Wednesday, January 14, 2015

PAPAL VISIT 2015 Mga PWEDENG dalhin:


DOH ADVISORY: PAPAL VISIT 2015

Kung ikaw ay pupunta sa mga lugar na bibisitahin ni Pope Francis, GAWIN and mga sumusunod: 

1. Magdala ng pagkain upang maiwasan ang pagkahilo dala ng gutom. Siguraduhing di madaling mapanis and pagkain at ilagay sa malinaw na supot. 
2. Magsuot ng kumportableng damit.
3. Iwasang magsuot ng mga alahas at magdala ng mamahaling gadgets.
4. Huwag magkalat. Iwanan ang pinagkainan sa pinaglagyang supot, at itapon sa basurahan. Ang basurang nakakalat at maaring magdulot ng aksidente.
5. Huwag umihi kung saan saan. Gumamit ng portalet.
6. Kung ikaw ay may sakit o kapansanan, siguraduhing may kasama.
7. Magbaon ng gamot kung ikaw ay high blood o diabetic.
8. Kung ikaw ay buntis, at kabuwanan na o tumitigas-tigas na ang tiyan (premature contraction), maiging huwag nang pumunta. Ang batang isinilang sa labas ay nanganganib magka-impeksyon.
9. Kung magdadala ng bata, siguraduhing may kasamang matanda. Maglagay ng impormasyon sa bulsa ng bata kung saan maaring makipagugnayan kung sakaling mawala ito.
10. Alamin kung saan ang lugar ng mga medical stations.
11. Iwasang magdala ng bag o backpack para sa inyong kaligtasan.
12. Magdala ng ID sa bulsa, o papel na may impormasyon: Pangalan at telephone number na matatawagan kung sakaling may emergency.
13. Huwag nang magdala ng payong. Kapote ang mas mainam.

Mga PWEDENG dalhin:
• Candy o chocolate kontra sa pagkahilo
• Basong paglalagyan ng inuming tubig na hindi babasagin
• Pagkaing di madaling mapanis
• Pamaypay
• Bimpo- na puwede ring gamitin kapag may sugat na dumurugo
• Hand sanitizers
• Wet wipes
• Kapote

Kung may EMERGENCY:
• Pumunta sa pinakamalapit na medical station tent o ambulansya. Mayroong medical team na magbibigay ng first aid. Sa mga high blood at diabetic, dalhin ang sariling gamot pang-maintenance


Source: Do's and Don'ts

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...