Wednesday, October 30, 2019

ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON



SOURCE: https://youtu.be/muybMW-hrgM

JEREMAIH 31:3

MODYUL 2 ANG TUNAY NA KRISTIYANONG PAMUMUHAY, (BY:BROTHER ADAN ROMANTICO)

Pang pitong Sesyon: ANG KRISTIYANONG ANGKAN
WATCH VIDEOShttps://photos.app.goo.gl/RdttsFME9BaXoXqm6

Layunin: Upang bigyan diin ang kahalagahan ng pamilya at magbigay ng
mga ilang payo tungkol sa pagpapatibay nito. Pinahabang Balangkas Ng Paglalahad

I. Ang Panukala ng Panginoong Diyos para sa Angkan

A. Ang pagiging ubod o ugat ng lipunan bilang pamilya (Gen. 1:27-28; Gen. 2:18-24)

1. Ang pagiging ugat ng lipunan ng pamilya ay hindi isang aksidente lamang
ng kasaysayan na mundo. Ito ay ganoon na nga noon pang nilikha ng Diyos
ang mundo.
1. Ginawa ng Panginoon, babae at lalaki ang tao at hinubog ang kanyang
sikolohiya upang sila ay magpakarami sa pamamagitan ng pagpuno ng
daigdid ng kanilang mga supling at pamahalaan ito.
1. Ang panukala ng Diyos para sa lalaki at babae ay ang pagiging isa, hindi magkahiwalay na nagsasarili at gumagawa lang ng bata. Kundi isang nag- asawang nagpapalaki, nagpapalago ng isang angkan na magiging ugat ng lipunan.

B. Ang pamilya ay ang lugar kung saan magkaroon ang mga kabataan/ anak ng pagkakataong maturuan ng mabuting aral at asal.
1. Ang pamilya ay ang tagapagturo ng katalasan (wisdom) at kahalagahan
WATCH VIDEO BY: BRO. ADAN ROMANTICOCFC NAKAR CHAPTER HEAD

1. Parami ng parami ang mga magulang na ngayon ay gumagamit na
lamang ng mga paraang makamundo, tulad ng sikilohiya sa pagpapalaki ng kani-kanilang mga anak.

Halimbawa: Isa sa mga makamundong pagtuturo na maling-mali ay ang
pagsasaad na sapagkat ang mga batang may dalawang taong gulang ay
negatibo, kinakailangang turuan sila ng mga kabaligtaran upang gawin nila
ang tama. Ito ay isang maling pagtuturo.
1. Hindi sinusunod ng mga mag-asawa ang mga utos sa kani-kanila ng Diyos.
- tulad ng mga papel na kinakailangang gampanan
- mga pangakong hindi tapat; hindi maasahan ang isa't-isa; ang bawat isa ay hindi nakakatiyak
B. Ang malinis na Pamumuhay Ngayon.
1. Madalas ang isang pamilya ay hindi na pinanggagalingan ng katiwasayan.
Maraming pamilya ay hindi matiwasay o panatag.
1. Madalas ang tao ay masyadong abala sa napakaraming bagay kayat
nawawalan ng panahon makipag-ugnayan o makisama.
1. Napakalaki ang oras na ngayon ay kinakailangang igugol sa paghanap-
buhay ng isang Ama at kahit na rin ng dumating mga Ina.

- Ang isang nakakalungkot na katotohanan sa panahong ito ay
pangangailangang mamasukan ng isang Ina ng tahanan.
- Kapag hindi nabibigyan ng wastong pangangalaga ang mga anak, sila ay
hindi rin nagiging mabuting mga magulang na magkaroon ng mga anak na
hindi rin wasto ang pagkatao. Sa ganitong paraan, parami ng parami ang

mga taong hindi makapagpapalaki ng mga anak sa wastong pamamaraan.

K. Ang pamilya ay kasalukuyang sinasalakay ng mga puwersa ng kasama,
Ano ang mga ito?
1. Ang mga nagpapalaganap ng Humanismo Sekular
a. Pag-ibig sa sarili
a. Lantarang Balakiran
a. Pagpapaagas
a. Pagsisiping ng hindi kasal

a. Diborsiyo
2. Ang komonismo

III. Ano ang magagawa natin?

A. Kinakailangan nating magpasiya na sa ating mga pamilya gagawin natin ang lahat upang maging katotohanan ang panukala ng Panginoong
Diyos. Ang ating disisyon ay mahalagang-mahalaga.

B. Kinakailangan nating magbuhos o mag-ukol ng panahaon upang  palakasin ang ating pamilya.
1. Suriin natin ang ating paggamit ng panahon o oras. Sikapin nating magkaroon tayo ng sapat na oras upang magkasama-sama ang ating mga sambahayan at buong pamilya.
Ang Ama ay nararapat magugol ng oras lalong-lalo na sa mga anak na lalaki. At ang Ina naman sa mga anak na babae.
1. Magpasiya maging handang putulin ang panahon sa barkadahan upang ito ay maiukol sa pamilya.
1. Gumawa ng mga pagkakataong magkasama-sama. Ang mga anak ay
kinakailangan matutong makisama sa isa't-isa, sa mga kamag-anak at kapit- bahay.
C. Magdasal bilang isang pamilya. Gawing pang-araw-araw na gawain ang dasal.
1. Ipagdasal ang mga maysakit
1. Ipagdasal ang lahat ng mga pangangailangan ng pamilya at gayon din ang pangangailangan ng iba. Ito ay isang mabuting pamamaraan ng pagtuturo sa ating mga anak na maging makatao at maging mapag-kapwa tao.

D. Kinakailangang gampanan ng mga ama ang kanilang tungkulin sa espiritual at materyal na mga pangangailangn ng buong pamilya. Kinakailangang tumulong ang mga asawang babae sa bagay na ito.

E. Sikaping malaman o patutunan kung anu-ano pa ang mga kagustuhan ng Diyos para sa ating mga angkan.
1. Laging mag-ukol ng panahon para sa mga iba't-ibang mga pagtuturo tungkol sa pamilya.
1. Magbasa ng mga tungkol sa pamilya
1. Hingin ito sa Panginoon tuwing magdarasal


F. Makisama at sumapi sa mga samahan ng mga kristiyanong pamilya. Tulad nito.

WATCH VIDEOS https://photos.app.goo.gl/RdttsFME9BaXoXqm6


SURRENDER YOUR PROBLEMS TO THE LORD

https://www.youtube.com/watch?v=WQJjHDFxyZs

Sunday, October 20, 2019

Isang Tagpo sa Ilalim ng Punong Mangga



HUWAG PO NINYONG KALIMUTAN MAG SUBSCRIBE, I SHARE NA RIN SA ATING MGA KAPATID SA CFC  AT I CLICK ANG NOTIFICATION BELL


SOURCE:  Isang Tagpo sa Ilalim ng Punong Mangga

CFC QUEZON 33rd Anniversary October 19,2019*




SOURCE:

CFC QUEZON 33rd Anniversary October 19,2019****

YFC CLUSTER COORDINATOR
SFC COORDINATOR
UNIT HEAD BRO. DINGLY & KIDS FOR CHRIST CLUSTER COORDINATOR BRO. WALTER 

UNIT OF REAL QUEZON BY: KUYA JUN GUCILATAR
INFANTA 1 CHAPTER


INFANTA 2 CHAPTER



NAKAR CHAPTER

INFANTA 2 CHAPTER HEAD & CHAPTER LEADER " BROTHER ODING/SISTER EDNA TORRES
FOR MORE PHOTOS CLICK THE LINK BELOW;
https://photos.google.com/photo/AF1QipP0JFlE42FtHDqWY6T2R1ewsOyPxMcLwpMdV_tG
https://photos.app.goo.gl/VhNeQ9jx91GRL9b18

Monday, October 14, 2019

CFC CLP TALK #5 Loving God File Photos




CFC CLP TALK #5 Loving God by: Sis. Aing Cuerdo 

CFC CLP TALK #4 Repentance & Faith File Photos

 Pang-apat na sesyon: ANG PAGSISISI AT ANG PANANAMPALATAYA

Layunin: Upang turuan at tulungan ang mga taong magsisi sa kanilang
mga kasalanan at tumungo sa Panginoon may pananampalataya.

Pinahahabang Balangkas ng Paglalahad

I. Introduksiyon

A.Sa nakaraang sesyon, ipinaliwanag na ang pagiging isang kristiyano
ay sinimulan ng Diyos. Hindi ng tao. Ito'y galing sa kanyang kaisipan at
mayroon siyang mga pamantayan kung papaano dapat isabuhay ang
kristiyanidad.
A.Inaanyayahan niya tayo at kinakailangan nating sagutin ito ng malaya
hindi sapilitan. Ngunit ang ating sagot ay nangangailangang dalawang
bagay Marcos 1:14-15

1. Pagsisi-talikdan ang mga kasalanan
1. Maniwala sa Mabuting Balita-manampalataya sa Kanya at sa Kanyang
mga Mensahe.

II. Ang Magkatuwang na kasagutan.

A.Ang pagsisisi at ang Pananampalataya ay laging magkasama. Ang
magsisi o ang ayusin ang ating pamumuhay ay hindi sapat na kasagutan
sa paanyaya ng Panginoon. Kailangan din nating maniwala sa Kanya, sa
Kanyang panukala at sa Kanyang mga pangako. Sa kabilang dako naman,
ang maniwala lamang sa Kanya ng walang ginagawa upang maisaayos
ang ating buhay upang tayo ay maging kasiya-siya para sa Panginoon,
ay hindi rin sapat. Kinakailangang gawin natin ang dalawa. Magsisi at
maniwala.

A. Ang Pagsisisi
1. Sa salitang Greco, ito ay METANOLA, ang ibig sabihin ay pagpalit
ng isip. Ang tinutukoy nito ay ang pagpalit ng direksyon. Direksyon
ng ating buhay. Pagbibitiw o pagtalikod sa mga dating gawain o mga

pinaniniwalaang mga kahalagahan (values). Isang pagpalit ng puso't diwa;
pag-iisip at gawain; mga saloobin (attitudes) mga hangarin; o pag-aasal.
1.Ang lalong tiyak na kahulugan ng pagsisisi ay ang pagtalikod sa
kasamaan, kasalanan, masamang gawain at sa pagpapatakbo ng sariling
buhay sa gusto nating paraan. At sa halip ay maging masunurin sa Diyos
at ilagay o iluklok si Kristo bilang hari ng ating buhay. Maisasama dito ang
paghinto sa pagdadalawang isip at pagiging malahininga (hindi malamig at
hindi mainit) o ang pagwawalang halaga sa mga responsibilidad ng isang
kristiyano.
1.Isang napakalaking maling pag-aakala. Marami sa atin ang nalilito
sa dalawang bagay na ito. Ang pagdadalamhati ng dahil sa mga naging
bunga ng pagkakasala at ang pagdadalamhati ng dahil sa pagkakasala.
Napakarami sa atin ang nagdadalamhati dahil sa kanyang sasagutin ng
dahil sa kanyang nagawa ngunit kung malulusutan nya ito, gagawin muli
ang kasalanan. Ang tunay na pagsisisi ay pagdadalamhati sa pagkakasala.
Ang kapuutan ang kasalanan.

Isang mahalagang punto:

Ang pagsisi ay hindi isang pakiramdam, kundi isang pinag-isipang
kapasiyahan na tanggapin ang katarungan ng Diyos; ilagak ito sa sariling
pamumuhay at taggihan ang lahat ng salungat dito.

4. Ano ang kinakailangan nating gawin?

a) Kailangan tayong maging tapat sa sarili. Aminin natin na tayo ay
makasalanan at nagkasala. Harapin natin ng tunay ang kasalanan. Huwag
natin itong tawaging mga "karanasang pinagdaraanan".

b) Maging mapagkumbaba. maging handang magpalit ng buhay at
tumanggap ng tulong ng panginoon upang magawa ito. Huwag
nating akalaing magagawa natin ito ng mag-isa.

k) Itakwil ang kasalanan. Talikuran ng kusa ang mga pagkakasala at

magpasya na hindi na ito uulitin. Magagawa natin ito kung
magpapatulong tayo sa panginoon.

d) Humingi ng tawad sa diyos. (1 Juan 1:9)

5. Mga kasalanang kinakailangang itakwil.

Ito yong mga malalaking kasalanang hindi tugon sa isang ugnayan sa
panginoon. Hindi ito gaya ng masasamang kaugalian lamang tulad ng
kabastusan o kasungitan.

a) Mga relihiyong hindi kristyano.
b) Spiritwalismo, mga kahiwagaan o alinuwangan, pangkukulam.
k) Ang pakikipagtalik sa labas ng matrimonyo, pakikiapid, lantarang
bal
d) Pagpatay ng kapwa, pagnanakaw, panlilinlang, pagsisinungaling,
paninira ng kapwa.
e) Panlalasing (hindi pakikipag-inuman ng paminsan-minsan kundi
paglalasing). Ang pagdadrags. Pagiging isang "drug addict" o
kaalipnan sa drugs.

Kung mayroon sa mga kalahok ng kahit isa sa mga ito, makabubuting
sabihin ito sa namumuno sa seminar upang maituro o mabigyan ng payo
kung papaano ito maialis. Alalahaning hindi yoon kahihiyan o sama ng
pakiramdam ang importante dito. Ang mahalaga ay maitakwil at mahinto
ang mga gawaing ito.
Ang pagsisisi ay naging lubos lamang kung hinihinto ang masamang
gawaing dulot nito at tinatanggap si Hesukristo bilang Panginoon.
Kinakailangang pabayaan natin siyang maging tagapamahala ng
ating buhay. Ang pagtanggap sa kanya ay nangangailangan ng
pananampalataya. Upang lalong magawa ito, makabubuti kung
tayo ay mangumpisal upang matanggap natin ang sakramento ng
rekonsilyanisiyon.

K) Ang pananampalataya.

1.Ano ba ang pananampalataya ay hindi lamang paniniwala sa
ating isipan na si Hesukristo ang ating tagapagligtas, bagkus ito ay
ang paniniwala na siya ay naparito upang maging isang personal na
tagapagligtas ng bawat isa sa atin. Ang pananampalataya ay isang
personal na aksiyon at disisyon.

a.Ito'y isang tiyak, malinaw (definite) at pinagisipang aksiyon.
Kinakailangan nating buksan ang pinto upang siya'y makapasok sa ating
buhay.
a.Ito ay isang pansariling (individual) aksiyon. Tayo lamang ang
makakapagsiya nito. Walang makakapagsiya para sa atin na pihitin ang
bukasan ng pinto ng ating buhay.
a. Ito ay isang kusang (deliberate) aksiyon. Hindi nating kinakailangang
maghintay ng lintik o kulog mula sa langit o di kaya ay makarinig ng isang
mahiwagang tinig buhat sa taas upang gawin ito. Ang Panginoon ay
bumaba sa lupa, namuhay at namatay ng para sa ating mga kasalanan.
Siya ngayon ay nakatayo sa labas ng ating buhay. Bubuksan ba natin ito?
Ang susunod na aksiyon o kilos ay atin (Rsv. 2:20).
a. Ito ay isang agarang (urgent) aksiyon. Kailangang kumilos tayo agad
pagkat lumilipas ang panahon at ang kinabukasan ay hindi natin natitiyak.
1.Ano ang hindi pananampataya? Ang pananampalataya ay hindi
pakiramdam lamang o pagnanasa. Kung ito lang ang pananampalataya,
hindi sana tumalon si San Pedro sa tubig. Siya ay lumusong sa tubig
pagkat siya'y inaanyayahan ni Hesukristo at siya'y nagtiwala. Alam niyang
hindi nagsisinungaling ang Panginoon at alam din niyang si Hesus ay
may lakas at kapangyarihan gawin ang kanyang mga sinasabi. Kayo ba
ay nag-aatubili? Sobra bang magtiwala sa kanya? Kung sa isang taong
inyong pinakasalan, naniwala at nagtiwala kayo na pakasalan lang ninyo
siya ibibigay niya ang langit at lupa o paliligayahin kayo eh kay Hesukristo
pa kayang Diyos ng lahat sa langit at lupa? Pinangakuan niya tayo ng
panibagong buhay. Ang patanggap sa buhay na iyan at ang pabayaan
siyang ipakita sa atin kung papaano ito gagawin sa araw-araw ang
pananampalataya. Kailangang nakahanda tayong gawin ang lahat ng

kanyang nais gawin sa ating buhay.


D. Ano ang magiging bunga ng Pagsisisi at Pananampalataya?

1. Ang sabi sa banal na kasulatan. "Maniwala at manampalataya kay
Hesukristo at ikaw ay magkakamit ng kaligtasan". Ito'y isang pangako
ng kaligtasan sa kasalanan, kay satanas, at sa kamatayan. Ito'y isang
pangako ng pagpapatawad at buhay na walang hanggan kapiling ang
Diyos.
1. Basahin ang (lukas 11:9-11) Ito'y isang pangakong magbibigaay ng
panibagong buhay sa Espiritu Santo. Tayong mga kristiyano ay malayang
humingi na ibuhos sa atin ng Panginoon ang lakas ng Espiritu Santo
ng dahil sa pangkong ito. Ito ay maaring angkinin sa pamamagitan ng
paghayag ng pananampalataya sa ating pagdarasal. Humingi ka at ikaw ay
Repentance & Faith By Bro. Arie Umbrete
tatanggap. Siya ay maaring pagkatiwalaan gagawin niya ito.

III. Ang hamon

Tanggapin natin ang hamon na kanyang ibinigay mula pa noong siya'y
nagtuturong kasama ang mga apostoles. "Magsisi at maniwala sa
Magandang Balita". Talikdan ang kasalanan at ang lahat ng balakid sa
pakikipag-ugnayan sa Panginoon. Tanggapin natin si Hesukristo bilang
ating Panginoon. Pagkatiwalaan natin ang kanyang pangako.
Pang-umpisa ng Talakayan:

Ibahagi sa isa't-isa ang mga lawak kung saan kinakailangan magbago tayo
o kinakailangang ibahin ang takbo ng ating buhay.

Ibahagi rin ang isa man lang paraan kung papaano mo palalaganapin, ang
inyong pananampalataya.












Wednesday, October 9, 2019

ANCOP GLOBAL WALK 2019 SCHOLAR

Image may contain: 1 person, sitting
Aimee Grace Tobio, an ANCOP Global Walk Scholar since April 2015.
She graduated Cum Laude with a course of Bachelor of Secondary Education Major in English.

Her parents are members of Couples For Christ. They work as messenger and street vendor.
Aimee is the eldest of 4 siblings. After graduating High School, she wasn't sure if she can pursue college until she became an ANCOP Global Walk scholar.

Each of us are willing to walk more than a mile to save the education and lives of many children. AGW gives a chance to others to live a better life.

Let Aimee, be an inspiration to other scholars and students out there!
See you on November 17, 2019 for our ANCOP Global Walk 2019!

#CFCANCOP
#ANCOPGlobalWalk
#AGW2019


https://www.facebook.com/watch/?v=793397471054768

https://www.facebook.com/watch/?v=793397471054768

Couples for Christ REINA CLUSTER MUSIC MINISTRY


SOURCE: https://youtu.be/FsPw4zpZ_KU

Subscribe to Biztalk and Jobs via Email


Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook


Follow me on Twitter


Blog Links:


Health and Wellness


The Leader


ACTRESS @ CELEBRITIES PHOTOS


Young and Adult Sexual Reprouctive Health


Organic Farming

COUPLES FOR CHRIST NAKAR QUEZON September 7, 2019

  


CLP Dedication Ceremony
TALK NO. 12
"TRANSFORMATION IN CHRIST"
A. PASIMULA
  1. Tayo ay dumating na sa ating pagtatapos ng CLP. Ngunit ito ay hindi katapusan, kundi tayo ay nagsisimula pa lamang. Ating kinakaharap ngayon ang "Bagong Buhay" sa Diyos at sa ating apwa.
  2. Ang Panginoon ay ibinaba sa atin ang isang pundasyon para sa Bagong Buhay sa pamamagitan ng CLP na ito.
a.) Ang inyong pagsisisi, personal na pagbabago, isang pagpapanibagong pananampalataya sa Diyos.

b.) Ang pagtanggap kay Hesus bilang Panginoon at tagapagligtas.
c.)Pagkakaloob o kapahintulutan ng lakas sa pamamagitan ng Bautismo sa Espiritu Santo. At ngayon, ang patuloy na tulong na inyong matatanggap sa pamamagitan ng Couples For Christ.

  1.        gayon ay kailangang pahintulutan ninyo ang Diyos na ipagpatuloy ang proceso na inyong pagpapanibagong buhay kay Kristo. Ang banal na espiritu ay kumukilos upang kayo ay lumago sa kaalaman, pag-ibig at higit sa lahat, mapaglingkuran ang Diyos.

B. Ang kagustuhan o plano ng Diyos
  1. Nais ng Diyos ang inyong pagbabagong anyo.
a.) Malalim na pakikipagugnayan sa Diyos.
- Lumago o umunlad sa kabanalan (1 Pedro 1:15-16) kailangang lumago
upang maging katulad ni Kristo.

Lumago sa pagiging disipulo (Mateo 16:24) kailangan nating matutuhan ang kahulugan ng tunay na disipulo ni Jesukristo. Sa ganitong paraan tayo ay magiging karapat-dapat kay Hesus. (Mateo 10:37-39).

b.) Malalim na pakikipagugnayan sa kapwa Maging tunay na Brothers and Sisters sa bawat isa. At saka patuloy na lumago sa pakikipagkaibigan at malasakit sa kapwa.

c.) Malalim na pagtatalaga ng sarili sa paglilingkod sa Diyos sa kapwa, sa lipunan, simbahan at sa bayan. Ang gawain ng evangelization, pagdadala ng mabuting balita na ating tinatanggap at ibahagi sa iba.

  1. At habang tayo ay lumalago at nagbabagong anyo, ano ang para sa Diyos? Nais ng Panginoon na itaas natin ang pamilya sa Banal na Espiritu na siyang magpapabago sa mukha ng mundo.
a.)Para sa kaganapan ng plano ng Diyos (Efeso 1:10)
b.) Para sa kaganapan ng Dakilang pagtatalaga o pagkahirang.
Ang CFC ay inatasan upang gawin ang pandaigdigan na misyon sa evangelization at pagpapanibago.

C.   Papaano magkakaroon ng kaganapan ang hangarin ng DIyos sa pamamagitan ng CFC?    Papaano tayo tutugon sa tawag ng Diyos?
  1. Patuloy na lumago sa personal na kabanalan.
a.) Pang araw-araw na panalangin at pagbabasa ng Biblia
b.) Pagiging matapat sa CFC Covenant
c.) Pagdalo sa mga programa ng paghubog sa CFC.
  1. Bumubuo ng malakas at matibay na kristianong pamilya at tahanan.
a.) Ang pamilya ang pangunahing antas ng lipunan, simbahan at bansa.
b.)ang kalagayan nito ang magiging batayan ng bansa na higit sa lahat.
c.) Maging liwanag ng inyong kapwa.
d.) Dalhin o isanib sa CFC Family ang inyong mga anak, tulad ng KFC, YFC, SFC.
  1. Makiisa sa gawaing evangelization.
a.) Ito ay pandaigdig na misyon ng CFC
b.) Bawat CFC member ay dapat na maging evangelist o tagapagpahayag. Dalhin ang iba o kapwa sa CFC upang matagpuan si Jesu kristo

D. CONCLUSION:
  1. Isang malaking pribilehiyo kung nasaan tayo ngayon.
a.      Ang pagkakaroon ng personal na ugnayan kay Hesus at makasama sa iang masiglang kuminidad tulad ng CFC.
b.      Ito'y nagaganap hindi sa pansariling kahalagahan, kundi sa       pamamagitan ng awa at biyaya ng Diyos.
c.       Dapat tayong tumugon na may kaluguran at kababaang-loob.
  1. Dapat tayong magpatuloy:
a.      Tingnan at asahan ang kinabukasan. Ang Panginoon ay patuloy na namamalagi sa buhay natin.
b.      Ibigay ang lahat para sa Diyos.
* Si Hesus ay isang malaking kayamanan na ating nakamit, katumbas ito na lahat nating kakayahan at kalakasan na mabuhay na buong-buo para sa kanya.
* Maging katulad ni San Pablo (Filipos 3:7-8, 12-14)
c.       Ipagbunyi natin si Hesus na ating Panginoong Diyos.

DEDICATION CEREMONY:
  1. Ipaliwanang ang commitment ceremony
  2.  Anyayahan ang lahat na tumayo. Awitin ang "Here I Am Lord"
  3. Anyayahan ang bawat isa na basahin ang Covenant ng CFC. (Basahin ng Malakas at sabay-sabay).
  4. Pray-over na lahat ng itatalagang Bros. & Sis. anyayahan ang dating member na manalangin na kasabay ng leader. (Awitin ang Spirit of the Living God).
  5. Welcome the New Brethren to CFC at anyayahan ang old member na tanggapin at ipahiwatig ito sa pamamagitan ng palakpakan. Isunod ang pagbati and the "Welcome to the Family" and other lively songs.
  6. Fellowship follows

COUPLES FOR CHRIST
KASUNDUAN SA COUPLES FOR CHRIST

1. Sa tulong at paggabay ni Kristo:
  • Mananalangin ng labinlimang minuto man lamang araw-araw
  • Magbasa ng Bibliya labinglimang minuto man lang araw-araw
  • Palagiang makibahagi sa buhay pagsamba ng aking simbahan
  • Iwasan ang kasalanan at maling gawain
  • Isaayos ang aking sariling pamumuhay

2. Ilalaan ko ang aking pagtatag ng isang matibay na mag-anak para kay Kristo:
  • Magtataguyod ng isang palagiang pakikipagusap sa aking kabiyak at mga anak linggu-linggo
  • Ipamuhay ang aking katungkulan bilang magulang
  • Manalangin kasama ang mag-anak araw-araw ay ipagdiwang ang Lord's Day.
  • Maglaan ng masaganang panahon para sa tahanan at pamilya sa mga gawain at pag-aliw.

3. Ilaan ko ang aking sarili sa paglilingkod sa Diyos
  • Magdala ng mga mag-asawahan para kay Kristo
  • Maglaan ng panahon upang maglingkod sa Couples For Christ kung saan man akotinatawag maglingkod, at sundin ang mga panuntunan ng mga taong may pananagutan sa aking palilingkod.

4. Makikipag-ugnayan ako ng may pagmamahal at katapatan sa iba pang mga anak sa Couples For Christ.
  • Daluhan ang aking lingguhang pagtitipon bilang maliit na grupo at makipagtulungan upang magkaroon ng kaayusan ang pagtitipon
  • Tapat na daluhan ang lahat ng pagtitipon
  • Tumanggap ng iba pang mag-asawa na idinagdag ng Panginoon sa ating bilang.

5. Ako'y mag-aral at magpupunyagi na umunlad bilang kristiyano at sa ikauunawa at katuparan ng aking    bokasyon bilang may-asawa.
  • Daluhan an mga kurso, retreats, pagsasanay at mga pulong ng CFC
  • Masigasig kong pag-aaralan ang lahat ng mga babasahin na ibinigay sa akin.

Tulungan nawa ako ng Panginoong Hesukristo na maipamuhay ang kasunduan ng Couples For Christ sa araw-araw para sa kanyang karangalan at kaluwalhatian at sa ikabubuti na aking mga kapatid.
          ___________________________  , ___________________________

                                                                      Pangalan at Lagda
SOURCE: https://photos.app.goo.gl/zzJcECU6UBzfoBDu8

COUPLES FOR CHRIST RIN CLUSTER CHOIR

https://www.youtube.com/results?search_query=cfc+infanta+quezon





https://www.youtube.com/results?search_query=cfc+infanta+quezon

The Leader


ACTRESS @ CELEBRETIES HOT PHOTOS


Young and Adult Sexual Reprouctive Health


Organic Farming

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...