang hangarin ay para sa pagbabago at pagpapalakas, at pag-unlad sa buhay Kristiyano na kasama ang pamilya. Ito ay masasabing isang organization ng mga mag-asawang Kristiyano na itinalaga ang sarili para sa Panginoon at sa bawat isa, upang lumago at mapaunlad ang kalagayan bilang mga anak ng Diyos at upang magkaroon ng kaganapan ang pangunahing bokasyon na mapalago ang pamilya sa ilalim ng pamamahala at sa pangunguna ni Hesukristo at paglilingkod sa kaharian ng Diyos. Ang Couples For Christ is a way of life, CFC is a worldwide Christian community which clear vision & mission.

Ang simula ng Couples For Christ:
Noong 1979 ay may isang communidad na tinaguriang “ligaya ng Panginoon na nagdaraos ng linguhang charismatic prayer meeting. Ang isa ay sa Assumption Convent sa San Lorenzo Village, Makati at ang isa naman ay sa Christ the King Seminary sa Quezon City. Ang dalawang prayer meeting na ito ay dinadaluhan ng may 600 to 800 na tao bawat linggo, at marahil ay ito na ang pinakamalaki at pinakamaraming grupo ng tao na dumadalo sa prayer meeting na ito. At dito ay nakita nila na ang dumadalo ay 80 percent ay puro mga babae at hindi nila kasama ang kanilang asawa, kaya para maging mabisa ang pagbabago sa lipunan na mga magasawa sa pamamagitan ng conversion  ng pamilya kay Kristo at maevangelize ang mga magasawa.
Sila ay nagwithdraw sa Ligaya ng Panginoon at noong 1980, sila ay nagdaos ng Life in the Spirit seminar sa bahay-bahay ng mga inaanyayahan nilang mga magasawa, hindi nila sinabing ito ay isang seminar kundi isang Social evening with the couples. Humingi sila ng tulong sa LNP para sa pagbibigay ng small talk, a little prayer at makinig sa munting introduction ng Life in the Spirit, at dito ang mga magasawa ay nagkasama at sa loob ng 7 linggo, ito’y naging matagumpay, kaya noong November 1980, 16 couples ang nagtapos dito.

Ang 16 couples na ito nang matapos ay naging interesadong lumago sa Panginoon, sila ay very enthusiastic at gusto nilang mapanatili ito, kaya sila ay nagpasiyang kumuha muli ng panibagong kurso na ang disenyo ay galing sa Ann Harbor, Michigan USA, at dito nagsimula ang Christian Life Program. Bago natapos ang 1981, ang CFC ay may bilang na 34 Couples.

Para sa dagdag na data ng Couples for Christ
Nong 1986 - ang bilang ng couples ay 600 sa 8 parokya sa isang probinsya.
Noong 1990 - ang bilang ng couples ay 7,024 sa 83 parokya, 28 province at sa 9 foreign countries, nagabroad na ang couples.
Noong 1993 - ang bilang 44,509 couples sa 51 province at 14 foreign countries namely: India, China, Hongkong, Singapore, USA, England, Australia, Thailand, Indonesia, Pakistan, Canada, UAE, Vietnam, Bahrain & Brunei.

Sa taong 1995 ang bilang ng Couples sa buong Pilipinas as of April ang kabuuang bilang ay 72,959 sa 60 province. At ang bilang naman sa CFC International ay 2, 076 couples.

Sa Cavite, nagsimula ito noong Sept. 1989 sa pamumuno ng magasawang Rene & Sylvia Rieta at sa Supervision ng mga taga Dasmariñas Village, Makati at sila ay nagsagawa ng CLP sa Kawit Parish Church. Ang mga umattend ay may 10 couples, pero nang ito ay matapos, 18 couples ang nagtapos.

Noong 1990 ang bilang ng Couples For Christ dito sa Cavite ay 34 couples
Noong 1993 ito ay may bilang na 320 couples
Noong 1994 ito ay may bilang na 740 couples, at sa taong ito ang last report as of April this year ay umaabot sa 792 couples at posibleng sa ngayon ay maaring humigit pa dito ang bilang sapagkat patuloy ang pagdaraos ng CLP sa ibat ibang parokya dito sa Cavite.
Hindi lamang ang bilang ng couples ang dumarami, may mga Ministries na itinatag noong 1993 upang maging wholistic ito. Mayroon tayong KFC na ang mga members ay may edad na 6 up to 12 years old. YFC ay nasa edad na 12 up to 20, and SFC nasa edad na 21 up to 40 year old. Mayroon din tayong mga Handmaid of the Lord na ang mga members nito ay mga biyuda, mga single parent na ang asawa ay nasa abroad. Mayroon ding Servant of the Lord, na kung saan ang mga pogi nating kalalakihan na biyudo at matandang binata na willing magserve sa Panginoon.

Kaya nga ang Couples For Christ ay hindi lamang isang organization kundi ito ay isang community na may clear vision ang mission, kaya ating paksain ang tungkol sa Statement of Mission at Statement of Philosophy.

Basahin ang statement of Mission and Statement of Philosophy.

C. Paano tayo susuporta sa bawat isa?

1.   Committed Relationship (Pagtatalagang may ugnayan)
Naniniwala ang CFC una sa lahat na ang bawat isa ay may pananagutan na patatagin at tulungan ang bawat member sa Kristianong pamumuhay, kaya ang bawat isa ay gumagawa ng pagtatalaga sa sarili upang lumago na kasama ng bawat isa bilang kristianong mag-asawa o couples. Lumago sa kaganapan bilang kristiano na maglilingkod sa Panginoon at maganap ang ating bokasyon bilang kristianong Magulang o mag-asawa.

May limang punto o paraan ng pagsasagawa ng pagtatalaga ng sarili na nakalagay sa munting puting card na ibibigay sa inyo (Covenant Card). Ito ang gabay na dapat na sundin o gawin sa pang araw-araw na pamumuhay.

2.   Sa inyong pagtatapos ng CLP, pagkatapos na ipanalangin, ang bawat grupo ay ilalagay sa isang Household.

Ang household ay isang grupo ng magasawa na may regular na weekly meeting, at sa loob nito sila ay may personal sharing at may mahalagang supporta silang naibibigay sa bawat mag-asawa at nagbibigay lakas bilang kristianong pamilya. Ang household ay isang pangunahing unit sa structurang pastoral ng CFC.





A. Ang layunin ng Household

a.   Ang household ay pinalalakas ang pananalig at nagkakaloob ng pantay o nagkakaisang hangarin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng karanasan sa buhay at karunungang praktical galing sa Diyos.
b.   Nagkakaloob ng pakikipag-kaibigan at kapatiran
c.   Nagkakaloob ng tulong sa pangangailangan ng bawat couples
d.   tumutulong na maialis ang mga hadlang sa paglago sa kristianong pamumuhay.

Ang Household ay binubuo ng 4 hanggang 7 couples kasama na ang Household Head at ang kanyang asawa. Ang household ay mga magasawa na itinalaga ang sarili para sa pakikipagtipan sa CFC. Ito ay isinasagawa sa loob ng isang linggo o higit pa pagkatapos ng inyong CLP.

B. Ang dapat na maging gawi o attitudes ng Household members:

1.   Dapat na maging bukas (Openess) at may tiwala sa kagustuhan ng Diyos na ibigay sa pamamagitan ng household group. Dapat na malaman na ito'y bahagi ng gawain ng Diyos na may kaugnayan sa kanyang plano para sa bawat mag-asawa. Bawat member ng isang household ay dapat magbahagi ng kanyang personal na buhay at sa kanyang relation sa Diyos.
2.   Sa household meeting ang lahat ng pinaguusapan ay strictly confidential, ito ay hindi dapat na ihayag sa iba. Ang lahat ng shared sa meeting ay strictly confidential.
3.   Faithfulness (katapatan) punctual sa oras ng pagdalo sa household prayer meeting. Dapat na ito'y maging prioridad sa kanya at laging dadalo sa meeting na ito sapagkat ang magasawa ay bahagi ng Prayer Meeting na ito at malaki ang maitutulong ng mga magasawa sa Meeting na ito.
4.   Cooperation (Pakikiisa) - Ang bawat member ay dapat na maging handa at may pakikiisa sa kanyang pagdalo sa prayer meeting at isipin na ang kabutihang magagawa nito sa bawat isa. Makiisa sa bawat gawain (worship, pagtataas ng kamay sa praising, in group discussion, sharing at fellowship). At isang mahalaga sa bawat member ay suporta nito sa household na maging maayos ang linguhang meeting at magkaroon ng paggalang sa bawat couples at sa household head.
5.   Pag-ibig at pagmamahal ang isang mahalagang concern na dapat na asahan sa mga member ng household, ex. beso-beso sa babae, at sa lalaki ay braso-braso, noong una ay baso-baso noong hindi pa member ng CFC. At ito ay makikita natin sa ating pagdalo sa weekly prayer and monthly prayer meeting.

C. Ang Household Meeting:

Ang household meeting ay minsan lamang sa isang linggo, ito ay unang ginaganap sa lahat ng Household Head at ito ay susunod sa bahay ng mga members na paikot in Alphabetical order. Ito ay ginaganap sa bahay sapagkat alam nating ang tahanan ay isang munting simbahan.

Ang pagkakaroon ng Household meeting sa bahay ng mga Members ay mayroong kahalagahan.

1.   Ang pagkakaroon ng household meeting sa bahay ay isang blessing dahil sa totoo lamang, dito ang mga anak ng Diyos ay nagpupuri at sumasamba sa Diyos ng sabay-sabay.
2.   Ang mga kasambahay, mga anak, magulang at katulong ay nababatid at nakikisangkot sa ganitong gawain ng household prayer meeting sa bahay. Para sa kanila, alam nilang tayo ay namumuhay bilang isang kristianong may bukas at malakas na pananalig sa Diyos.
3.   Ang anumang ginagawang household meeting sa bahay ay isang kasangkapan ng evangelization sa ating kasambahay, sa kapit-bahay, sa kamag-anak at mga kaibigan.

Ang sangkap o ingredients ng household meeting:

Ang isang karaniwang household meeting ay binubuo ng pagsamba (worship) at panalangin. May oras para sa sharing o teaching, at talakayan at sa huli kung minsan ay ang fellowship o pakikisalamuha. Sa oras ng worship o pagsamba at pagdalangin ang formula ay ang ACTS.

Ganito ginagawa ito:
1.   Period of Silence
2.   Sing a Praising Song
3.   Sabay-sabay na magpupuri sa Panginoon
4.   Awitin para sa Panginoon
5.   Bawat isa'y magtataas ng panalangin/pasasalamat
6.   Aawit ng Worship Song
7.   Singing in Tongue
8.   Panalangin ng bawat isa para sa mga kahilingan
9.   Reading the scripture
10.Closing Prayer.

Paksa sa Talakayan:

Ang Household Head ay may kaalaman kung papaano isasagawa ang household meeting at kung ano ang dapat na gawin upang makamit ang hangarin kung bakit nagdaraos ng prayer meeting. Isinasagawa ito upang magbuo ng isang kapaligirang tumutulong para sa kristianong pamumuhay ng bawat member.

May mga paksa na kailangang talakayin sa meeting. Ang mga ito ay dapat na gawin sa pagtupad ng Covenant ng Couples For Christ. Pananagutan ng Household Head na tingnan kung papaano isinasagawa at isinasabuhay ng mga members ang kanilang covenant at bigyan ng patnubay at tulong kung may problemang kinakaharap.

Ang mga paksa na tinatalakay ay ang mga sumusunod:
1.   Personal na pangaraw-araw na panalangin
2.   Pagbabasa ng Biblia
3.   Pamumuhay bilang tunay na kristiano
- Pakikiisa sa gawaing pang simbahan
- Pagiwas sa maling gawain
- Maayos na pamumuhay
4.   Regular na lingguhang dialogo sa asawa
5.   Pamumuhay bilang isang kristianong magulang
- Buhay pamilya at mga anak
6.   Paglilingkod bilang kristiano
7.   Pakikisalamuhang Kristiano

Ang mga paksang binibigyan ng attention ay ang mga sumusunod:

8. Pagkakaloob at pamumuno sa pamilya
9. Pagdesiplina sa mga anak
10. Prioridad sa linguhang schedule

CONCLUSION:

Tayo ay namumuhay sa panahong nakapanggigilas, at nakikilala natin ang mahabang kahalagahan ng kristianismo at sa buhay pamilyang nakapaligid sa atin sa lahat ng parte ng mundo at nakikillala natin ang pagmamahal ng Diyos at pagbibigay Niya ng protection sa hangaring muling maibalik ang kristianong pamilya sa kanyang original na plano. Kailangan nating matunghayan sa dulaang spiritual sa mata ng ating pananampalataya. Tayo ay kanyang tinawag upang maging bahagi ng gawain ng Diyos at tayo ay buong katuwaang tumugon sa kanyang walang hanggang pagsisikap na mapanatiling maibalik ang pamilya sa kanyang kaharian. Ito'y gawain ng Panginoon, kayo ba ay nakahandang maging bahagi ng gawain ng Diyos? Ang Panginoon, ay nagsimulang gumawa ng kabutihan sa inyo at ganoon din ang sasabihin ko sa inyo tulad ng sinabi ni San Pablo sa mga taga Pilipos. "Dahil sa inyong tulong sa pagpapalaganap ng Mabuting balita tungkol kay Kristo, mula nang ito'y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan. Tinitiyak ko sa inyo ang mabuting gawa na pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng pagbabalik ni Krsito Hesus (Phil. 1:5-6)













































TALK NO. 12

"TRANSFORMATION IN CHRIST"


A. PASIMULA
1.   Tayo ay dumating na sa ating pagtatapos ng CLP. Ngunit ito ay hindi katapusan, kundi tayo ay nagsisimula pa lamang. Ating kinakaharap ngayon ang "Bagong Buhay" sa Diyos at sa ating kapwa.
2.   Ang Panginoon ay ibinaba sa atin ang isang pundasyon para sa Bagong Buhay sa pamamagitan ng CLP na ito.
a.) Ang inyong pagsisisi, personal na pagbabago, isang pagpapanibagong pananampalataya sa Diyos.
b.)        Ang pagtanggap kay Hesus bilang Panginoon at tagapagligtas.
c.)        Pagkakaloob o kapahintulutan ng lakas sa pamamagitan ng Bautismo sa Espiritu Santo. At ngayon, ang patuloy na tulong na inyong matatanggap sa pamamagitan ng Couples For Christ.
3.   Ngayon ay kailangang pahintulutan ninyo ang Diyos na ipagpatuloy ang proceso na inyong pagpapanibagong buhay kay Kristo. Ang banal na espiritu ay kumukilos upang kayo ay lumago sa kaalaman, pag-ibig at higit sa lahat, mapaglingkuran ang Diyos.

B. Ang kagustuhan o plano ng Diyos
1.   Nais ng Diyos ang inyong pagbabagong anyo.
a.) Malalim na pakikipagugnayan sa Diyos.
 - Lumago o umunlad sa kabanalan (1 Pedro 1:15-16) kailangang lumago upang maging katulad ni Kristo.
 -        Lumago sa pagiging disipulo (Mateo 16:24) kailangan nating matutuhan ang kahulugan ng tunay na disipulo ni Jesukristo. Sa ganitong paraan tayo ay magiging karapat-dapat kay Hesus. (Mateo 10:37-39).

b.) Malalim na pakikipagugnayan sa kapwa
 -        Maging tunay na Brothers and Sisters sa bawat isa.
 -        At saka patuloy na lumago sa pakikipagkaibigan at malasakit sa kapwa.

c.) Malalim na pagtatalaga ng sarili sa paglilingkod sa Diyos sa kapwa, sa lipunan, simbahan at sa bayan. Ang gawain ng evangelization, pagdadala ng mabuting balita na ating tinatanggap at ibahagi sa iba.

2.   At habang tayo ay lumalago at nagbabagong anyo, ano ang para sa Diyos? Nais ng Panginoon na itaas natin ang pamilya sa Banal na Espiritu  na siyang magpapabago sa mukha ng mundo.
a.)        Para sa kaganapan ng plano ng Diyos (Efeso 1:10)
b.)Para sa kaganapan ng Dakilang pagtatalaga o pagkahirang.
- Ang CFC ay inatasan upang gawin ang pandaigdigan na misyon sa evangelization at pagpapanibago.
C. Papaano magkakaroon ng kaganapan ang hangarin ng DIyos sa pamamagitan ng CFC? Papaano tayo tutugon sa tawag ng Diyos?
1.   Patuloy na lumago sa personal na kabanalan.
a.) Pang araw-araw na panalangin at pagbabasa ng Biblia
b.) Pagiging matapat sa CFC Covenant
c.) Pagdalo sa mga programa ng paghubog sa CFC.
2.   Bumubuo ng malakas at matibay na kristianong pamilya at tahanan.
a.) An pamilya ang pangunahing antas ng lipunan, simbahan at bansa. ang kalagayan nito ang magiging batayan ng bansa na higit sa lahat.
c.) Maging liwanag ng inyong kapwa.
d.) Dalhin o isanib sa CFC Family ang inyong mga anak, tulad ng KFC, YFC, SFC.
3.   Makiisa sa gawaing evangelization.
a.) Ito ay pandaigdig na misyon ng CFC
b.) Bawat CFC member ay dapat na maging evangelist o tagapagpahayag. Dalhin ang iba o kapwa sa CFC upang matagpuan si Jesukristo.

D. CONCLUSION

1.   Isang malaking pribilehiyo kung nasaan tayo ngayon.
a.   Ang pagkakaroon ng personal na ugnayan kay Hesus at makasama sa iang masiglang kuminidad tulad ng CFC.
b.   Ito'y nagaganap hindi sa pansariling kahalagahan, kundi sa pamamagitan ng awa at biyaya ng Diyos.
c.   Dapat tayong tumugon na may kaluguran at kababaang-loob.
2.   Dapat tayong magpatuloy:
a.   Tingnan at asahan ang kinabukasan. Ang Panginoon ay patuloy na namamalagi sa buhay natin.
b.   Ibigay ang lahat para sa Diyos.
* Si Hesus ay isang malaking kayamanan na ating nakamit, katumbas ito na lahat nating kakayahan at kalakasan na mabuhay na buong-buo para sa kanya.
* Maging katulad ni San Pablo (Filipos 3:7-8, 12-14)
c.   Ipagbunyi natin si Hesus na ating Panginoong Diyos.







DEDICATION CEREMONY:

1.   Ipaliwanang ang commitment ceremony
2.   Anyayahan ang lahat na tumayo. Awitin ang "Here I Am Lord"
3.   Anyayahan ang bawat isa na basahin ang Covenant ng CFC. (Basahin ng Malakas at sabay-sabay).
4.   Pray-over na lahat ng itatalagang Bros. & Sis. anyayahan ang dating member na manalangin na kasabay ng leader. (Awitin ang Spirit of the Living God).
5.   Welcome the New Brethren to CFC at anyayahan ang old member na tanggapin at ipahiwatig ito sa pamamagitan ng palakpakan. Isunod ang pagbati and the "Welcome to the Family" and other lively songs.
6.   Fellowship follows.






























COUPLES FOR CHRIST
KASUNDUAN SA COUPLES FOR CHRIST

1. Sa tulong at paggabay ni Kristo:
Ÿ  Mananalangin ng labinlimang minuto man lamang araw-araw
Ÿ  Magbasa ng Bibliya labinglimang minuto man lang araw-araw
Ÿ  Palagiang makibahagi sa buhay pagsamba ng aking simbahan
Ÿ  Iwasan ang kasalanan at maling gawain
Ÿ  Isaayos ang aking sariling pamumuhay

2. Ilalaan ko ang aking pagtatag ng isang matibay na mag-anak para kay Kristo:
Ÿ  Magtataguyod ng isang palagiang pakikipagusap sa aking kabiyak at mga   anak linggu-linggo
Ÿ  Ipamuhay ang aking katungkulan bilang magulang
Ÿ  Manalangin kasama ang mag-anak araw-araw ay ipagdiwang ang Lord's Day.
Ÿ  Maglaan ng masaganang panahon para sa tahanan at pamilya sa mga gawain at pag-aliw.

3. Ilaan ko ang aking sarili sa paglilingkod sa Diyos
Ÿ  Magdala ng mga mag-asawahan para kay Kristo
Ÿ  Maglaan ng panahon upang maglingkod sa Couples For Christ kung saan man ako tinatawag maglingkod, at sundin ang mga panuntunan ng mga taong may pananagutan sa aking palilingkod.

4. Makikipag-ugnayan ako ng may pagmamahal at katapatan sa iba pang mga anak sa Couples For Christ.
Ÿ  Daluhan ang aking lingguhang pagtitipon bilang maliit na grupo at makipagtulungan upang magkaroon ng kaayusan ang pagtitipon
Ÿ  Tapat na daluhan ang lahat ng pagtitipon
Ÿ  Tumanggap ng iba pang mag-asawa na idinagdag ng Panginoon sa ating bilang.

5. Ako'y mag-aral at magpupunyagi na umunlad bilang kristiyano at sa ikauunawa at katuparan ng aking bokasyon bilang may-asawa.
Ÿ  Daluhan an mga kurso, retreats, pagsasanay at mga pulong ng CFC
Ÿ  Masigasig kong pag-aaralan ang lahat ng mga babasahin na ibinigay sa akin.

Tulungan nawa ako ng Panginoong Hesukristo na maipamuhay ang kasunduan ng Couples For Christ sa araw-araw para sa kanyang karangalan at kaluwalhatian at sa ikabubuti na aking mga kapatid.



___________________________
Pangalan at Lagda


Source: https://sites.google.com/site/cfclagunacentral1/system/app/pages/recentChanges

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...