Thursday, June 30, 2016

CHRISTIAN LIFE PROGRAM MODULE I EXPANDED OUTLINE (tagalog version)

CHRISTIAN LIFE PROGRAM

ORIENTATION SESSION

LAYUNIN: Upang ilahad ang pakikipag-ugnayan kay Hesus na siyang    tanging daan sa kabiguang taglay ng mundo ngayon na ihandog sa kinauukulan ang isang concretong paraan ng pagpasok sa ganitong pakikipagugnayan sa pamamagitan ng CLP na siyang tanging kalutasan sa nagaganap na pakikiisa sa Couples For Christ.

EXPANDED OUTLINE

A. INTRODUCTION

1.     Bakit nating pinagaaksayahan ng panahon at oras na salihan ang programang ito? Para sagutin ito, kailanangang bigyan natin ng pansin una, si Hesus kung bakit dumating dito sa mundo.

2.     Lucas 4: 16-21 - Ipinahayag ni Hesus ang kanyang misyon
a.     Ang pangakong kaligatasan ng Diyos ay nagkaroon ng kaganapan sa pamamagitan ni Hesus. Kanyang ibinalita ang paghahari ng Diyos. (Lucas 4:43)
b.    Ang kanyang misyon ay para sa lahat ang kanyang pagpapahayag ay walang oras. Ang pangako ay para sa ating lahat.

B. NAIINTINDIHAN BA NATIN ANG MENSAHE NI HESUS? PARA SA ATIN, PAPAANO NATIN TATANGGAPIN ANG KANYANG ALOK NA KALIGTASAN.
1.     Binanggit ni Hesus ang apat na uri ng tao; makikilala kaya natin ang ating sarili sa apat na ito?
a.     Ang Maralita - Itong yaong malayo ang buhay sa Diyos.
b.    Ang Bilanggo - Ito ay bilanggo sa maraming bagay, hangarin, at mithiin na walang tunay na kahalagahan. Tayo ay nagiging alipin ng salapi, ng kapangyarihan, trabaho, katuparan ng pangarap sa mundong ito na hinhangad ng bawat tao.
c.      Ang Bulag - Tayo ay nagiging bulag sa ating maling paghatol o pagpuna, pagmamalaki, maling pakilala sa sarili, maling kaisipan at hangarin. Malimit ay hindi natin nakikilala ang mga bagay na walang tunay na kahalagahan.
d.    Ang mga Api - Tayo ay api sa ating pagkaalipin sa maling ugnayan, sa pagkamuhi o pagkakunsinti, sa pagkagahaman at kawalan ng moralidad, sa negosyo, sa takot o pangamba, alalahanin, kawalan ng seguridad, alak, droga, pakikiapid o bawal na relasyon.
2. Ngunit dumating si Hesus na dala ang ating kaligtasan sa mga ganitong kalagayan.
a.     Nagdala siya ng kagalakan sa mga mahihirap, ang tunay na mahalaga ay ang Mabuting Balita ng kaligtasan at tunay na pakikipag-ugnayan sa Diyos.
b.    Kanyang ipinahahayag ang kalayaan ng mga Bilanggo. Mapalaya tayo ni Hesus sa ating pagka-bilanggo sa makamundong bagay na tunay na hindi mabahala.
c.      Nagbigay siya ng paningin sa mga bulag. Kay Hesus kailanman, tayo ay hindi mananatili sa kadiliman, makikita natin ang liwanag. (John 8:12)
d.    Pinahihintulutan Niya na ang mga api at aba ay makalaya. Tanging si Hesus ang makapagpapalaya sa ating pagkakagapos.

C. Ngunit ngayong tayo ay dumaranas ng kaligtasan na inaalok sa atin ni Hesus. Mayroon ba tayong maunlad na espiritualidad? Tayo ba ay namumuhay na malaya?

1.     Ano ang nakikita natin sa mundo ngayon?
a.     Mababang moralidad sa lahat ng antas ng lipunan.
b.    Mabilis na paghahalo-halo ng kasarian (e.g bakla/tomboy) ang paglayo o pagiwas ng tao sa paggawa ng tama at mabuti.
c.      Kawalan ng katapatan at paggawa ng kasakiman.
d.    Lubhang abala sa gawain, nawawalan ng panahon sa Diyos.
e.     Nakakabahalang pagkasira ng pamilya (paghihiwalay) dahilan sa kawalan o pagwawalang bahala sa pananagutan ng magasawa.
f.       Bulag na spiritualidad, nagbibigay halaga sa itinatag ng tao na religion at kulto.

2.  Bakit ang kristiano ay nag-aasal ng tulad nito sa makabagong daigdig?
a.     Ang dahilan ay kahirapang dulot ng pagbagsak ng ating economiya, kapag mahirap ang panahon ang tao ay humahanap ng matibay na bagay na makakatulong sa kanya;
  Panunuhol upang magwagi sa contrata.
  Alak, Drugs, bawal na relasyon sa sex upang matakpan ang kahirapan.
  Pagbaling sa occultismo para sa mabuting kapalaran.
b.    Ibang puntos sa kadahilanang panlipunan.
  Kung ang lahat ay gumagawa nito'y, o.k. lang
  Sa ating lipunan ngayon, may kulang sa hangaring moral para sa tamang-asal.
c.      Ngunit ang mga ito ay maaring bahagyang ituwid, sapagkat nakikita natin sa kasaysayan, lalo na noong unang simbahan kristiyano hindi nila ipinagpapalit ang kahalagahan ng kristianismo, kahit na sila ay nahaharap sa pagkabilanggo, sakit at kamatayan.
d.    Kaya ating maiisip na ang kristianismo na ating alam ngayon ay hindi na yaong katulad ng dating kristianismo na ating alam ngayon. Ang ating kristianismo ngayon ay kulang sa lakas at walang bisa.

D. Bakit kulang sa lakas ang ating spiritualidad bilang kristiyano? Naririto ang mga dahilan:

1.     Ang iba ay walang pagnanasa na isuko ang kasalanan.
a.     ang kasalanan sa buhay natin ay humaharang sa lakas ng DIyos.
b.    o kaya ay wala namang malubhang kasalanan, ngunit nabubuhay sa pamantayang kristianismo.

2.     Maaring mabuti ang isang tao, ngunit ang pagbabago para sa Panginoon ay hindi buong-buo. Maaring masiyahan tayo sa karanasang may pagkaemotional at hindi pinahihintulutan ang pagbabago na makaapekto ng husto sa pamamaraang kung papaano makakapag-isip, makapapamuhay, maka-kilos at makipag-ugnayan sa iba.

3.     Marami ang walang personal na pakikipagugnayan kay Hesus.
a.     Para sa maraming kristiano, si Hesus ay mahirap na maabot, Siya ay Diyos na nasa kalangitan.
b.    Ngunit para matanggap ang lakas ni Kristo, kailangan ang tuwirang pakikipag-ugnayan sa kanya. (Juan 15:5)

4.     May mga kristianong walang supporta at tulong.
a.     Tayo'y tinawag upang maging bahagi ng katawan, ang katawan ni Kristo. Kailangan natin ang pangangalaga at mabuting tulong ng iba upang maging tunay at mabuting kristiano.
b.    Ang mundo ay isang mapanganib na kapaligiran para sa mga kristiano, madali para sa atin ang gayahin o angkinin ang mahalagang bagay na ito.

5.     May mga Kristianong hindi nabubuhay sa lakas ng Espiritu Santo.
a.     Naniniwala tayo sa Santisima Trinidad at alam natin ang tungkol sa Ama at sa Anak, ngunit maraming kristiano ay hindi alam ang tungkol sa espiritu o hindi nauunawaan ang gampanin nito.
  ipinahayag ni Hesus ang kahalagahan ng Espiritu Santo (Juan 16:7-8)
Bago siya umakyat sa langit, sinabi ni Hesus sa mga desipulo na maghintay ng lakas buhat sa Itaas. (Lucas 24:49)
Ang lakas na ito ay ibibigay sa pagbaba ng Espiritu Santo sa kanila (Gawa 1:8)
b.    Ang Espiritu Santo ay dumating noong araw ng Pentecostes.
Ang mga desipulo ay tumapang at lumakas. Lumaganap ang Kristianismo at sa loob ng dalawang centuries ang buong emperio Romano ay naging Kristiano.
c. Ito ang lakas ng Espiritu Santo na kumikilos, ang katulad na lakas espiritual na nakalaan para sa atin.

E. Ano ngayon ang ating gagawin, sa ganitong katayuan?

1.     Sa pagsisimula, unawain natin na tayo ay hindi para sa daigdig na ito kundi para sa matayog na buhay sa piling ng Diyos.
a.     Ang pagtigil natin sa daigdig na ito ay pansamantala lamang, ang ating tunay na pagka-mamamayan ay sa langit (Phil. 3:20)
b.    Kung ngayon, kailangang huwag nating ibuhos ang ating sarili sa daigdig na ito, kundi sa kabilang buhay.

2.     Alamin natin sa ating sarili ang inihahandog ni Hesus sa atin. Huwag nating palampasin ito. Kailangang tayo ngayon ay magtiwala sa Kanya at sumampalataya at malaman na ang Panginoon ay patuloy na nag-aanyaya sa atin. (Rev. 3:20)

3.     Sa kabuuan, ano ang inyong pagka-unawa sa paanyayang ito ang Panginoon sa inyo?
a.     Nais ng Panginoon na ialok sa inyo ang personal, matibay na pagpapahayag ng katotohan sa patuloy na daloy sa inyong buhay.
b.    Ang unang hakbang ay lumahok sa CLP na ito.
  Ang CLP ay may tatlong modules na may apat na session sa bawat modules.
  Hindi naman na kailangang icommit ninyo ang sarili sa buong CLP, ngunit kailangang daluhan ang bawat session.
c.      Pagkatapos ng CLP, kayo ay aanyayahan na lumahok sa CFC upang patuloy na makamit ang tulong para sa inyong Kristianong pamumuhay.
d.    Ang lahat ng ito ay maghahatid sa atin sa landas na patungo sa kalayaang espiritual na may lakas at matatag na Kristianong pamumuhay.

























MODULE I "B"

MGA PANGUNAHING KATOTOHANAN NG KRISTIANIDAD

1.     Ang pagmamahal ng Diyos
2.     Sino si Hesukristo
3.     Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Isang Kristiyano
4.     Ang pagsisisi at Ang Pananampalataya

UNANG SESYON: ANG PAGMAMAHAL NG DIYOS (GODS LOVE)

Layunin: Maipahayg sa mga kalahok sa seminar ang katotohanan ng pagmamahal at plano ng Diyos sa sangkatauhan, mapabaling sila sa panginoon at magising ang kanilang pananampalataya.

Pinahabang Balangkas ng Paglalahad.

I. Ang makabagong mundo ay nasa magulo at gusot na kalagayan.

A.  Mayroon bang plano ang Panginoon upang maialis tayo sa kaguluhang ito. Oo, mayroon. At upang maintindihan nating mabuti ang plano ng ating Panginoon, kinakailangan tayong bumalik sa kasaysayan ng paglilikha sa mundo na nasa Genesis.

1.     Kung ano man ang ilikha ng Panginoon ay mabuti at kasiya-siya (Genesis 1:31).
2.     Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang larawan. Lumalang Siya ng isang lalaki at isang babae (Gen. 1:27).
3.     Nilalang ang tao upang magkaroon ng ugnayang personal sa Diyos (Gen. 3:8-9).

B.  Ano ba ang Plano o Panukala ng Diyos?

1.     Noong nagkasala si Adan at si Eva, kinakailangang parusahan sila ng Diyos ngunit hindi sila basta pinabayaan ng Diyos. "Ang mag-asawa'y binigyan ni Yaweh ng mga damit na yari sa balat ng hayop" (Gen. 3:21). At ang Diyos ay nagbitiw ng isang pangako sa kanila, sinabi niya sa ahas "kayo ng babae ay laging mag-aaway. Binhi mo at binhi niya'y laging maglalaban. Ito ang dudurog ng ulo mong iyan. At ang sakong niya'y ikaw ang tutuklao." (Gen. 3:15)

2.     Ang sangkatauhan ay nagkasala muli sa pamamagitan ng pagpatay ni Cain sa kanyang kapatid na si Abel. Makikita nating muli na ng siya ay parusahan ng Diyos, siya rin ay binigyan ng palatandaan upang siya ay hindi patayin. (Gen. 4:15)

3.     Kapag nagpatuloy pa tayo sa pagbabasa ng Genesis, makikita natin na tuwing paparusahan ng Diyos ang sangkatauhan, binibigyan din niya ito ng biyaya upang maligtas. Halimbawa, noong nagpadala siya ng baha dahil sa kasamaan ng tao, pinagawa naman niya si Noe ng isang Daong upang maligtas ang mga mabubuti at mga makatarungan.

4.     Ganoon din ang mapapansin natin sa mga pangyayari matapos parusahan ng Diyos ang mga nagtayo ng Tore ng Babel. Tinawag ng Diyos si Abraham at inumpisahan niya ang kanyang plano o panukala sa pagligtas sa sangkatauhan.

5.     Sa mga nakaraan na halimbawa, makikita natin na mahal na mahal ng Panginoon ang sangkatauhan. Kitang-kita natin na hinding-hindi niya pababayaang nag-iisa ang tao. Na gusto niyang ibalik ang tao sa kanya sa isang personal na ugnayan. Sabi nga sa Epeso 1:9-10 "Upang lubos nating maunawan ang kanyang lihim na panukala na isasakatuparan sa pamamagitan ni Kristo pagdating ng takdang panahon. Ang panukalang ito ay pag-iisahin kay Kristo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa."

Ito ang plano o panukala ng Diyos. Ang kanyang pagpapahayg sa atin ng kanyang pagmamahal. Maari ba nating madama o maranasan ang kanyang pagmamahal sa ngayon, sa mga panahong ito? (Kailangang ibahagi ng tagapagsalita ang kanyang karanasan sa pagmamahal ng Diyos sa kanyang personal na buhay.)

6.     Marami ang nagsasabi na ang mga nakaraan na halimbawa ay hindi nangyayari sa tunay na buhay pagkat ang katunayan ay ang mga gulong nangyayari ang mga sakit ang paghihirap, ang kawalang katarungan na humaharap sa atin sa araw-araw ng ating buhay. Ngunit hindi ganito ang kagustuhan ng Diyos. Gusto niyang maging mapayapa at makatarungan ang mundo. Gusto niyang tayo ay maging maligaya at ng siya ang maghari rito sa mundo.

II. Ano ang kalagayan o Situasyon ng Mundo Ngayon?

Ang mundo ngayon ay magulo, may mga digmaan, kahirapan, kawalang katarungan, patayan, hindi lamang ng matatanda ngunit pati na rin ng mga sanggol (Abortion). Makikita rin natin ang mga personal na problema tulad ng takot, kawalang pagtitiwala atbp. lahat ay nagkakaisa na kailangang mabago ang situasyon o kalagayan ng ating mundo. Narito ang mga ilang halimbawa.

  Sa larangan ng panggagamot - ang ultra sound ay isang bagay na inilikha o inimbento para sa kabutihan tulad ng pageksamen sa mga buntis. Ito ay ginagamit ding paraan ng pagpapa-agas o "pagpapalaglag". Para bagang ang tao yata ay hindi maaaring mapagkatiwalaang gamitin sa mabuti o sa tama lamang ang biyaya ng dunong na ibinigay sa atin ng Diyos.
  Napakarami na ang kaalaman ng sangkatauhan tungkol sa pagpapalaganap ng pananim o ang mga makabagong paraan ng produksiyon ngunit napakarami pa rin ang nagugutom sa mundo. Mga buong bayan ay nagugutom. Mukhang hindi pa natututong makibahagi ang karamihan. Napakarami pa rin ang mga tanggap lang ng tanggap ng mga biyaya ng Diyos ngunit hindi marunong ibahagi ito sa iba.
  Marami rin ang mga nagmumungkahi ng kung ano-anong solusyon o sagot sa mga problema ng mundo. Ang iba ay nagmumungkahi ng mga relihiyong gawagawa lamang ng tao tulad ng TM o Marxismo. Ang mga ito ay hindi nagtatagumpay sapagkat ang mga ito ay base lamang sa dunong ng tao. Ang kailangan natin ay ang isipin o kaalaman ng Diyos. Sabi nga sa Isaiah 55:8-9 "Ang wika ni Yaweh ang aking isipa'y di ninyo isipan, ay magkaiba ang ating daan. Kung paanong ang langit higit na mataas, mataas sa lupa, ang daa't isip ko'y hindi maaabot ng inyong akala."

III. Kailangan natin ang Panginoon ng Diyos. Ano ba ang sinabi ng Diyos?

a.     Sinabi sa Banal na Kasulatan na tayo ay hindi lamang kontrolado ng kasamaan sa lipunan o ng kasamaan ng ating sarili bilang makasalanang tao. Sa kabila ng lahat ng ito ay ang isang mas malaking bagay na hindi nating kayang bunuin sa sarili lamang. Si Satanas ang nagpapatakbo o nagpapalakas ng kasamaan sa mundo. Sabi nga ni San Pablo sa mga taga Efeso 6:12 "Sapagkat ang kalaban nati'y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan, at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa sanlibutang ito-ang mga hukbong espiritual ng kasamaan sa himpapawid."                         (Huwag nating kalimutan, na tayo bilang taong makasalanan ay may kagagawan rin sa kasamaan sa lipunan.)
b.    Sinabi ng Panginoon na sa lahat ng ating mga gawain na hindi siya kasama o katuwang ang mga ito ay hindi magtatagumpay. Hindi nating kayang lumaban sa kasamaan ng nag-iisa. Kailangan natin siya. Sabi nga sa Ebanghelyo ni San Juan 15:5 "Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin." (Kung maaaring, ang tagapagsalita ay dapat magbahagi ng kanyang karanasan tungkol sa pagtulong ng Diyos, lalong lalo na sa isang pagkakataon ng kawalan ng pag-asa.
c.      Ang ating Diyos ay hindi malayo o walang bahala sa atin. Siya ay isang Diyos na mapagmahal at interesado sa mga detalye ng ating buhay. Siya rin ay interesadong magkaroon ng personal na ugnayan sa atin. Sabi ng sa Mateo 11:28-30 "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin, ako'y maamo at mababang loob at makasusumpung kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawa dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibinigay ko sa inyo."

IV. Ang Paanyaya ng Panginoon ay naghihintay ng ating kasagutan

Tayo ay tunay na mahal ng Panginoon pagkat ang naisin niya ay maibalik tayong lahat sa dating ugnayan ng tao sa Diyos gaya ng ugnayan ni Adan at ni Eva sa ating Panginoon.

Ngunit itong kanyang plano o panukala ay mahigpit na hinahadlangan ng kasamaan. Ang hadlang na ito ay walang iba kundi ang demonyo. Sabi nga sa unang sulat ni Juan (1 Juan 5"19) "Alam nating tayo'y anak ng Diyos, ay ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng diyablo.

Ipinahayag ng Diyos sa atin ang kanyang plano para sa atin at inaanyayahan niya tayong makipag-ugnayan. Ano ang ating gagawin? Ang pagpili ay nasa atin.

Ang mamuhay sa kaharian ng dilim at pagka-alipin ni satanas.
 O ang mamuhay at manirahan sa kaharian ng Diyos, ng liwanag. Isang uri ng pamumuhay na malaya, marangal, mapayapa at maligaya. Lahat ng ito ay maaaring mangyari pagkat ipinadama ng Panginoong Diyos ang kanyang bugtong na anak, na si Hesukristo upang iligtas tayong lahat sa kadiliman at kay satanas.
Tayong mga katolikong  kristiyano ay naniniwala na ang Diyos mismo, sa katauhan ni Kristo, ang bumaba dito sa lupa, namuhay at nanirahan sa sanlibutan, inihandog ang kanyang sariling buhay sa pagiging isang martir na ipinako sa krus upang kanyang maibalik ang tao sa ugnayan sa Panginoon. Ito ay isang kagilagilalas na katotohanan. (Juan 3:16)
 Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Ang kaligtasan ay posible na. Tagumpay at kaligtasan kay satanas. Ang kailangan lamang ay tanggapin natin ito bilang isang regalong galing sa ating Panginoon Diyos.

Sabi nga ni San Pablo sa mga Romano 10:9 "Kung ipahahayag ng inyong mga labi na si Jesus ay Panginoon at manalig ka nang buong puso na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka."

Ang kaligtasan ay higit pa sa ating pagpunta sa langit balang araw. Ang kaligtasan ay isang uri ng pamumuhay dito sa lupa. Isang uri ng pamumuhay na alinsunod sa plano ng Panginoon, kung saan nararanasan natin na siya ay laging nariyan at laging nakahandang tumulong sa atin. Lagi nating kasama. Makikita natin na habang lumalalim ang ating personal na ugnayan sa kanya, higit nating mararamdaman ang kanyang.

V. Mga huling pananalita

A.  Ng si Hesukristo ay nagsasalita sa kanyang mga disipulo, marami ang mga lumayo sa kanya dahil di nila maarok at malulon ang katotohanan ng iba sa kanyang mga turo. Kagaya ng mababasa natin sa Juan 6:60 "Narinig ito ng kanyang mga alagad at marami sa kanila ang nasabi mabigat na pananalita ito, sino ang makatatanggap nito?"

Ang sabi naman sa Juan 6:66-69 Mula noo'y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya. Kaya't itinanong ni Hesus sa labing-dalawa. "Ibig din ba ninyong umalis?" Sumagot si Simon Pedro, Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Naniwala kami at ngayo'y natitiyak naming kayo ang banal na Diyos.

1.     Marami ang nagsasabi na ang demonyo ay likha lamang ng isip o kaya'y isang pamaihin ngunit sinabi ni Papa Pablo VI na ang isang napakaimportanteng kailangan natin sa panahon na ito ay proteksyon kay satanas.

2.     Marami rin ang nagsasabi na ang mga kasalanan ay mga regulasyong katha lamang ng tao, na sa mga panahong ito wala ng "kasalanan" Kung ganoon, na wala ng kasalanan di sino ang nangangailangan tagapagligtas? Di sino ang nangangailangan kay Kristo? Wala bang kabuluhan ang kanyang pagparito.?
3.     Marami din namang hindi naniniwala na si Hesukristo ay Diyos (ibibigay namin sa inyo ang sagot dito sa isang linggo) Ang pamimili ay nasasainyo. Kayo ba ay magpapatuloy pakinggan at pag-aralan ang plano ng Diyos para sa atin?

Ipagpatuloy ba ninyo, nang kasama kami ang paghahanap ng mga kasagutan dito at kung papaano mababago maiiba ng pagmamahal ng Diyos ang ating buhay ngayon?
O lalayo rin ba tayo tulad ng mga disipulo sa Juan 6:66-69?

Mga Tanong:

1.     Ibahagi sa inyong mga kasama sa munting bukluran kung papano kayo napasama dito sa seminar na ito. Umpisahan ito sa pamamagitan ng maikling pagpapakilala ng sarili.
2.     Kung mayroon pang panahon magbahagi ng isang pagkakataon sa inyong buhay kung saan nakaramdam kayo ng pagmamahal ng Diyos.

Mga Escripturang Pang araw-araw.

1.     Araw, Isias 55:8-9
2.     Araw, Juan 15:5
3.     Araw, Isaias 48:17
4.     Araw, Jeremias 29:11
5.     Araw, Mat. 11:28-30
6.     Araw, Juan 3:16
7.     Araw, Efeso 1:9-10






    
















MGA PANGUNAHING KATOTOHANAN NG KRISTIANIDAD

1.     Ang pagmamahal ng Diyos
2.     Sino si Hesukristo
3.     Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Isang Kristiyano
4.     Ang pagsisisi at Ang Pananampalataya

IKALAWA SESYON: SINO SI HESUKRISTO (WHO IS JESUS CHRIST)

PINAHABANG BALANGKAS

I. Introduksiyon

Sapagkat tayo ay mga ipingaanak nang katolikong kristiyano naipapagwalang bahala natin ang ating paniniwala o ang turo sa atin na si Hesus ay ang siyang kaisa-isang anak ng Diyos. Ngunit bukod dito sa ating paniniwala, si Hesus ba ay talagang dapat bigyang pansin? Mayroon bang dahilan kung bakit hindi natin siya maaring ihambing sa mga ibang maestro tungkol sa moralidad o ibang relihiyon kaya gaya sa kanila? Papaano nating masasabi na siya ay iba kaysa sa mga nagsasabi na sila ay sugo o galing sa Diyos o di kaya sila ay may mga dalang mensaheng galing sa Diyos?

II. Si Hesuskristo sa kasaysayan ng Mundo.

A.  Kung susundin lamang natin ang mga tuntunin ng kasaysayan ng mundo, ang taong ito (si Kristo) ay dapat na kalimutan na o lumipas na. Siya ay isang karpintero. Tatlong taon siyang naging isang palibot-libot na nangangaral (Preacher). Higit sa isang daang kilometro buhat sa kanyang pinanganakan at ni hindi siya nakatapak sa kahit na isang lungsod na mayroong mahigit sa limampung-libo katao. Sa loob lamang ng tatlong taon, siya ay namatay na. Siya ay ipinako sa krus bilang parusa sa kanyang pangugulo at diumanong pagtangkang mag-umpisa ng isang rebolusyon. Ngunit hindi ito ang nangyari. Siya ngayon ang pinakatanyag, pinakakilala at pinakamamahal na taong nakatungtong sa balat ng lupa.
B.    Walang ibang taong makadadaig sa kanyang nagawa sa kilos, kaisipan at gawain ng buong sangkatauhan.

1.     Siya ay ibinalitang darating mula noong unang panahon pa (lumang tipan)
2.     Siya naman ay dumating, nagimbal niya ang buong mundo kung kaya't dahil nga sa bunga ng kanyang mga nasabi at nagawa, nahati ang panahon at kasaysayan ng mundo sa dalawa. B.C. (Bago kay Kristo) at A.D. (Pagkamatay ni Kristo).
3.     Ang bawa't nilalang ay ipinanganak o isinilang upang mabuhay sa mundo. Ang Panginoong Hesukristo ay isinilang upang mamatay. Ang kanyang kamatayan ay siyang pinakalayunin at katuparan ng kanyang buhay.

III. Sino ba Siya?

A.  Mga Popular o laganap ng Maling Akala tungkol sa Kanya.
1.     Na Siya ay isang superstar (na hindi malaman kung sino Siya)
2.     Na Siya ay isang sosyo-political na rebolusyonaryo.
3.     Na Siya ay isang tanyag na guro o mangagaral
4.     Na Siya ay lider ng isang relihiyon.

B.    Ano ba ang Kanyang mga sinasabi tungkol sa Kanyang sarili?
1.     Sa Mateo 28:18 sinabi Niya na Siya "ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa".
2.     Siya ay nagpatawad ng kasalanan. Isang bagay na ang Diyos lamang ang nakagagawa. (Marcos 2:5-7)
3.     Siya ay nagbibigay buhay tulad ng Diyos. (Juan 5:21-23,18)
4.     Siya ang hahatol sa mundo (Mateo 25:31, Mk. 14:61-62
5.     Diretsahan Niyang sinabi na Siya ang Diyos. Ginamit niya ang pangalang ginamit ni Yahweh ng tinukoy Niya na Siya ang Diyos (" I AM-Ako ay ako nga!) Juan 8:58, Juan 10:30 at Juan 14:8-9)
6.     Tinanggap Niya ang bati sa Kanya ni Santo Tomas sa (Juan 20:28) "Panginoon ko at Diyos ko".

C.   Ang mga sinabi ng Panginoong Hesukristo tungkol sa kanya ay sumasalungat sa mga laganap na maling akala tungkol sa kanya.
1.     Wala siyang problema sa kasarilinan (Identity crisis). Alam niya at natitiyak niya kung sino siya.
2.     Hindi siya isang nanggugulong rebolusiyonaryo kundi ang Panginoon ng buong kasaysayan ng mundo na dumating upang hatulan ang lahat.
3.     Hindi siya tulad ng mga ibang nangangaral, guro o di kaya lider ng mga ibang relihiyong gawa-gawa o likha ng tao.

IV. Ano ang sagot natin sa Kanyang mga ginawa't sinabi?

A.  Ang kanyang naging buhay at ang Kanyang mga sinabi ay nangangailangan ng ating sagot.
1.     Kung siya ay hindi nga ang Kanyang sinabi tungkol sa Kanyang sarili oh, di hindi man lang siya isang mabuting tao, sapagkat ang isang mabuting tao ay hindi sinungaling.
2.     Kung hindi siya ang Panginoon Diyos, gaya ng Kanyang sinabi kakailanganin nating tawagin Siyang isang baliw dahilan sa Kanyang mga binitiwang pananalita.
3.     Lahat ang mga taong Kanyang nakatagpo ay nangailangang harapin ang sinabi niyang ito "kaya sinabi Ko sa iyo na namamatay kayo sa inyong mga kasalanan kung hindi kayo maniniwalang AKO'Y si AKO NGA".
B.    Pinatunayan at Pinatibayan ba ng Panginoong Diyos ang mga sinasabi ni Hesukristo? Oo.
1.     Sa himala ng muling pagbuhay kay Lazaro. (Juan 11:41-42) "Ama napapasalamat ako sa iyo sapagkat dininig mo ako".
2.     Sa pahayag ni San Pedro (2 Pedro 1:16-18)
3.     Ang paghihikayat na katibayan dito ay ang kanyang muling pagkabuhay. Ang lahat ng mga sinasabing makapangyarihang tao ay nangaroroon sa kani-kanilang libingan at sila nga ay nakalibing doon. Ang ating Panginoong Hesukristo ay wala sa kanyang pinaglibingan.
C.   Humihingi ng sagot ang ating Panginoon sa atin. Ang kanyang iniaalay o inihahandog sa atin ay isang personal na ugnayan. Maari tayong mag-umpisang hanapin siya at hilingin sa kanya na ipakilala sa atin ang kanyang sarili.

Ang sabi nga sa aklat ni Jeremiyas 29:12-13 "Kayo'y tatawag, lalapit at dadalangin sa akin, at diringgin ko naman kayo. Ako'y hahanapin niyo'y masusumpungan kung buong puso ninyo akong hahanapin."
(tapusin ang pangalawang sesyong ito sa pamamagitan ng pagbabahagi kung papaano naimpluwensiyahan ng Panginoong Hesukristo ang buhay ng speaker o tagapagsalita.)

Tanong Pang-talakayan

1.     Nakadama ka na ba minsan ng isang personal na ugnayan sa Panginoonng Hesukristo?
2.     Pabubulaanan mo ba o ipagtanggol ang mga sinabi ni Hesukristo na Siya ang Diyos?

Eskripturang Pang-araw-araw:
1.     Mateo 28:18
2.     Marcos 2:5-7
3.     Juan 5:21-23; Marcos 14:61-62
4.     Mat. 25:31; Marc 14:61-62 (uulitin)
5.     Juan 8:51-58
6.     Juan 11:41-42
7.     2 Pedro 1:12-18
























MODYUL I

MGA PANGUNAHING KATOTOHANAN NG KRISTIYANIDAD

1.     Ang Pagmamahal ng Diyos
2.     Sino si Hesukristo
3.     Ano ang kahulugang ng pagiging isang Kristiyano?
4.     Pagsisisi at Pananampalataya

Pangatlong Sesyon: ANO ANG KAHULUGAN NG PAGIGING ISANG KRISTIYANO?

Layunin: Upang pukawan nang sigla (bigyan ng inspirasyon) ang sangbayanan ng mamuhay sa pamantayan o panukalang inilahad ng Panginoon para sa kanyang mga alagad.

Pinahabang balangkas ng paglalahad

I. Mga maling pag-aakala at Haka-haka tungkol sa Kristiyanidad.

A.  Na ang kristiyanidad ay isang pamamaraan lamang ng pananampalataya na binubuo ng:

1.     Mga nakatakdang doctrinang pinaniniwalaan gaya ng credo ng mga apostoles. Mga bagay na pangkatalinuhan lamang.
2.     Mga nakatakdang gawaing relihiyoso. Gayon ng Pagnonobena, rosaryo o prusisyon.
3.     Mga pag-aaral o ang pagbabasa ng tungkol sa Diyos.
4.     Mga iba-ibang gawaing para sa Diyos.
B.    Na ang kristiyanidad ay isang nararapat o marangal na pamamaraan ng paggawa o pag-iisip lamang.
1.     Mga nakatakdang dapat o hindi dapat na gawin. Tama o Maling gawain o kaya ay mga nakatakdang tuntunin o regulasyon
2.     Mga gawain upang maiwasan ang pagpunta sa impiryerno.
C.   Na ang kristiyanidad ay isang panglipunan (social) o makataong (humanitarian) pamamaraan ng paggawa o pag-iisip lamang.

1.     Pagpantay o paghambing ng kristiyanidad sa pagiging makatao.
2.     Na ang isang kristiyano ay isang taong mabait, magalang, laging naakangiti, nakikipagkaibigan hinding hindi nagagalit at pinagbibigyan ang lahat.
D.  Na ang Kristiyanidad ay isang uri na pagtakas o pag-iwas sa mga katunayan o hirap ng buhay. Isang opyo ng mahihirap at mga nalulumbat at walang pag-asa.
II. Ano ba ang Kristiyanidad?

A.  Ang esensiya o kakayahan ng kristiyanidad ay pagkakaisa sa Diyos o pakiki-isa sa Diyos, na nagawa o naging posible sa pamamagitan ng pagkamatay at muling pagkabuhay ng panginoon. (Efeso 2:16)

Tayo ay nagiging mga kristiyano nang dahilan sa ating pagmamahal at personal na ugnayan sa Panginoong Diyos. Ang ating buong buhay at pamumuhay ay ang nagiging pahayag ng ugnayang ito.

B.    Mga mahalagang katotohanan tungkol sa kristiyanidad.
1.     Ito ay isang ugnayang inumpisahan ng Panginoong Diyos, hindi ng tao (Efeso 2:8) (1 John 4:10)
2.     Sa kristiyanidad, tayo ay nakikibahagi sa buhay ng Panginoon. Tayo ay nagiging mga bagong nilikha o likhain. (Gal. 2:20)
-Tayo ay pumasok sa isang ugnayang tulad ng kay Hesukristo sa kanyang Ama. Ang ating kasarilihan (identity) ay nagbabago. Tayo ay nagiging mga anak ng Diyos. (Gal 4:4-7)
-Tayo ay nakikibahagi sa buhay na walang hanggan ni Hesukristo. Ang ating buhay ay hindi na nagwawakas sa kamatayang mortal (Rev. 21:1-4)

III. Mga may kagamitang Dalawit (Practical Implications) ng pagiging isang Kristiyano) Bilang mga Kristiyano

1.     Maaari nating mapagkatiwalaan ang Diyos na ating Ama (Mateo 7:9-11) Kung siya ang ating Ama, maari tayong magtiwala ng lubos sa kanya sapagkat Siya ay may panukala o plano sa bawat isa sa atin. Planong mabuti para sa atin. Hindi na tayo makakahingi ng higit pa riyan. (Jeremias 29:11-13)
2.     Hindi na tayo dapat pang mabalisa. (Lukas 12:22-31) Alam Niya ang ating mga kinakailangan
3.     Tayong lahat ay magkakapatid. Iisa ang ating Amang nasa langit.
4.     Kinakailangan tayong humanap ng mga bagay-bagay na magpapayaman sa ating magiging buhay na walang hanggan. Hindi para sa mga bagay na magpapayaman sa atin dito sa lupa. (Luk. 12;16-21) (Phil. 3:8; 3:14-16; 3:20-21).

IV. Katapusan

Paano nating malalamang ang lahat ng ito ay pawang mga katotohanan? Pagkat ang lahat ng ito ay sinabi at ipinahayag ng Diyos. Kung hindi nating paniniwalaan ang kanyang mga sinabi, sinasabi nating siya ay isang sinungaling. Ang Diyos kailan ma'y hindi nagsisinungaling. Ang salita ng Diyos ay dapat paniwalaan at pagkatiwalaan. Upang ipakita ito sa kanya, kinakailangan nating ihabilin ang ating buong buhay at pamumuhay sa kanyang mga kamay. Kapag ginawa natin ito, mararanasan natin sa unang pagkakataon marahil, ang kamangha-mangha niyang kapayapaan sa inyong buhay at sa inyong sambahayan.

V. Ang Hamon:

Ang isang kristiyano ay isang taong nagbigay ng kanyang buong buhay sa Diyos at namumuhay nang para sa Diyos at sa kanyang panukala sa pamamagitan ng Kalooban (will) ng Panginoong Hesukristo.

Gayun din, ang pagiging isang kristiyano ay ang paglalaan ng ating buhay sa paninilbi o serbisyo sa kapwa at sa Diyos. Nakahanda ka bang maging isang tunay na kristiyano.

Tanong Pang Talakayan:

1.     Sa tingin mo, alin sa mga binaggit na mga maling pag-aakala tungkol sa pagiging isang kristiyano ang masasabing dati mong paniniwala? Ibahagi ito.
2.     Ano sa tingin mo ang nararapat mong gawin upang maiba o mapatuwid ang iyong pagtanaw o impresyon sa pagiging isang kristiyano?

Mga Escripturang pang araw-araw

1.     2 Cor. 5:7
2.     Gal. 2:22
3.     1 John 3:1-2
4.     Gal. 4:4-6
5.     Mat. 7:7-11
6.     Luk. 11:5-13
7.     Rom. 8:28-39






























MODYUL 1

MGA PANGUNAHING KATOTOHANAN NG KRISTIYANIDAD

1.     Ang pagmamahal ng Diyos
2.     Sino si Hesukristo
3.     Ano ang kahulugan ng pagiging Isang Kristiyano
4.     Ang pagsisisi at ang pananampalataya

Pang-apat na sesyon: ANG PAGSISISI AT ANGPANANAMPALATAYA

Layunin: Upang turuan at tulungan ang mga taong magsisi sa kanilang mga kasalanan at tumungo sa Panginoon may pananampalataya.

Pinahahabang Balangkas ng Paglalahad

I. Introduksiyon

A.  Sa nakaraang sesyon, ipinaliwanag na ang pagiging isang kristiyano ay sinimulan ng Diyos. Hindi ng tao. Ito'y galing sa kanyang kaisipan at mayroon siyang mga pamantayan kung papaano dapat isabuhay ang kristiyanidad.
B.    Inaanyayahan niya tayo at kinakailangan nating sagutin ito ng malaya hindi sapilitan. Ngunit ang ating sagot ay nangangailangang dalawang bagay Marcos 1:14-15

1.     Pagsisi-talikdan ang mga kasalanan
2.     Maniwala sa Mabuting Balita-manampalataya sa Kanya at sa Kanyang mga Mensahe.

II. Ang Magkatuwang na kasagutan.

A.  Ang pagsisisi at ang Pananampalataya ay laging magkasama. Ang magsisi o ang ayusin ang ating pamumuhay ay hindi sapat na kasagutan sa paanyaya ng Panginoon. Kailangan din nating maniwala sa Kanya, sa Kanyang panukala at sa Kanyang mga pangako. Sa kabilang dako naman, ang maniwala lamang sa Kanya ng walang ginagawa upang maisaayos ang ating buhay upang tayo ay maging kasiya-siya para sa Panginoon, ay hindi rin sapat. Kinakailangang gawin natin ang dalawa. Magsisi at maniwala.

B.    Ang Pagsisisi
1.     Sa salitang Greco, ito ay METANOLA, ang ibig sabihin ay pagpalit ng isip. Ang tinutukoy nito ay ang pagpalit ng direksyon. Direksyon ng ating buhay. Pagbibitiw o pagtalikod sa mga dating gawain o mga pinaniniwalaang mga kahalagahan (values). Isang pagpalit ng puso't diwa; pag-iisip at gawain; mga saloobin (attitudes) mga hangarin; o pag-aasal.
2.     Ang lalong tiyak na kahulugan ng pagsisisi ay ang pagtalikod sa kasamaan, kasalanan, masamang gawain at sa pagpapatakbo ng sariling buhay sa gusto nating paraan. At sa halip ay maging masunurin sa Diyos at ilagay o iluklok si Kristo bilang hari ng ating buhay. Maisasama dito ang paghinto sa pagdadalawang isip at pagiging malahininga (hindi malamig at hindi mainit) o ang pagwawalang halaga sa mga responsibilidad ng isang kristiyano.
3.     Isang napakalaking maling pag-aakala. Marami sa atin ang nalilito sa dalawang bagay na ito. Ang pagdadalamhati ng dahil sa mga naging bunga ng pagkakasala at ang pagdadalamhati ng dahil sa pagkakasala. Napakarami sa atin ang nagdadalamhati dahil sa kanyang sasagutin ng dahil sa kanyang nagawa ngunit kung malulusutan nya ito, gagawin muli ang kasalanan. Ang tunay na pagsisisi ay pagdadalamhati sa pagkakasala. Ang kapuutan ang kasalanan.

Isang mahalagang punto:

Ang pagsisi ay hindi isang pakiramdam, kundi isang pinag-isipang kapasiyahan na tanggapin ang katarungan ng Diyos; ilagak ito sa sariling pamumuhay at taggihan ang lahat ng salungat dito.

4. Ano ang kinakailangan nating gawin?

a) Kailangan tayong maging tapat sa sarili. Aminin natin na tayo ay     makasalanan at nagkasala. Harapin natin ng tunay ang kasalanan.  Huwag natin itong tawaging mga "karanasang pinagdaraanan".

b) Maging mapagkumbaba. maging handang magpalit ng buhay at              tumanggap ng tulong ng panginoon upang magawa ito. Huwag             nating akalaing magagawa natin ito ng mag-isa.

k) Itakwil ang kasalanan. Talikuran ng kusa ang mga pagkakasala at
    magpasya na hindi na ito uulitin. Magagawa natin ito kung                  magpapatulong tayo sa panginoon.

  d) Humingi ng tawad sa diyos. (1 Juan 1:9)

5. Mga kasalanang kinakailangang itakwil.

Ito yong mga malalaking kasalanang hindi tugon sa isang ugnayan sa panginoon. Hindi ito gaya ng masasamang kaugalian lamang tulad ng kabastusan o kasungitan.

          a) Mga relihiyong hindi kristyano.
          b) Spiritwalismo, mga kahiwagaan o alinuwangan, pangkukulam.
          k) Ang pakikipagtalik sa labas ng matrimonyo, pakikiapid, lantarang                   balakiran.
          d) Pagpatay ng kapwa, pagnanakaw, panlilinlang, pagsisinungaling,                   paninira ng kapwa.
          e) Panlalasing (hindi pakikipag-inuman ng paminsan-minsan kundi                   paglalasing). Ang pagdadrags. Pagiging isang "drug addict" o                        kaalipnan sa drugs.

Kung mayroon sa mga kalahok ng kahit isa sa mga ito, makabubuting sabihin ito sa namumuno sa seminar upang maituro o mabigyan ng payo kung papaano ito maialis. Alalahaning hindi yoon kahihiyan o sama ng pakiramdam ang importante dito. Ang mahalaga ay maitakwil at mahinto ang mga gawaing ito.
Ang pagsisisi ay naging lubos lamang kung hinihinto ang masamang gawaing dulot nito at tinatanggap si Hesukristo bilang Panginoon. Kinakailangang pabayaan natin siyang maging tagapamahala ng ating buhay. Ang pagtanggap sa kanya ay nangangailangan ng pananampalataya. Upang lalong magawa ito, makabubuti kung tayo ay mangumpisal upang matanggap natin ang sakramento ng rekonsilyanisiyon.

K) Ang pananampalataya.

1.     Ano ba ang pananampalataya ay hindi lamang paniniwala sa ating isipan na si Hesukristo ang ating tagapagligtas, bagkus ito ay ang paniniwala na siya ay naparito upang maging isang personal na tagapagligtas ng bawat isa sa atin. Ang pananampalataya ay isang personal na aksiyon at disisyon.

a.     Ito'y isang tiyak, malinaw (definite) at pinagisipang aksiyon. Kinakailangan nating buksan ang pinto upang siya'y makapasok sa ating buhay.
b.    Ito ay isang pansariling (individual) aksiyon. Tayo lamang ang makakapagsiya nito. Walang makakapagsiya para sa atin na pihitin ang bukasan ng pinto ng ating buhay.
c.      Ito ay isang kusang (deliberate) aksiyon. Hindi nating kinakailangang maghintay ng lintik o kulog mula sa langit o di kaya ay makarinig ng isang mahiwagang tinig buhat sa taas upang gawin ito. Ang Panginoon ay bumaba sa lupa, namuhay at namatay ng para sa ating mga kasalanan. Siya ngayon ay nakatayo sa labas ng ating buhay. Bubuksan ba natin ito? Ang susunod na aksiyon o kilos ay atin (Rsv. 2:20).
d.    Ito ay isang agarang (urgent) aksiyon. Kailangang kumilos tayo agad pagkat lumilipas ang panahon at ang kinabukasan ay hindi natin natitiyak.
2.     Ano ang hindi pananampataya? Ang pananampalataya ay hindi pakiramdam lamang o pagnanasa. Kung ito lang ang pananampalataya, hindi sana tumalon si San Pedro sa tubig. Siya ay lumusong sa tubig pagkat siya'y inaanyayahan ni Hesukristo at siya'y nagtiwala. Alam niyang hindi nagsisinungaling ang Panginoon at alam din niyang si Hesus ay may lakas at kapangyarihan gawin ang kanyang mga sinasabi. Kayo ba ay nag-aatubili? Sobra bang magtiwala sa kanya? Kung sa isang taong inyong pinakasalan, naniwala at nagtiwala kayo na pakasalan lang ninyo siya ibibigay niya ang langit at lupa o paliligayahin kayo eh kay Hesukristo pa kayang Diyos ng lahat sa langit at lupa? Pinangakuan niya tayo ng panibagong buhay. Ang patanggap sa buhay na iyan at ang pabayaan siyang ipakita sa atin kung papaano ito gagawin sa araw-araw ang pananampalataya. Kailangang nakahanda tayong gawin ang lahat ng kanyang nais gawin sa ating buhay.

 D. Ano ang magiging bunga ng Pagsisisi at Pananampalataya?

1.     Ang sabi sa banal na kasulatan. "Maniwala at manampalataya kay Hesukristo at ikaw ay magkakamit ng kaligtasan". Ito'y isang pangako ng kaligtasan sa kasalanan, kay satanas, at sa kamatayan. Ito'y isang pangako ng pagpapatawad at buhay na walang hanggan kapiling ang Diyos.
2.     Basahin ang (lukas 11:9-11) Ito'y isang pangakong magbibigaay ng panibagong buhay sa Espiritu Santo. Tayong mga kristiyano ay malayang humingi na ibuhos sa atin ng Panginoon ang lakas ng Espiritu Santo ng dahil sa pangkong ito. Ito ay maaring angkinin sa pamamagitan ng paghayag ng pananampalataya sa ating pagdarasal. Humingi ka at ikaw ay tatanggap. Siya ay maaring pagkatiwalaan gagawin niya ito.

III. Ang hamon

Tanggapin natin ang hamon na kanyang ibinigay mula pa noong siya'y nagtuturong kasama ang mga apostoles. "Magsisi at maniwala sa Magandang Balita". Talikdan ang kasalanan at ang lahat ng balakid sa pakikipag-ugnayan sa Panginoon. Tanggapin natin si Hesukristo bilang ating Panginoon. Pagkatiwalaan natin ang kanyang pangako.

Pang-umpisa ng Talakayan:

Ibahagi sa isa't-isa ang mga lawak kung saan kinakailangan magbago tayo o kinakailangang ibahin ang takbo ng ating buhay.

Ibahagi rin ang isa man lang paraan kung papaano mo palalaganapin, ang inyong pananampalataya.


Source: https://sites.google.com/site/cfclagunacentral1/system/app/pages/recentChanges


         





2 comments:

  1. napaka sarap sa pakiramdam ng mabasa ko ang mga panayam isa akong member ng cfc nueva ecija Ng Talavera north -B chapter napakabuti ng panginoon mabuhay ka kapatid lalo akong ma-inspire sa pagigiging Facilitator GOD IS GOOD,ALL THE TIME

    ReplyDelete
  2. napaka sarap sa pakiramdam ng mabasa ko ang mga panayam isa akong member ng cfc nueva ecija Ng Talavera north -B chapter napakabuti ng panginoon mabuhay ka kapatid lalo akong ma-inspire sa pagigiging Facilitator GOD IS GOOD,ALL THE TIME

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...