Wednesday, October 30, 2019

MODYUL 2 ANG TUNAY NA KRISTIYANONG PAMUMUHAY, (BY:BROTHER ADAN ROMANTICO)

Pang pitong Sesyon: ANG KRISTIYANONG ANGKAN
WATCH VIDEOShttps://photos.app.goo.gl/RdttsFME9BaXoXqm6

Layunin: Upang bigyan diin ang kahalagahan ng pamilya at magbigay ng
mga ilang payo tungkol sa pagpapatibay nito. Pinahabang Balangkas Ng Paglalahad

I. Ang Panukala ng Panginoong Diyos para sa Angkan

A. Ang pagiging ubod o ugat ng lipunan bilang pamilya (Gen. 1:27-28; Gen. 2:18-24)

1. Ang pagiging ugat ng lipunan ng pamilya ay hindi isang aksidente lamang
ng kasaysayan na mundo. Ito ay ganoon na nga noon pang nilikha ng Diyos
ang mundo.
1. Ginawa ng Panginoon, babae at lalaki ang tao at hinubog ang kanyang
sikolohiya upang sila ay magpakarami sa pamamagitan ng pagpuno ng
daigdid ng kanilang mga supling at pamahalaan ito.
1. Ang panukala ng Diyos para sa lalaki at babae ay ang pagiging isa, hindi magkahiwalay na nagsasarili at gumagawa lang ng bata. Kundi isang nag- asawang nagpapalaki, nagpapalago ng isang angkan na magiging ugat ng lipunan.

B. Ang pamilya ay ang lugar kung saan magkaroon ang mga kabataan/ anak ng pagkakataong maturuan ng mabuting aral at asal.
1. Ang pamilya ay ang tagapagturo ng katalasan (wisdom) at kahalagahan
WATCH VIDEO BY: BRO. ADAN ROMANTICOCFC NAKAR CHAPTER HEAD

1. Parami ng parami ang mga magulang na ngayon ay gumagamit na
lamang ng mga paraang makamundo, tulad ng sikilohiya sa pagpapalaki ng kani-kanilang mga anak.

Halimbawa: Isa sa mga makamundong pagtuturo na maling-mali ay ang
pagsasaad na sapagkat ang mga batang may dalawang taong gulang ay
negatibo, kinakailangang turuan sila ng mga kabaligtaran upang gawin nila
ang tama. Ito ay isang maling pagtuturo.
1. Hindi sinusunod ng mga mag-asawa ang mga utos sa kani-kanila ng Diyos.
- tulad ng mga papel na kinakailangang gampanan
- mga pangakong hindi tapat; hindi maasahan ang isa't-isa; ang bawat isa ay hindi nakakatiyak
B. Ang malinis na Pamumuhay Ngayon.
1. Madalas ang isang pamilya ay hindi na pinanggagalingan ng katiwasayan.
Maraming pamilya ay hindi matiwasay o panatag.
1. Madalas ang tao ay masyadong abala sa napakaraming bagay kayat
nawawalan ng panahon makipag-ugnayan o makisama.
1. Napakalaki ang oras na ngayon ay kinakailangang igugol sa paghanap-
buhay ng isang Ama at kahit na rin ng dumating mga Ina.

- Ang isang nakakalungkot na katotohanan sa panahong ito ay
pangangailangang mamasukan ng isang Ina ng tahanan.
- Kapag hindi nabibigyan ng wastong pangangalaga ang mga anak, sila ay
hindi rin nagiging mabuting mga magulang na magkaroon ng mga anak na
hindi rin wasto ang pagkatao. Sa ganitong paraan, parami ng parami ang

mga taong hindi makapagpapalaki ng mga anak sa wastong pamamaraan.

K. Ang pamilya ay kasalukuyang sinasalakay ng mga puwersa ng kasama,
Ano ang mga ito?
1. Ang mga nagpapalaganap ng Humanismo Sekular
a. Pag-ibig sa sarili
a. Lantarang Balakiran
a. Pagpapaagas
a. Pagsisiping ng hindi kasal

a. Diborsiyo
2. Ang komonismo

III. Ano ang magagawa natin?

A. Kinakailangan nating magpasiya na sa ating mga pamilya gagawin natin ang lahat upang maging katotohanan ang panukala ng Panginoong
Diyos. Ang ating disisyon ay mahalagang-mahalaga.

B. Kinakailangan nating magbuhos o mag-ukol ng panahaon upang  palakasin ang ating pamilya.
1. Suriin natin ang ating paggamit ng panahon o oras. Sikapin nating magkaroon tayo ng sapat na oras upang magkasama-sama ang ating mga sambahayan at buong pamilya.
Ang Ama ay nararapat magugol ng oras lalong-lalo na sa mga anak na lalaki. At ang Ina naman sa mga anak na babae.
1. Magpasiya maging handang putulin ang panahon sa barkadahan upang ito ay maiukol sa pamilya.
1. Gumawa ng mga pagkakataong magkasama-sama. Ang mga anak ay
kinakailangan matutong makisama sa isa't-isa, sa mga kamag-anak at kapit- bahay.
C. Magdasal bilang isang pamilya. Gawing pang-araw-araw na gawain ang dasal.
1. Ipagdasal ang mga maysakit
1. Ipagdasal ang lahat ng mga pangangailangan ng pamilya at gayon din ang pangangailangan ng iba. Ito ay isang mabuting pamamaraan ng pagtuturo sa ating mga anak na maging makatao at maging mapag-kapwa tao.

D. Kinakailangang gampanan ng mga ama ang kanilang tungkulin sa espiritual at materyal na mga pangangailangn ng buong pamilya. Kinakailangang tumulong ang mga asawang babae sa bagay na ito.

E. Sikaping malaman o patutunan kung anu-ano pa ang mga kagustuhan ng Diyos para sa ating mga angkan.
1. Laging mag-ukol ng panahon para sa mga iba't-ibang mga pagtuturo tungkol sa pamilya.
1. Magbasa ng mga tungkol sa pamilya
1. Hingin ito sa Panginoon tuwing magdarasal


F. Makisama at sumapi sa mga samahan ng mga kristiyanong pamilya. Tulad nito.

WATCH VIDEOS https://photos.app.goo.gl/RdttsFME9BaXoXqm6


No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...