Monday, October 14, 2019

CFC CLP TALK #4 Repentance & Faith File Photos

 Pang-apat na sesyon: ANG PAGSISISI AT ANG PANANAMPALATAYA

Layunin: Upang turuan at tulungan ang mga taong magsisi sa kanilang
mga kasalanan at tumungo sa Panginoon may pananampalataya.

Pinahahabang Balangkas ng Paglalahad

I. Introduksiyon

A.Sa nakaraang sesyon, ipinaliwanag na ang pagiging isang kristiyano
ay sinimulan ng Diyos. Hindi ng tao. Ito'y galing sa kanyang kaisipan at
mayroon siyang mga pamantayan kung papaano dapat isabuhay ang
kristiyanidad.
A.Inaanyayahan niya tayo at kinakailangan nating sagutin ito ng malaya
hindi sapilitan. Ngunit ang ating sagot ay nangangailangang dalawang
bagay Marcos 1:14-15

1. Pagsisi-talikdan ang mga kasalanan
1. Maniwala sa Mabuting Balita-manampalataya sa Kanya at sa Kanyang
mga Mensahe.

II. Ang Magkatuwang na kasagutan.

A.Ang pagsisisi at ang Pananampalataya ay laging magkasama. Ang
magsisi o ang ayusin ang ating pamumuhay ay hindi sapat na kasagutan
sa paanyaya ng Panginoon. Kailangan din nating maniwala sa Kanya, sa
Kanyang panukala at sa Kanyang mga pangako. Sa kabilang dako naman,
ang maniwala lamang sa Kanya ng walang ginagawa upang maisaayos
ang ating buhay upang tayo ay maging kasiya-siya para sa Panginoon,
ay hindi rin sapat. Kinakailangang gawin natin ang dalawa. Magsisi at
maniwala.

A. Ang Pagsisisi
1. Sa salitang Greco, ito ay METANOLA, ang ibig sabihin ay pagpalit
ng isip. Ang tinutukoy nito ay ang pagpalit ng direksyon. Direksyon
ng ating buhay. Pagbibitiw o pagtalikod sa mga dating gawain o mga

pinaniniwalaang mga kahalagahan (values). Isang pagpalit ng puso't diwa;
pag-iisip at gawain; mga saloobin (attitudes) mga hangarin; o pag-aasal.
1.Ang lalong tiyak na kahulugan ng pagsisisi ay ang pagtalikod sa
kasamaan, kasalanan, masamang gawain at sa pagpapatakbo ng sariling
buhay sa gusto nating paraan. At sa halip ay maging masunurin sa Diyos
at ilagay o iluklok si Kristo bilang hari ng ating buhay. Maisasama dito ang
paghinto sa pagdadalawang isip at pagiging malahininga (hindi malamig at
hindi mainit) o ang pagwawalang halaga sa mga responsibilidad ng isang
kristiyano.
1.Isang napakalaking maling pag-aakala. Marami sa atin ang nalilito
sa dalawang bagay na ito. Ang pagdadalamhati ng dahil sa mga naging
bunga ng pagkakasala at ang pagdadalamhati ng dahil sa pagkakasala.
Napakarami sa atin ang nagdadalamhati dahil sa kanyang sasagutin ng
dahil sa kanyang nagawa ngunit kung malulusutan nya ito, gagawin muli
ang kasalanan. Ang tunay na pagsisisi ay pagdadalamhati sa pagkakasala.
Ang kapuutan ang kasalanan.

Isang mahalagang punto:

Ang pagsisi ay hindi isang pakiramdam, kundi isang pinag-isipang
kapasiyahan na tanggapin ang katarungan ng Diyos; ilagak ito sa sariling
pamumuhay at taggihan ang lahat ng salungat dito.

4. Ano ang kinakailangan nating gawin?

a) Kailangan tayong maging tapat sa sarili. Aminin natin na tayo ay
makasalanan at nagkasala. Harapin natin ng tunay ang kasalanan. Huwag
natin itong tawaging mga "karanasang pinagdaraanan".

b) Maging mapagkumbaba. maging handang magpalit ng buhay at
tumanggap ng tulong ng panginoon upang magawa ito. Huwag
nating akalaing magagawa natin ito ng mag-isa.

k) Itakwil ang kasalanan. Talikuran ng kusa ang mga pagkakasala at

magpasya na hindi na ito uulitin. Magagawa natin ito kung
magpapatulong tayo sa panginoon.

d) Humingi ng tawad sa diyos. (1 Juan 1:9)

5. Mga kasalanang kinakailangang itakwil.

Ito yong mga malalaking kasalanang hindi tugon sa isang ugnayan sa
panginoon. Hindi ito gaya ng masasamang kaugalian lamang tulad ng
kabastusan o kasungitan.

a) Mga relihiyong hindi kristyano.
b) Spiritwalismo, mga kahiwagaan o alinuwangan, pangkukulam.
k) Ang pakikipagtalik sa labas ng matrimonyo, pakikiapid, lantarang
bal
d) Pagpatay ng kapwa, pagnanakaw, panlilinlang, pagsisinungaling,
paninira ng kapwa.
e) Panlalasing (hindi pakikipag-inuman ng paminsan-minsan kundi
paglalasing). Ang pagdadrags. Pagiging isang "drug addict" o
kaalipnan sa drugs.

Kung mayroon sa mga kalahok ng kahit isa sa mga ito, makabubuting
sabihin ito sa namumuno sa seminar upang maituro o mabigyan ng payo
kung papaano ito maialis. Alalahaning hindi yoon kahihiyan o sama ng
pakiramdam ang importante dito. Ang mahalaga ay maitakwil at mahinto
ang mga gawaing ito.
Ang pagsisisi ay naging lubos lamang kung hinihinto ang masamang
gawaing dulot nito at tinatanggap si Hesukristo bilang Panginoon.
Kinakailangang pabayaan natin siyang maging tagapamahala ng
ating buhay. Ang pagtanggap sa kanya ay nangangailangan ng
pananampalataya. Upang lalong magawa ito, makabubuti kung
tayo ay mangumpisal upang matanggap natin ang sakramento ng
rekonsilyanisiyon.

K) Ang pananampalataya.

1.Ano ba ang pananampalataya ay hindi lamang paniniwala sa
ating isipan na si Hesukristo ang ating tagapagligtas, bagkus ito ay
ang paniniwala na siya ay naparito upang maging isang personal na
tagapagligtas ng bawat isa sa atin. Ang pananampalataya ay isang
personal na aksiyon at disisyon.

a.Ito'y isang tiyak, malinaw (definite) at pinagisipang aksiyon.
Kinakailangan nating buksan ang pinto upang siya'y makapasok sa ating
buhay.
a.Ito ay isang pansariling (individual) aksiyon. Tayo lamang ang
makakapagsiya nito. Walang makakapagsiya para sa atin na pihitin ang
bukasan ng pinto ng ating buhay.
a. Ito ay isang kusang (deliberate) aksiyon. Hindi nating kinakailangang
maghintay ng lintik o kulog mula sa langit o di kaya ay makarinig ng isang
mahiwagang tinig buhat sa taas upang gawin ito. Ang Panginoon ay
bumaba sa lupa, namuhay at namatay ng para sa ating mga kasalanan.
Siya ngayon ay nakatayo sa labas ng ating buhay. Bubuksan ba natin ito?
Ang susunod na aksiyon o kilos ay atin (Rsv. 2:20).
a. Ito ay isang agarang (urgent) aksiyon. Kailangang kumilos tayo agad
pagkat lumilipas ang panahon at ang kinabukasan ay hindi natin natitiyak.
1.Ano ang hindi pananampataya? Ang pananampalataya ay hindi
pakiramdam lamang o pagnanasa. Kung ito lang ang pananampalataya,
hindi sana tumalon si San Pedro sa tubig. Siya ay lumusong sa tubig
pagkat siya'y inaanyayahan ni Hesukristo at siya'y nagtiwala. Alam niyang
hindi nagsisinungaling ang Panginoon at alam din niyang si Hesus ay
may lakas at kapangyarihan gawin ang kanyang mga sinasabi. Kayo ba
ay nag-aatubili? Sobra bang magtiwala sa kanya? Kung sa isang taong
inyong pinakasalan, naniwala at nagtiwala kayo na pakasalan lang ninyo
siya ibibigay niya ang langit at lupa o paliligayahin kayo eh kay Hesukristo
pa kayang Diyos ng lahat sa langit at lupa? Pinangakuan niya tayo ng
panibagong buhay. Ang patanggap sa buhay na iyan at ang pabayaan
siyang ipakita sa atin kung papaano ito gagawin sa araw-araw ang
pananampalataya. Kailangang nakahanda tayong gawin ang lahat ng

kanyang nais gawin sa ating buhay.


D. Ano ang magiging bunga ng Pagsisisi at Pananampalataya?

1. Ang sabi sa banal na kasulatan. "Maniwala at manampalataya kay
Hesukristo at ikaw ay magkakamit ng kaligtasan". Ito'y isang pangako
ng kaligtasan sa kasalanan, kay satanas, at sa kamatayan. Ito'y isang
pangako ng pagpapatawad at buhay na walang hanggan kapiling ang
Diyos.
1. Basahin ang (lukas 11:9-11) Ito'y isang pangakong magbibigaay ng
panibagong buhay sa Espiritu Santo. Tayong mga kristiyano ay malayang
humingi na ibuhos sa atin ng Panginoon ang lakas ng Espiritu Santo
ng dahil sa pangkong ito. Ito ay maaring angkinin sa pamamagitan ng
paghayag ng pananampalataya sa ating pagdarasal. Humingi ka at ikaw ay
Repentance & Faith By Bro. Arie Umbrete
tatanggap. Siya ay maaring pagkatiwalaan gagawin niya ito.

III. Ang hamon

Tanggapin natin ang hamon na kanyang ibinigay mula pa noong siya'y
nagtuturong kasama ang mga apostoles. "Magsisi at maniwala sa
Magandang Balita". Talikdan ang kasalanan at ang lahat ng balakid sa
pakikipag-ugnayan sa Panginoon. Tanggapin natin si Hesukristo bilang
ating Panginoon. Pagkatiwalaan natin ang kanyang pangako.
Pang-umpisa ng Talakayan:

Ibahagi sa isa't-isa ang mga lawak kung saan kinakailangan magbago tayo
o kinakailangang ibahin ang takbo ng ating buhay.

Ibahagi rin ang isa man lang paraan kung papaano mo palalaganapin, ang
inyong pananampalataya.












No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...