CLP Dedication Ceremony
TALK NO. 12
"TRANSFORMATION IN CHRIST"
A. PASIMULA
- Tayo ay dumating na sa ating pagtatapos ng CLP. Ngunit ito ay hindi katapusan, kundi tayo ay nagsisimula pa lamang. Ating kinakaharap ngayon ang "Bagong Buhay" sa Diyos at sa ating apwa.
- Ang Panginoon ay ibinaba sa atin ang isang pundasyon para sa Bagong Buhay sa pamamagitan ng CLP na ito.
b.) Ang pagtanggap kay Hesus bilang Panginoon at tagapagligtas.
c.)Pagkakaloob o kapahintulutan ng lakas sa pamamagitan ng Bautismo sa Espiritu Santo. At ngayon, ang patuloy na tulong na inyong matatanggap sa pamamagitan ng Couples For Christ.
- gayon ay kailangang pahintulutan ninyo ang Diyos na ipagpatuloy ang proceso na inyong pagpapanibagong buhay kay Kristo. Ang banal na espiritu ay kumukilos upang kayo ay lumago sa kaalaman, pag-ibig at higit sa lahat, mapaglingkuran ang Diyos.
B. Ang kagustuhan o plano ng Diyos
- Nais ng Diyos ang inyong pagbabagong anyo.
a.) Malalim na pakikipagugnayan sa Diyos.
- Lumago o umunlad sa kabanalan (1 Pedro 1:15-16) kailangang lumago
upang maging katulad ni Kristo.
Lumago sa pagiging disipulo (Mateo 16:24) kailangan nating matutuhan ang kahulugan ng tunay na disipulo ni Jesukristo. Sa ganitong paraan tayo ay magiging karapat-dapat kay Hesus. (Mateo 10:37-39).
b.) Malalim na pakikipagugnayan sa kapwa Maging tunay na Brothers and Sisters sa bawat isa. At saka patuloy na lumago sa pakikipagkaibigan at malasakit sa kapwa.
c.) Malalim na pagtatalaga ng sarili sa paglilingkod sa Diyos sa kapwa, sa lipunan, simbahan at sa bayan. Ang gawain ng evangelization, pagdadala ng mabuting balita na ating tinatanggap at ibahagi sa iba.
- At habang tayo ay lumalago at nagbabagong anyo, ano ang para sa Diyos? Nais ng Panginoon na itaas natin ang pamilya sa Banal na Espiritu na siyang magpapabago sa mukha ng mundo.
a.)Para sa kaganapan ng plano ng Diyos (Efeso 1:10)
b.) Para sa kaganapan ng Dakilang pagtatalaga o pagkahirang.
Ang CFC ay inatasan upang gawin ang pandaigdigan na misyon sa evangelization at pagpapanibago.
C. Papaano magkakaroon ng kaganapan ang hangarin ng DIyos sa pamamagitan ng CFC? Papaano tayo tutugon sa tawag ng Diyos?
- Patuloy na lumago sa personal na kabanalan.
a.) Pang araw-araw na panalangin at pagbabasa ng Biblia
b.) Pagiging matapat sa CFC Covenant
c.) Pagdalo sa mga programa ng paghubog sa CFC.
- Bumubuo ng malakas at matibay na kristianong pamilya at tahanan.
b.)ang kalagayan nito ang magiging batayan ng bansa na higit sa lahat.
c.) Maging liwanag ng inyong kapwa.
d.) Dalhin o isanib sa CFC Family ang inyong mga anak, tulad ng KFC, YFC, SFC.
- Makiisa sa gawaing evangelization.
a.) Ito ay pandaigdig na misyon ng CFC
b.) Bawat CFC member ay dapat na maging evangelist o tagapagpahayag. Dalhin ang iba o kapwa sa CFC upang matagpuan si Jesu kristo
D. CONCLUSION:
- Isang malaking pribilehiyo kung nasaan tayo ngayon.
a. Ang pagkakaroon ng personal na ugnayan kay Hesus at makasama sa iang masiglang kuminidad tulad ng CFC.
b. Ito'y nagaganap hindi sa pansariling kahalagahan, kundi sa pamamagitan ng awa at biyaya ng Diyos.
c. Dapat tayong tumugon na may kaluguran at kababaang-loob.
- Dapat tayong magpatuloy:
a. Tingnan at asahan ang kinabukasan. Ang Panginoon ay patuloy na namamalagi sa buhay natin.
b. Ibigay ang lahat para sa Diyos.
* Si Hesus ay isang malaking kayamanan na ating nakamit, katumbas ito na lahat nating kakayahan at kalakasan na mabuhay na buong-buo para sa kanya.
* Maging katulad ni San Pablo (Filipos 3:7-8, 12-14)
c. Ipagbunyi natin si Hesus na ating Panginoong Diyos.
DEDICATION CEREMONY:
- Ipaliwanang ang commitment ceremony
- Anyayahan ang lahat na tumayo. Awitin ang "Here I Am Lord"
- Anyayahan ang bawat isa na basahin ang Covenant ng CFC. (Basahin ng Malakas at sabay-sabay).
- Pray-over na lahat ng itatalagang Bros. & Sis. anyayahan ang dating member na manalangin na kasabay ng leader. (Awitin ang Spirit of the Living God).
- Welcome the New Brethren to CFC at anyayahan ang old member na tanggapin at ipahiwatig ito sa pamamagitan ng palakpakan. Isunod ang pagbati and the "Welcome to the Family" and other lively songs.
- Fellowship follows
COUPLES FOR CHRIST
1. Sa tulong at paggabay ni Kristo:
- Mananalangin ng labinlimang minuto man lamang araw-araw
- Magbasa ng Bibliya labinglimang minuto man lang araw-araw
- Palagiang makibahagi sa buhay pagsamba ng aking simbahan
- Iwasan ang kasalanan at maling gawain
- Isaayos ang aking sariling pamumuhay
2. Ilalaan ko ang aking pagtatag ng isang matibay na mag-anak para kay Kristo:
- Magtataguyod ng isang palagiang pakikipagusap sa aking kabiyak at mga anak linggu-linggo
- Ipamuhay ang aking katungkulan bilang magulang
- Manalangin kasama ang mag-anak araw-araw ay ipagdiwang ang Lord's Day.
- Maglaan ng masaganang panahon para sa tahanan at pamilya sa mga gawain at pag-aliw.
3. Ilaan ko ang aking sarili sa paglilingkod sa Diyos
- Magdala ng mga mag-asawahan para kay Kristo
- Maglaan ng panahon upang maglingkod sa Couples For Christ kung saan man akotinatawag maglingkod, at sundin ang mga panuntunan ng mga taong may pananagutan sa aking palilingkod.
4. Makikipag-ugnayan ako ng may pagmamahal at katapatan sa iba pang mga anak sa Couples For Christ.
- Daluhan ang aking lingguhang pagtitipon bilang maliit na grupo at makipagtulungan upang magkaroon ng kaayusan ang pagtitipon
- Tapat na daluhan ang lahat ng pagtitipon
- Tumanggap ng iba pang mag-asawa na idinagdag ng Panginoon sa ating bilang.
5. Ako'y mag-aral at magpupunyagi na umunlad bilang kristiyano at sa ikauunawa at katuparan ng aking bokasyon bilang may-asawa.
- Daluhan an mga kurso, retreats, pagsasanay at mga pulong ng CFC
- Masigasig kong pag-aaralan ang lahat ng mga babasahin na ibinigay sa akin.
Tulungan nawa ako ng Panginoong Hesukristo na maipamuhay ang kasunduan ng Couples For Christ sa araw-araw para sa kanyang karangalan at kaluwalhatian at sa ikabubuti na aking mga kapatid.
___________________________ , ___________________________
No comments:
Post a Comment